Saturday, February 21, 2009

pamanhikan...

first time in my life na ako ay humarap sa isang seryosong usapan... na tungkol sa pagpapakasal!!!

yap! kinausap ako ng aking bayaw (kapatid na mas matanda ng aking maybahay ;-() sinabing may mamamanhikan daw sa kaniyang bunsong anak na babae, at gusto niyang ako ang makipag-usap. nung una ay ayaw kong pumayag sa ilang mga kadahilanan... una. aba e hindi ko naman kaya anak yun (bakit ako ang kailangang makipagharap?)... ikalawa. wala pa akong karanasan o kamalayan sa mga ganyang usapin (nung mamanhikan kasi ang aking ama sa biyenan ko eh hindi ako kasama), wala talaga! ikatlo. mahiyain kasi ako sa mga taong hindi ko kakilala (maayos naman (daw) sa mga friends ko, sabi nila)... ikaapat. nag-aalangan ako, baka kasi hindi nila sundin ang aming mga mapagkakasunduan (aba eh malilintikan sila sa akin!) ikalima. hindi ko naman talaga talastas/batid kung ano ang gusto nila para sa kanilang mga anak (simpleng kasal lang ba o marangya?) ikaanim. wala akong hilig sa mga detalye ng ganyang mga bagay (saan,kailan,paano,magkano,anong damit,patahi ba o arkila,at iba pang mga bagay na nakakairita para sa akin!)...

kaya lang may magagawa ba akong paraan para tumanggi??? isa lang ang sinabi ko sa kanila (sa bayaw at hipag ko) walang kokontra... ako ang pinagkatiwalaan n'yo, gagawin ko ang alam kong tama para sa kanila, kunwari anak ko 'to!!!

isang matamis na ngiti ang itinugon sa akin... sabay tapik ng aking bayaw sa aking balikat at yumakap naman ang asawa n'ya sa akin!!!

heto ang k'wento... hindi kami masyadong magkasundo ng bayaw ko (bastos kasi kapag nalalasing) at ang kanyang asawa naman ay kunsintidor sa kagaguhan ng asawa... dumating pa nga sa punto na "naumbag ko" (inalalayan ko lang naman, nakakaawa rin... kasi manipis ang katawan). madalas na lasing kaysa sa hindi, kaya madalas din na bastos. halos hindi na iginagalang ng kanyang mga manugang... nawawala na ang respeto ng mga kapitbahay... mga kapatid at mga anak na lamang ang tanging hindi tumatalikod sa kanya!!! bunso sa kanilang magkakapatid ang aking asawa. hindi ko talaga alam kung bakit ako ang napili niya o mas tamang pinagkatiwalaan n'ya (?)...

natapos ang pamanhikang iyon na pawang may ngiti sa labi ang magka-balae (to be) at ang magkasintahan.

pagkaalis ng mga panauhin ay niyakap akong muli ng aking bayaw, ng kanyang asawa at ng kanilang anak... hindi raw sila nagkamali na ako ang "pinili" nilang makipag-usap.

ang totoo wala akong ginawa!!! pinadaloy ko lamang ang usapan sa punto na ang kailangang tingnan at isaalang-alang ng bawat isa ay ang maayos na "bukas"... na pagsasaluhan/pagsasamahan nila/namin bilang iisang pamilya... Yun lang!!! lahat ay napagkasunduan ng may ngiti...

malaki ang aking natutunan sa nangyaring pamanhikan... kung ang bawat isa pala ay titingin sa kalagayan ng kanyang kapwa... hindi para pahirapan! kundi para pagmalasakitan...

may pag-asa pa palang magbago ang mga mantsa sa lipunang aking ginagalawan... katulad ng nangyari sa isang pamanhikan...

No comments: