Sunday, December 13, 2009

kapitan ng central virgilio salazar!!!

ini-announce kamakailan lamang ni salazar sa mga taga-central na hindi sila makapagtatanim ngayong summer crop 2009-2010!

sangkot dito ang mahigit na 500 ektarya ng lupang sakahan na nagagamit taun-taon tuwing tag-araw, mahigit 30 years na!

ang dahilan!!! wala o mahina (ayon kay salazar) ang daloy ng tubig sa ilog kaya't hindi pwedeng magtanim ang mga nasabing lugar...

sa ganitong pangyayari... maraming mga farmers ang nagkaroon ng iba't-ibang reaction... syempre karamihan sa mga ito ay nagpahayag ng galit!

hindi ko alam kung anong utak meron ang kapitan na ito!!! nagbigay kaagad ng pahayag ng hindi muna inaalam... baka may magagawa pang pamamaraan... o inalam muna sana kung ano ang mga dahilan ng paghina ng daloy ng tubig sa ilog ng busuanga!

sa kasalukuyan... nakikipag-ugnayan ang ilang mga lider sa lahat ng mga tao sa mga lugar na sangkot! napag-alaman natin na isinara pala ng husto ng mga taga-pitogo ang ilog sa lugar nila... nasa bandang itaas sila, hihina talaga ang daloy ng tubig sa ibaba.

napapahiya kasi si kapitan salazar... pinayagan niya ang pitkin petroleum limited na pumasok sa kaniyang barangay... tapos tinutulan naman ito ng karamihan!!!

ganti mo ba ito sa iyong mga kabarangay?

alalahanin mo lamang... baka maubusan ka ng swerte... ang karma kasi laging nasa huli!

Thursday, December 10, 2009

agawan ng kredito...

biglang kambyo ngayon ang performance team at ang iba pang mga pulitiko sa usapin ng mina... dati ay nagsusulong... ngayon ay kontra na (daw).

ang malungkot pa nito... sila pa ang nangangalandakan at nauna pa sa pagsasabing sila ang kontra at ang mga datihan na sa pakikibaka (tulad ni vice mayor ed gadiano ng sablayan) ang pro-mining na raw... grabe talaga ang pulitika! napakadaling pumihit... parang hunyango... madaling magbago ng kulay... depende sa kinapapatungan!

kahit pa magsipagsinungaling at makatapak ng kapwa... wala silang pakialam! ang importante ay ang kanilang sariling kapakanan! gahaman sa salapi at kapangyarihan!

sa darating na halalan tyak na babaha ng pera!!! ingat lang tayo, kasi nakakalunod din iyan!!!

Tuesday, December 8, 2009

gimik na naman sa panahon ng halalan!

dumaan ang panahon ng tag-bagyo, pagbaha at mga kalamidad na sumira sa malaking porsiyento ng mga palayan sa mga lugar na may kababaan, sa mga malalapit sa daang tubig, sa mga dalisdis na lugar, makikita at naramdaman talaga ang pinsala!

ang palagian at ordinaryong tanawin syempre pa ay ang mga pulitiko na nagbibigay ng tulong sa mga taong napinsala (daw).

ngayon ay mayroon na namang umiikot, nag-oorganize ng mga kababaihan, mga friends of jtv (raw)...

kung ang mga pag-oorganize sana na ito ay ginawa hindi sa panahong ito na malapit na ang halalan... kapuri-puri sana...

pero sa panahong ito... maliwanag na maliwanag... gimik lang ito sa pamumulitika!

Wednesday, December 2, 2009

sayang...

99 ang kabuuang tala ng mga kandidatong nagnanais na tumakbo sa pagkapangulo ng bansang pilipinas... pinakamarami ito, at ngayon lang nangyari sa kasaysayan!!!

indikasyon ito na marami na ang diskontento sa pamamahala ng ating kasalukuyang mga lider sa pamahalaan...

sayang talaga... di ako umabot sa filing ng certificate of candidacy...

eksakto sana ang bilang... saktong isang daan!!! 'yun ang talagang kailangan natin! (hindi ako)

ISANG DAAN... tungo sa MINIMITHI NATING LIPUNAN na may kapayapaan, katarungan... nagmamalasakit sa kapwa... hindi ganid sa kapangyarihan...

inuuna ang iba bago ang sarili!!!

Tuesday, November 17, 2009

my buddy...

mr jonjon sarmiento... my best buddy sa pagsusulong ng sustainable agriculture... marami kaming mga bagay na pinagkakasunduan... lalo na sa aming mga adbokasiya... saludo ako sa kanyang ginawa ngayon... imagine nasa world food summit ang friend ko... nakiisa sa hunger strike KONTRA MINA! plus the factor pa, na nasa roma s'ya... saludo ako sa 'yo my friend... JONJON SARMIENTO SANA DUMAMI PA ANG LAHI MO!!!

READ THIS LINK...

Sunday, November 15, 2009

saan dapat magsimula?

sa occidental mindoro ay natatangi ang National Food Authority (NFA). marami-rami na rin ang lugar na aking napuntahan pero sa oksi lamang nakapamimili ng milyun-milyong tonelada ng palay ang nfa...
sa ibang lugar ay dominante ng mga palay traders ang kalakalan ng butil... mas mataas kasi ang presyo ng traders compare sa nfa... sa occidental mindoro...
mas mataas ang price ng nfa, katunayan pa nga rito na nagbebenta pa ang ilang traders sa nfa... using cooperative procurement coordinator(s)...
may mga empleyado rin ang nfa na kasapi (daw) ng ilang mga lehitimong samahan... hindi masyadong malinaw kung isinali lamang ang mga ito (o sila ang kusang sumali) ng mga kooperatiba, upang madali o mapadali ang procurement transaction nila...

malakas pagkakitaan ang diskarteng ito... magkakasama, syempre lahat ng pamamaraan ay pwedeng gawin o maayos base sa pangangailangan! nagiging kaawaawa tuloy ang mga magsasakang mahihirap at ang mga kooperatibang maliliit... pati nga palay ng mga traders kinukuha at ipinapasok sa nfa... kanila na ang CDIF... 30 centavos din yun per kilo...

pinatatagal ang mga transaksiyon... pipila ka sa classification... pipila ka sa pagpapatimbang... pipila ka sa pagkuha ng bayad... sobrang kupad... kapag naiinip ka na... aalukin ka ng mga procurement coordinators (nila)... P17.40 ang nfa price per kilo plus 30 centavos na coop. development incentive fee... nagmamadali ka... ayaw mo ng maghintay... babayaran ka nila ng P 17.00 per kilo... kawawang mga maliliit at mahihirap na magsasaka...

ang masakit... magsasaka rin naman ang mga procurement coordinators... na hinahayaang magamit sila ng mga empleyado ng nfa na hindi nasisiyahan sa mga malalaki na nilang sweldo!

na hinahayaan lang din naman ng ilang mga kapwa nila procurement coordinators ng maliliit na kooperatiba!

...para bang ang maling praktis na ito ay tama... gumawa ka rin nang diskarte mo at 'di kita pakikialaman...

Poong Diyos ng awa at habag... saan na ba papunta ang bayang nilikha mo?

saan at kanino kaya dapat na magsimula ang pagbabago?

kailangan ba na magsimula sa sarili? pero wala namang umaamin na sila ang may mali o mga pagkakamali!!! kung sa ating kapwa naman... paano?

Tuesday, November 3, 2009

likas na mapagmahal...

sa nagdaang undas... muli kong nakita ang mga taong sa aking personal na pagkakilala ay mga walang pakialam... may sariling mundong ginagalawan! sa dami ng mga tao sa loob ng pampublikong libingan na paroo't parito sa paghahanap ng puntod ng kanilang mga mahal (?) sa buhay. hindi nila ito napag-uukulan ng pansin. nakayuko at abala sa pagdudot sa kanilang mga cellphone. na para bang kahit na bumagsak pa ang "skylab" ay hindi kayang abalahin...

cellphone na yata ang pinakamahalagang bagay na pag-aari ng isang individual ngayon!

nagpunta sa sementeryo upang dalawin ang namayapang mahal sa buhay... sa halip na manalangin, gunitain at pagnilayan ang masayang araw na pinagdaanan nila ng namayapang minamahal ay cellphone pa rin ang hindi mabitiwan...

talaga nga bang ang kabataan ngayon ay pag-asa ng bayan? o likas lang talagang mapagmahal???

Thursday, October 29, 2009

closer you and i...

hindi na magkamayaw ang mga magpaparehistrong mga botante... as usual pilit na namang humahabol sa deadline... kasi hanggang bukas na lang sila pwedeng magparehistro, para makaboto sa election 2010...

ang hindi ko lang maubos maisip ay kung bakit sa napakahabang panahon na walang trabaho ang comelec... wala namang gustong magparehistro! kung kailan deadline... por dyos por santo!!! doon makikipagsiksikan! doon makikipagbangayan! ang comelec naman sa napakatagal na panahon hindi man lamang nakaisip o nakagawa ng mga sistema upang mapadali o mai-ayos naman at ng hindi nagkakagulo ang mga nagpaparehistro!

tulakan... gitgitan... kulang na lang ay magkapalitan ng mukha ang mga tao... nagkakamurahan pa nga!!! idagdag pa ang napakaliit na espasyo ng kanilang opisina!!!

sa pagpaparehistro pa lamang nagkakaawayan na... sa halalan maaayos pa kaya???

para sa lahat ng botante kailangan nating maghawak kamay... para hindi tayo maisahan... wika nga ng bagets... closer together... you and I

Tuesday, October 20, 2009

kalsadabilaran...

tag-ani na naman... as usual, ang ginagawang bilaran ng mga magsasaka dito sa mindoro occidental ay ang kalsada... kahit ang national highway ay ginagamit na bilaran ng palay! bakit? wala naman kasing sapat na solar o mechanical dryer ang mindoro!

ayon sa pag-aaral ng bureau of postharvest research and extension (bpre), umaabot ng 12% ang natatapong palay, simula sa paggapas hanggang sa milling... kung ito lamang sana ay maisisinop, hindi na natin kailangan pang mag-import ng bigas!

malaki ang kontribusyon sa loses ng pagbibilad sa kalsada... nadudurog ang butil o nagka-crack kapag nadaanan ng gulong ng mga sasakyan! na nagiging dahilan upang bumaba ang milling recovery!

habang hindi nabibigyan ng sapat na atensiyon ang ganitong pangyayari... ang patuloy nating masasabi! palay na nasasayang pa!

Monday, October 19, 2009

bagong pag-asa...

sangguniang bayan member mula sa mga pamayanang kristiyano at siyang susuportahan sa darating na halalan sa 2010 ang isinusulong ng mga mananampalatayang katoliko ng bikaryato ng san jose. partikular sa apat na parokya ng magsaysay at san jose!

sa aking pagtingin, ito ay hakbang tungo sa isang pagbabagong pulitikal... and of course pagbabago ng mentalidad ng mga katoliko... mula sa kaisipang makasarili (me and my God at wala ng pakialam sa kanilang kapwa maligtas man ito o mahulog sa apoy ng impyerno)... tungo sa isang simbahang may pananagutan sa kinabukasan ng susunod na henerasyon...

kung mailuluklok ng pamayanan ang mga ito... sa pamayanan sila may utang na loob... sa pamayanan sila maglilingkod!!!

bagong pag-asa... na sumisibol sa mga mananampalatayang sawang-sawa na sa monopolyadong pulitika!

susuporta ako at mangangampanya!!!

Thursday, October 8, 2009

timbulan...

laman ng balita sa tri-media ang mga pinsala ng bagyo... kabi-kabila ang mga naging pagbaha. makikita natin ang malaking pangangailangan ng ating mga kababayan... nakalutang sila sa tubig at nagangailangan ng timbulan!!!

sana ang ating pamahalaan ay maging isang tunay na timbulan ng mamamayang nagangailangan!

huwag na sanang mapagsamantalahan ang pondo sa kalamidad... makarating nawa sa mga mamamayan!!!

Wednesday, October 7, 2009

kinapos na kapalaran...

dumalaw ako sa isang matandang kaibigan na namayapa na... sumalangit nawa ang kaluluwa ni tatay panying miembro!

sa aking pakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigang buhay pa! (syempre naman hehe) dumako ang usapin sa nakaraang bagyong ondoy at pepeng... sa laki ng pinsalang idinulot sa sambayanang pilipino... at ang pinaka at naging pokus ng usapan ay ang palay. noon ko lang narinig ang mga variety ng palay na tulad ng be-e-tri? elon-elon, wagwag na pawang mga traditional variety ay dinidiligan pa ng tubig habang iminamandala!!! at hindi ito nasisira!!!

samantalang ang palay na ating itinatanim sa kasalukuyan ay nasisira kapag nabasa ng tubig!!!

ang palay noon... kahit pa sabihin nating mahinang umani ay tolerable sa ibat-ibang uri ng kalamidad... sa mga peste at sakit... umaani kahit walang abono...

ang palay ngayon... mabilis, malakas umani... mabilis nga lang masira ng kalamidad... mahina sa peste at sakit... dependent sa synthetic fertilizer!

ang tao noon... mataas ang pagtingin sa kapwa... may pagpapahalaga sa salita... iginagalang ng mga kabataan... nasisiyahan sa payak na pamumuhay! pwede mong iwanang bukas ang iyong pamamahay... hindi ka mananakawan! ang tao noon karamihan ay pwede mong ikarangal!!!

ang tao ngayon...kinapos lang kaya... ng kapalaran???

palay at tao, noon... kumpara sa palay at tao ngayon!!! bahala na kayong humatol!!!

Monday, October 5, 2009

nakakalula...

maraming pagkakataon na aking nakita at nasaksihan ang mga natural na kalamidad na nangyari dito sa pilipinas... maraming mga buhay at kabuhayan ang naibuwis at nasalanta! taun-taon ay may mga ganitong pangyayari! tama kayo hindi na ito bago sa mga pilipino!!! marami kaming mga magsasaka ang nakakaranas ng ganitong mga paglubog sa baha... pagkasira ng mga pananim na palay, mais at iba't-ibang uri ng halaman!!! actually mukhang nakasanayan na ito... maging ng mga local officials...

kapag umulan ng malakas... babaha... masisira ang mga pananim..... ang pamahalaan... mag-aallocate ng pondo para sa binhi... ang reason ay upang muling makapagtanim!!! ito ang karaniwang cycle na buhay ng mga magsasaka... the question is... paano ang mga ginastos? ang kapital ng mga magsasaka na nawala? karaniwan na, na ang mga perang ito ay inutang lamang ng mga magsasaka sa mga usurero... sa mataas na patubo!

kung hindi mababago ang trend na ito... saan pupulutin ang mga magsasaka, pagdating ng panahon? marami na sa mga ito ang iniwan ang kanilang mga bukirin at nakipagsapalaran sa lungsod ng maynila... karamihan sa kanila ay nakatira sa squatters area... sa mga tabing ilog... sa mga baybaying dagat... sa ilalim ng mga tulay... sa tabing riles ng tren... sa silong ng mga gusali... sa silong ng mga puno... nagbabakasasakali... hindi tiyak ang buhay na tinatahak... kadalasan dahil sa kagipitan, dala ng pangangailangan... nagiging problema ng lipunan!

balik tayo sa bukid... sa mga magsasaka... maraming kapital ang sinasabing para sa mga magsasaka... kaya lamang bakit napupunta lamang ang mga ito sa pansamantalang tulong??? subsidy sa binhi... subsidy sa fertilizer at ilang mga maliliit na mga pansamantalang tulong lamang?

milyun-milyon ang nagagastos ng gobyerno para dito... ito ang mas pinag-uukulan nila ng pansin at panahon... mahirap kasing i-trace ang mga ito kung naibigay ba talaga itong "lahat" sa mga magsasaka!!!

nakakalula... nakakalulang isipin ang mabilis na pagbulusok ng bilang mga magsasakang maralita...

kung hindi magkakaroon ng tunay na boses at tunay na lingkod ng bayan ang ating pamahalaan... patuloy na maghihikahos ang sinasabi nilang "backbone" ng ating lipunan!!!

Tuesday, September 29, 2009

alin kaya ang tama?

sa kasalukuyan ay patuloy na pumapailanlang sa himpilan ng dzvt... ang patuloy na adbokasiya ng simbahang katoliko na tutulan ang malawakang pagmimina sa lalawigan! at kasama dito ang isinusulong ng department of energy (doe) at ng pitkin petroleum limited... ang oil and gas... nasa ikalawang antas na sila ng exploration... ang 2 dimensional seismic survey...

noong una pa lamang na paglulunsad ng pagpapamalay(iec) na ipinatawag ng pitkin... ay awtomatikong hinihingi na kaagad (pitkin) ang desisyon ng mga mamamayan... tama ba yun?

ikinakatwiran ng ilang mga pulic officials na... hindi na sila muling magpapatawag ng mga konsultasyon, kasi noong nagpapatawag sila noon ay kakaunti lamang ang dumalo... tama ba yun?

sa aking pagkaunawa ang desisyon ay nakukuha, matapos na dumaan sa maayos na proseso ng konsultasyon at mga pampublikong pagdinig...

alin ba ang tamang sundin... ang dikta mula sa pitkin, doe, gobyerno.... o ang tunay na sentimyento at hinaing ng mga tao mula sa mga pamayanang kristiyano!

ang dikta ba ng impluwensiya... o ang dikta ng konsensiya!

kapag ang huli ang iyong pinili... wala kang pera... ang tiyak lang maganda ang iyong PAMANA!!!

Sunday, September 27, 2009

konting ulan... malaking baha...

sa abot ng aking natatandaan... wala pang panahon sa tag-ulan na hindi nagkaroon ng siyam-siyam (9 na araw na pag-ulan), mayroon ding mga pagbahang nagaganap... may malaki rin naman... kadalasan naman ay hindi.

ang bagyong ondoy sa occidental mindoro ay itinaas ang public storm warning signal #1... mahina ang hangin, subalit malakas at malalaki ang patak ng ulan. magdamag lamang halos ang ulan pero nagdulot na ng medyo may kalakihang pagbaha.

nakakaalarma na ang ganitong sitwasyon... naalala ko ang isang pahayag ng namayapang pope john paul II ng kausapin niya ang grupo ng mga magsasaka. matagal na... parang 20 years na ito or more. ito ang kanyang sinabi " kung ang tao ay hindi makikipagkasundo sa kalikasan... magrerebelde ito, at nararamdaman na natin ito ngayon".

subalit hindi nakinig ang sambayanan!!! ipinagpatuloy pa rin ang pag-gahasa sa inang kalikasan!

konting pag-ulan malaki na ang baha!!!

ngayon pa lamang iyan... papaano na kaya kapag natuloy ang mga minahan???

bigla kong naalala ang mga huling katagang sinabi ni hesus bago malagutan ng hininga... "AMA, SA IYONG MGA KAMAY AY IPINAGTATAGUBILIN KO ANG AKING KALULUWA!

Tuesday, September 22, 2009

stemborer...

0 to 5 days tumatagal ang itlog bago maging uod. 20 days after, magiging pupa. 9 days more magiging paruparo (adult stemborer) at 10 araw pa matatapos ang buhay niya. iyan ang kumpletong life cycle ng isang stemborer...

ang stemborer ay isang uri ng mapanirang kulisap, nakagagawa sila ng pinsala sa suwi (plant tiller(s) sa pamamagitan ng pagbutas sa huwaho (puno) ng palay. "deadheart" ang tawag sa kanyang pinsala sa early stage at "white head" naman sa late stage. ang stemborer ay isang uri ng mambubutas...

wala pang riyak na life cycle ang mga pulitiko...

nakagagawa sila ng pinsala sa ating pamahalaan... binubutas nila ang ating kabang yaman... ...

comparison:
ang stemborer ay mapanira sa kanyang anyong uod (20 days)...hindi nakapamiminsala sa ibang anyo (pupa/adult)...

ang pulitiko ay mapaminsala sa kanyang iba't-ibang anyo, matapos na siya ay maisilang/manalo...

ang solusyon sa stemborer ay ang sabayang pagtatanim... nakatutulong ito upang hindi makapagconcentrate sa iisang lugar ang pinsala. magtanim ng 2 beses lamang sa isang taon...upang maputol ang kanyang life cycle...

simpleng solusyon sa stemborer... na pwede ring gawin upang solusyunan ang pesteng pulitiko... ang sabayang pagtatanim ay pagkakaisa ng mga magbubukid... magkaisa lamang ang mga mamamayan sa pagbabantay sa kanilang pananim (boto)... at huwag magtanim ng higit sa 2 beses (huwag nang iboto ulit ang walang ginawa o corrupt)... mawawala na ang problema...

ang pagiging maka-sarili ang ugat ng lahat ng problema... sa lipunan man o sa halaman!

endorsement na hinihingi ng pitkin...

sa regular session na ginanap sa sangguniang bayan ng san jose, mindoro occidental ngayong araw na ito 22 september 2009, ay tinalakay ang paghingi ng pitkin ng endorsement sa kanila upang makapagsagawa ng 2 dimensional seismic survey...

base sa talakayan ng mga sb members, malinaw na sinabi umano ni mr. pangilinan ng department of energy at ni mrs. aggravante ng pitkin(sa committee hearing) na hindi naman talaga required na magpaalam pa sila or hindi naman talaga kailangan ang sb endorsement para sila makapag-operate... kaya iyon ang naging tuntungan ng mga sb upang hindi magbigay ng endorsement...

mababaw na tuntungan... pero sapat na upang ang mga advocates ng kontra mina ay muling magsampa ng kaukulang dokumento/papeles... upang impluwensiyahan ang local government unit (lgu) ng san jose na magpasa ng 25 years moratorium ordinance kontra mina... (large scale, including oil and gas) upang matahimik na ang pamayanang kristiyano...

sana ay magpatuloy ang pakikisangkot at pakikiisa ng lahat ng nagmamalasakit sa kalikasan... mawala sana ang takot... mawala na sana ang divisive na pamumulitika!

makapagpalutang sana ang mga pamayanang kristiyano ng tunay na mga lider mula sa kanilang hanay... upang makamit naman ang kinasasabikang tunay na pagkalinga mula sa pamahalaan!!!

para kang naglagay ng kakawate sa iyong bukid, upang solusyunan ang problema sa caseworm... hindi ka dapat tumigil at maging kampante... kailangan mo pa ring maging mapanuri at muling kumilos

<

Monday, September 21, 2009

the difference...

bilang isang magsasaka... kailangan kong ihanda ang aking binhi bago igayak ang aking punlaan...

kailangan kong ihanda at linangin ang aking bukid bago ko pataniman...

kailangan kong ihanda ang thresher, sako, panghakot at bilaran bago ang anihan...

matagal na paghahanda bago ko mahawakan ang aking pinaghirapang kita...

katulad din ng mga pulitiko... matagal ang paghahanda...

the difference is... kumikita sila sa pinaghirapan ng iba!!!

mga pulitikong payag sa pagmimina, sa eleksiyon dapat ibasura!

pitkin... walang humpay ang pag-usad upang ituloy ang extraction ng oil and gas!

ang kumpanyang ito ay hindi tumitigil sa pakikipag-lobby sa mga lider pulitiko ng limang bayan, partikular ang sablayan, calintaan, rizal, san jose at magsaysay sa lalawigan ng occidental mindoro... ito ay sa kabila ng lantarang pagtutol ng lokal na simbahang katoliko sa lalawigan... of course suportado ito ng mga kasapi ng pamayanang kristiyano.

nakakalungkot isipin na sa kabila ng kabi-kabilang pagtutol na ito sa mga pamayanan ay gumawa pa rin ng mga resolusyon ang mga barangay council upang payagan ang pagpasok ng pitkin petroleum limited.

pwede palang ipagkasundo ng mga kapitanes at konsehales ang kanilang mga kababayan?

hindi ko lang maubos maisip... ang mga taong ito ay manunungkulan lamang sa loob ng tatlong term... siyam na taon ang pinakamahaba... tapos papasok ka sa isang kontrata na aabot ng mahigit sa iyong panunungkulan? ng dahil lamang sa iyong sariling kapakinabangan?

intex at aglubang naman ang problema sa norte... nickel naman ang hanap... kahit pa may ordinance na 25 years moratorium on large scale mining ang abra de ilog, sablayan, paluan at lubang... may resolusyon naman ang lahat ng 11 bayan ng occidental maliban sa magsaysay... at gaya ng pitkin tinututulan din ito... pero patuloy pa rin ang kanilang mga pagkilos upang makapasok sa lalawigan.

malalakas ang kanilang loob kasi suportado sila ng mga lider pulitiko...

mas pinahalagahan nila ang interes ng kanilang mga bossing...

kaya ang dapat at tamang gawin ng mga mamamayang dismayado sa mga pulitikong naka-pwesto ngayon??? huwag iboto sa halalan... upang hindi pamarisan!!!

ngayon pa lamang ay nakakaranas na ang lalawigan ng sunod-sunod na mga pagbaha, may mga paglindol at mga kalamidad... gaano pa kaya kung papasukin at papayagan natin ang mga minerong ito?

ano kaya ang magiging itsura ng kalikasang ipapamana natin sa susunod na salinlahi?

isa ako... ako mismo... mangangampanya!!! na ang lahat ng pulitikong payag sa pagmimina sa halalan dapat ibasura!!!

Tuesday, August 25, 2009

changes...

totoo talaga ang kasabihan na walang permanente dito sa mundo... exept... changes!

kilala si vice mayor ed gadiano ng bayan ng sablayan na isang matatag na leader ng dream team na pinamumunuan ni gov. sato...

sa kasalukuyan ay nagpahayag na si vice ed gadiano na siya ang official na kandidato ng perpormance team sa mayorial race sa bayan ng sablayan sa election 2010 alam naman natin na pinamumunuan ito ng mag-asawang villaroza... in short sumakabilang bakod na si gadiano!

iisa ang pumasok sa aking isip... tapos na ang term of office ni mayor mintu at vice gadiano! so, walang pagpipilian ang dalawang ito kundi ang umakyat ng pwesto! or magpalitan sila katulad ng ibang mga pulitiko sa ibang bayan... hindi nila ginawa!

matunog din kasi na tatakbo rin bilang mayor ang asawa ni mayor godofredo mintu.

matagal na magka-tandem ang dalawang ito (mintu-gadiano), at laging sinasabi ni mintu na kapag naroon si gadiano parang naroon na rin siya...

sa pangyayaring ito... narito ang aking sapantaha...

mas pinili ni sato si edna mintu bilang mayor... inilaglag niya si gadiano!

sa sama ng loob ng mama??? ayun lumipat kay kabila!!!

pulitiko... pulitika... hindi mahalaga ang pagpapahalaga sa salita...

ang mahalaga? kung kanino ka mas higit na mananagana...

mas mayaman kasi si mintu kaysa kay gadiano!!!

sa takbo ng ating lipunang puno ng mga taong nasisilaw sa salapi, mas lamang ka kapag may pera ka!

nasa kay gadiano ngayon ang aking simpatiya... sana lang huwag masayang ang matagal na niyang pakikipaglaban kontra mina!

huwag sana siyang mahawa sa mga alipores ni gloria!

Tuesday, August 11, 2009

isa na namang pakikipagtunggali...

muli na namang nagparamdam ang pitkin petroleum limited sa mga pamayanan ng katutubo... ito ay para sa free and prior inform consent (fpic) na kailangan nila para makahakbang ng tuloy-tuloy sa oil exploration dito sa occ. mindoro.

nakakalungkot isipin na ang ncip na siyang dapat na nangangalaga sa kapakanan ng mga mangyan ang siya pang ginagamit upang linlangin, dayain, lituhin, bulabugin at pag-hiwalayin ang maayos na relasyon ng mga katutubo...

noong una pa man na nagsagawa ng pagpapamalay ang mag-asawang agravante sa mga pamayanan na dadaanan ng magneto-telluric (mt) survey ay kasama na ang mga katutubo sa masidhing nagpapahayag ng pagtutol sa proyektong ito... pero, katulad ng nangyari sa kabila ng lahat naisagawa pa rin ang mt survey sa 85% ng kanilang target area...

ngayon muli na namang nagtakda ang ncip ng mga araw ng pagdinig sa mga katutubo... subalit mukhang isa na naman itong moro-moro... magtatakda subalit hindi itutuloy upang lituhin ang mga lider na tutol sa proyekto... kung puro alipores nila ang present... makatitiyak sila na papabor sa kanila ang ihip ng hangin...

matuto sana ang sambayanan sa mga pangyayaring ito... ang mga lider na pinagkatiwalaan natin nang ating banal na boto... ang siyang nagsilbing hudas sa sambayanang mindoreño...

Sunday, August 9, 2009

Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reform... nilagdaan na...

Palace welcomes passage of CARPer
By Marvin Sy (philstar.com) Updated August 04, 2009 12:00 AM


MANILA, Philippines - Malacañang welcomed yesterday the passage of the Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPer) bill and assured the people that President Arroyo will sign it into law as soon as it is transmitted to her office.

The House of Representatives and the Senate have ratified the bicameral conference committee report on the bill so after the measure is printed, it will be sent to the President for signing.

“It’s a welcome development. We all know that President Arroyo herself pushed for the extension of the CARP,” Secretary to the Cabinet Silvestre Bello III said.

The President has been pushing for the passage of the bill, which would extend CARP for another five years

And empower the farmer recipients.

The President said her father, the late President Diosdado Macapagal, started the CARP and she wants to see the program fulfill its objective after her term.

The Senate unanimously approved yesterday the bicameral conference committee on the disagreeing provisions of the CARPer bill as a fitting tribute to the advocacies started by the late President Corazon Aquino during her administration.

Sen. Gregorio Honasan, former chairman of the Senate committee on agrarian reform, presented the committee report before the plenary yesterday.

Honasan was chairman of the committee when the Senate extensively discussed the extension of CARP last year.

Congress is providing a P150-billion budget for the extended CARP law until June 30, 2014 which shall be funded from the Agrarian Reform Fund and other sources.

The CARPer provides a five-year extension from July 1, 2009 to June 30, 2014, for the final acquisition and distribution of all remaining undistributed agricultural lands. – With Christina Mendez

sana nga lang ang extension na ito ng CARP ay hindi matulad sa una... ang nabiktima ay ang middle class na mga magsasaka... yung mga lupa ng mga senador at kongresista ay nanatili sa kanilang pag-aari... sila kasi ang totoong mga "landlord"!!!

nabalitaan ko rin na nagkaroon ng re-organization ang Provincial Agrarian Reform Coordinating Council (PARCCOM) sa lahat ng panig ng bansa... sana nga ay mag-function na ito ngayon!!!

Sunday, August 2, 2009

balita...

Villarosa tagged in media slay
By Edu Punay (The Philippine Star) Updated August 01, 2009 12:00 AM


MANILA, Philippines - The widow of slain radio commentator and former Occidental Mindoro vice governor Crispin Perez Jr. has accused former congressman Jose Villarosa of being behind the murder of her husband last month.

In a supplemental sworn affidavit submitted before prosecutors of the Department of Justice (DOJ), Irene Perez accused Villarosa, husband of House Deputy Speaker Amelita Villarosa, of ordering the killing of her husband and even made the threat over a radio program an hour before the murder.

Mrs. Perez said her husband was murdered after insisting that the land owned by the Villarosas should be included in the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

According to Mrs. Perez, she heard the former Masbate congressman saying that her husband’s days are numbered.

Mrs. Perez said she had recorded the broadcast in a compact disc, which would be submitted before the DOJ as additional evidence.

Villarosa was among those who were convicted in 2006 of killing the two sons of his political rival, former congressman and 1971 Constitutional Convention delegate Ricardo Quintos in 1997.

Two years later, the Court of Appeals overturned Villarosa’s conviction by the Quezon City regional trial court for lack of evidence. He was released from the National Penitentiary where he had been serving his sentence.

The CA, however, found the three other accused with Villarosa guilty of two counts of murder.

Mrs. Perez said her suspicion about Villarosa’s involvement in the murder of her husband came about when she heard Villarosa over radio Bambi FM airing the threat against her husband on June 9.

“Crispin, Crispin, Crispin, Hahaha payat ka na, nalalapit ka na (you are already skinny, the end is near),” Mrs. Perez quoted Villarosa as saying.

An hour after the broadcast, Mrs. Perez said her husband was shot dead, allegedly by Police Officer 2 Darwin Quimoyog, who initially posed as an indigent person seeking free legal assistance.

She also claimed a witness has come out to testify that Quimoyog was a bodyguard of Villarosa.

Mrs. Perez filed charges of murder against Quimoyog last July 2.

During the investigation, Mrs. Perez claimed seeing Quimoyog in their house in San Jose City at around 8:30 a.m. and thought he was a policeman seeking free legal assistance from her husband, who was also a lawyer.

Perez and Quimoyog talked for 25 minutes. After the meeting, as Perez led Quimoyog to the door, the policeman pulled out his handgun and shot the victim in the back.

Perez died instantly from two gunshot wounds, the National Bureau of Investigation (NBI) said.

“When complainant rushed to rescue her husband, she saw the suspect still holding his gun and he stepped backwards. Complainant chased the assailant but when she was about to grab the assailant’s back, the latter tucked his handgun into his waist and managed to escape on board his motorcycle,” the NBI said in its report.

Perez has been included in the roster of journalists murdered this year.

The 66-year-old lawyer had just returned home after hosting his morning radio program “Sa Totoo Lang” when he was killed.


View previous articles from this author.

Article Options
Printer Friendly | Email Article |

kinopya ko na lang... di pa ako makapag-isip... may influenza (ah1n1) na yata ako... masakit ang ulo ko...

Monday, July 27, 2009

half truth-half lie (?)

sa ginawang state of the nation address ni pgma ay masasabi kong isa siya sa mga pinakamagaling na presidente sa buong santinakpan... magaling at mahusay na pagpapaliwanag ang aking napakinggan at napanood...

para sa kanyang mga kaalyado ay talaga namang perfect! puno at siksik ang kanyang huling ulat sa bayan...

para naman sa kanyang mga kritiko, ay hungkag ito at pawang kasinungalingan!

for me...tama silang pareho... maraming tulong/biyaya para sa tao ang nagmula sa iba't-ibang ahensiya ng pamahalaan... mas nais kong bigyan ng diin ang para sa mga magsasaka ayon sa aking mga naranasan...

ang presyo ng palay from Php 11.00/ ay naging Php17.00 per kilo... tama siya dun!!!

kaya lang, bakit hindi parin makaigpaw ang magsasaka sa kahirapan? nakatali pa rin sila (kami) sa cycle ng utang-bayad-utang!... bakit? sapagkat ang tulong na nagmumula sa pamahalaan ay pawang pansamantala... sabi nga nila, band-aid solution.

napakalaki ng perang subsidy para sa "seeds", sino ba ang tunay na nakikinabang dito? kung ang saka mo ay dalawang ektarya lang... 2 kaban ang alokasyon mo... kalahati ang bayad... may pakinabang ka na Php 1,200.00! hindi ba't mas malaki ang pakinabang nang mga mayayaman? kasi mas malawak ang kanilang bukid!

mas madalas kaysa sa hindi... ang mga (pansamantalang) tulong na ito pa ang nagiging daan ng malakihang "corruption" ng iba't-ibang "switik" na dapat ay para sa mga magsasaka! at nagagamit din para sa maling pamumulitika!

kung sino ang malapit sa kawali... sila lang ang may uling!

sinabi niya na umangat ang ekonomiya... naipakita niya ito sa sa pamamagitan ng mga datos! tama 'yun! kung hindi naramdaman ng tao... mali 'yun!

kailan kaya (kami) magkakaisa ang mga magsasaka? upang makakuha naman ng totoong pagkalinga!

Wednesday, July 8, 2009

kailan kaya...

sa kasalukuyan ang mga ahensiyang tinitingnan na may pinakamataas na marka sa antas ng corruption ay ang;

1. DPWH 2. DepEd 3. AFP 4. NIA 5. DA 6. at marami (lahat na yata) pang government agencies...

pero dito sa san jose occidental mindoro... grabe pa rin ang anomalya sa national food authority (nfa)... bibigyan ko kayo ng halimbawa.
1. sa pagbebenta ng palay... (individual muna) palakasan! kapag kaibigan ka o magaling kang magpadulas... mas inuuna ka at maganda ang classification ng palay mo. sa cooperative... kawawa ang mga maliliit na coop. na walang pondo... may mga kawani ng nfa na sumapi sa malalaking koop. sila na ang magbabayad ng mga ibinebentang palay ng mga farmers na walang tiyagang maghintay... kanila na ang coop incentive fee (CDIF).

2. sa pagkuha ng bigas... may mga kawani na gumamit ng ibang tao (dummy) para magkaroon ng tindahan natin outlet...

3. sa kanilang FAIR program... ang 25% nang naibentang palay ng mga cooperative ay pwede nilang bilhin at ibenta para kumita ang mga kooperatiba. babayaran ng koop ang bigas sa nfa ng Php 1,175 per bag at ibebenta ito ng mga koop nang 1,250... malaking tulong sana ito sa mga koop... kaya lang dahil nga sa may mga kawani sila na kasapi ng koop kailangang makapagbenta rin sila... kapag may buyer ka, kailangan isama mo sila... para mapadali ang iyong transaksiyon... kung hindi? may posibilidad na makakuha ka ng pangit na bigas! mabuti sana kung ang tinutubo ay sa koop nga nauuwi... kaya lang... mas malaki ang kanilang pinagpapartehan kesa sa nauuwi sa samahan!!!

ilan lamang iyan sa kaganapan sa ahensiya ng butil sa lalawigan ng oksidental!!!

Monday, July 6, 2009

tatlong bata namatay sa pagkain ng itlog ng palaka...

walong bata na may edad 5 hanggang 10 taon ang dinala sa murtha district hospital... tatlo ang namatay! ang dahilan ay ang kanilang pagkain ng itlog ng palaka...

maraming bagay ang nagsalimbayan sa aking kakatiting na kaisipan;
1. ganun na ba kahirap ang buhay ngayon? pati ang itlog ng palaka pinupulot na sa bukid at kailangan ng kainin?
2. nakakalason ba talaga ang itlog ng palaka? kumakain din kasi ako ng palaka at kung minsan ay may itlog ito sa tiyan, na amin din namang nakakain!
3. alam kong may lahi ng palaka na hindi kinakain... i.e. hawaiian frog... lason kaya ang itlog nito? hindi ko pa kasi na-try!
4. baka naman may chemical residue ang tubig o umagos na tubig sa bukid na kinalalagyan ng itlog ng palaka at ito ang nakamatay sa tatlong bata?

kung ang mga bata sanang iyon ay anak ng mayaman, malalaman kung ano ang kanilang ikinamatay... hindi sana nakatingin sa kawalan ang kanilang mga magulang at pinagbubuntunan ng sisi ay ang itlog ng palaka!

ganyan talaga ang lipunan na ating ginagalawan ngayon... isang lipunang hinuhubog ng mga makapangyarihan... mga makapangyarihan na pinipilit na ilagay sa kanilang palad ang ikot ng mundo... maging ang buhay at kabuhayan nang mga maralitang mamamayan...

sadya talagang mahirap tumawid sa matinik at madulas na daan... kahit pa sa dakong huli ay ang pangako ng tunay na kaligtasan! nananaig pa rin ang pagkamakasarili at ang tawag ng laman!!!

Friday, July 3, 2009

paano kaya?

paano kaya malalaman ng mga mamamayan kung alin ang tama at mali kung sila ay nakikinig/nagbabasa/nanonood lamang sa mga balita???

medyo kakaiba kasi ang laman ng tri-media sa ngayon... sari-sari ang mga balita at ayon sa mga nagsasalita ay pawang (parang) totoo ang kanilang mga ipinahahayag!

may mga nagsasalita pa nga na sila ang tunay na media at ang iba ay mga kolorum!!!

mayroon ding nagsasabi na wala silang kinikilingan at pinuprotektahan!!!

may nagpapahayag at nagbigay pa ng pangalan nang kanyang mga kakampi (daw), na nasa ibang himpilan... alam kaya ng mga ito na magkakampi nga sila? saan kaya sila magkakampi? o ano at sino kaya ang kanilang pinagkakampihan? ang kaaway/kalaban kaya niya ay kaaway/kalaban din ng mga taong binanggit niya?

kakaiba ang media... pwedeng maging sanhi ng pagbuo o pagwasak ng isang personalidad o maaaring maging nang isang samahan, kooperatiba, kompanya, organisasyon, institusyon....

matuto sana ang tao na maging mapanuri at mapagnilay... sa mga taong mapagkunwari at mapagpaimbabaw!

Thursday, July 2, 2009

salarin ni atty crispin perez, pinangalanan na ng kanyang biyuda...

shocked ang alipin ng lupa sa pangalang binanggit ni ms. irene perez ang naiwang asawa ni atty. crispin perez... sinabi niya on-air sa dzvt- pintig ng bayan na nakaharap na niya ang taong bumaril sa kanyang asawa!!!

positibo niyang itinuro at pinangalanan si PO2 Darwin Quimuyog... na siyang bumaril kay atty. perez... ayon kay ms perez 4 na dangkal lang ang layo niya kay quimuyog noong kausapin nito si perez... at halos 1 dipa lang ng barilin ni quimuyog si atty perez, kaya 100% sure umano siya na ito talaga ang pumatay sa kanyang asawa... at wala daw saksak si perez... bala ng baril ang tumapos sa buhay n'ya...

sana nga matapos na at magkaroon na ng katarungan ang pagkamatay ni perez...

sa calapan city pala naka-detain si quimuyog...

si quimuyog kaya ay manika?... kung manika s'ya... sabihin o aminin kaya niya ang nagsusi sa kanya?... sana hindi magkatotoo ang itinatakbo ng kalahating kusing kong pang-unawa... kasi pulis si darwin quimuyog... PO2... tapos manika palang de-susi???

nakakarimarim!!! sana mali na lang si ms. perez!

Wednesday, July 1, 2009

kalampag...

sa kasalukuyan... ang liga ng mga barangay sa bayan ng sta cruz, occidental mindoro ay naghain ng resolusyon upang paalisin ang holy cross parish priest richard castillo...

isang kakatwang pagkilos na ginawa ng mga kapitanes, 9 out of 11 brgy captains ang salarin sa petisyon at ang pasimuno ay ang kapitan ng "pinagturilan" na si azurin...

hindi ko maiwasang mag-isip... saan nagpasimula ang petisyong ito???
1. tiyak na may kaugnayan ang maigting na pamumuno ni fr richard sa pag-oppose nito sa mina...
2. hindi kaya alam ng mga kapitanes na ito na walang kapangyarihan ang estado para pakialaman ang simbahan?
3. magkano kaya ang kinita ng mga kapitan na ito upang maging sunud-sunuran sa dikta ng intex?

may isa pa nga palang kaganapan doon... sinabi ni mayor galsim na kung anuman ang maging desisyon ng sangguniang bayan ng sta cruz ay kanyang susundin sapagkat ito ang tinig ng Diyos...

kaya lang nakakalungkot... hindi pa niya pinipirmahan ang resolusyong ginawa ng SB na huwag payagan ang pagtatayo ng high presdsure leach acid (HPAL) plant sa sta cruz... sa halip nagpasa pa ang liga ng mga barangay ng kanilang resolusyon (din) upang payagan ang hpal plant... na siyang ginawang dahilan ng hindi (daw) pagpirma ni galsim...

ito naman kasing si galsim ayaw pang sabihin na siya ay pro-mining... ang hirap kayang magsinungaling!

sana lang sa 2010 election... ang isyung ito ay huwag makalimutan ng mga tao!
ang sinumang pulitikong ayaw sumunod sa kagustuhan ng mamamayan dapat alisin sa katungkulan!!! upang hindi pamarisan!!!

Tuesday, June 23, 2009

nakakatuwa...?

hindi na matapos-tapos ang mga pahayag ng pagdududa, dito sa ating mundong ginagalawan...

1. ang mga magsasaka duda sa DA san jose... kung bakit naman kasi ang kanilang seed subsidy... cumpolsary ang pagkuha ng bio N!
2. ang mga kampon ni sato duda sa kampon ni jtv... baka ang mga ito ang tumira kay perez?
3. ang kampon ni jtv duda sa kampon ni sato... baka ipinatumba nila si perez, para pagbintangan si jtv!
4. ang mga pro-villaroza duda sa dzvt... supporter daw ito ni sato! (ang pro-sato kaya duda rin?)
5. si mayor mintu at vice mayor gadiano ng sablayan... hindi raw totoong kontra sa mina!
6. ang lalaki duda sa babae... baka may iba itong mahal!
7. ang babae duda sa lalake... baka hindi lang siya ang itinatangi!
8. ang asawa duda sa asawa... baka may inililihim ito sa kanya...
ang ate sa kuya... ang bata sa matanda... sa may katungkulan o wala... sa pari... sa madre... sa tatay... sa nanay... sa lola at lolo...

pati batang bagong panganak!!! anak ng teteng! anak ko nga ba ito??? (ang anak kaya duda rin sa kanyang ama?):-)

pati ang alipin ng lupa napagdududahan... how i wish to be a sakristan... how i wish to be a true journalist...

sa mundong puno ng pagdududahan... dapat na maging maingat ang mamamayan...
upang hindi "maisahan!"

Sunday, June 21, 2009

bata, bata, mas madalas ikaw ang may pang-unawa...

umattend ako ng isang Pre-Membership Education Seminar (PMES)... sa isang kooperatiba ng mga magsasaka. para sa akin hindi ito bago, nakaattend na ako nito late 90s. halos wala pa ring ipinagbago, iba nga lang ang resource speaker. hinimay ang mga function ng bawat kasapi, officers at mga directors... isa lang itong refresher course para dun sa mga nakadalo... pero sa kabila ng lahat marami pa rin ang mga tanong ng ilang kasapi... may mga bagay na itinatanong, na sa aking tingin ay non-sense... pinipilit na makakuha ng mga kasagutang papabor sa kanilang sariling interes!!!

hanggang sa kasalukuyan... wala pa ring nakikitang solusyon sa monopolya ng kapitalismo... kung hindi ang kooperatibismo.

pagkakaisa lamang ang tanging susi upang labanan at pabagsakin ang malakas at makapangyarihang naniniil sa karapatan ng mga dukha!

hindi ko maunawaan kung bakit napahirap itong maintindihan ng mga taong napakatagal nang pinagpapaliwanagan!!!

bata... bata... mas madalas ikaw ang may pang-unawa!

sana lang wala ng taong maging matanda!

Thursday, June 18, 2009

amba ng panibagong laban?

hindi pa umuusad hanggang ngayon (wala pa kasi akong balita) ang mga usapin sa OMECO.

ano na kaya ang nangyari sa mga motion na inihain sa 30th annual general membership assembly?

nakakatakot at nakapagdudulot ng pangamba ang ganito katagal na katahimikan...

ano na kaya ang tayo ng bagong komposisyon ng kasalukuyang BOD ng OMECO sa pagtsugi sa kontrata nito sa IPC?

mga anonymous... pakibalitaan naman kami...

kapag PRO-MINING ba eh PRO-IPC na rin? ;-)

Wednesday, June 17, 2009

bunga ng tiyaga...

sa ginanap/ipinatawag na public consultation/forum ng sangguniang bayan ng sta cruz noong ika-15 ng hunyo 2009 ay binanggit ni sb genesis gatdula (facilitator) na mayroong 2 fending resolution, isang nagrerekomenda at isang tumututol sa panukalang pagtatayo ng High Pressure Acid Leach (HPAL) Plant sa bayan ng sta. cruz... isa ako sa libu-libong dumalo at nagmartsa sa kalsada upang tutulan ang pagtatayo ng nasabing planta. sa aking pagtaya... ang PRO-MINING ay less than 500 ang kontra mina naman ay less than 2,000...

noong june 16 sa kanilang session ay overwhelming ang boto ng sta cruz sangguniang bayan! OPPOSING the HPAL plant ng Intex... isa na namang maliit na tagumpay...

may mga plakard akong nabasa, at nais kong ibahagi ang ilan:
- H'WAG NATING IBOTO ANG MGA PULITIKONG SA MINA AY GUMUGUSTO!
- SAVE LIVES, SAVE MOTHER EARTH! NO TO INTEX!
- ANG NAIS SUMIRA NG BUNDOK, SIRA ANG TUKTOK!

utang ang tagumpay na ito sa mga taong nagpakahirap para maipakita ang lakas ng tao... wala pa ring tatalo sa lakas ng pagkakaisa...

Wednesday, June 10, 2009

karambola...

maaga akong nakinig ng radyo... dwdo muna... binabasa ni alex ang mga mensahe ng kanyang mga texter... maingat niyang binasa ang mga iyon... pawang mga simpatiya at pagkondena sa assasin ni perez... kay uly wala akong naintindihan! kay sato naman, nagbalik-tanaw... sa kabila ng pagpapahayag na may pagkatakot... nagpahayag din ng pagkondena at paggawa ng mga legal na hakbang...

sa dzvt, nagsalita rin si sato... inisa-isa ang mga taong pinatay ng dahil sa pulitika... nagsalita rin ang IBP, si villamar at si castillo... hahayaan nila ang mga pulis para sa imbestigasyon pero kung hindi sila masisiyahan... gagawa ang IBP ng kanilang mga pagkilos! matapang si castillo!!! maingat si villamar.

sa bambi fm, nagsalita rin si deputy speaker... binanggit niya ang lahat ng mga obispo... na kanya raw tinulungan!!! para bang sinasabing huwag n'yo kaming pagbintangan... tumutulong ako sa mga taong simbahan.

ang karambola ay isang laro sa billiard, na kailangang patamaan mo ng cue ball ang dalawa pang bola sa table para ka makaiskor...

sa pagkamatay ni perez... pinipilit ng dream team na ilagay sa table corner ang mga bola para hindi makaalis at ng madaling makaiskor...

sa villaroza camp naman... pilit inilalayo ang cue ball... for safety...

sa pangyayari... habang walang official statement ang PNP investigative group...
ang utak ng mamamayan... nagkakarambola!

Monday, June 8, 2009

kakaiba at mahusay na analysis...

pinakinggan ko ang programang tapatan ni mariboy ysibido at marife villar... kasama nila si (fr) roni omanio. ibinalita rin nila ang pagkamatay ni perez...

hanga ako sa analysis ni marife... "ayon sa mga saksi nakasakay daw sa morsiklong pula ang suspek sa pagpatay, walang suot na helmet! ibig sabihin hindi tagarito, kasi ang mga tagarito sanay mag-helmet... dayo ang mga iyon!!!"

haaaay naku, marife villar!!! halatang-halata ka... na nais mong ilayo ang usapin... sa palagay ko rin may duda ka na baka kilala mo ang mastermind(?)...

nakita si perez na naliligo sa sariling dugo! ayon sa mga reporter... tsk tsk tsk...
ano kaya ang ginamit... timba at tabo?...

goodbye attorney crispin perez...

pinaslang si atty. perez bago mag-ikasampu ng umaga kanina... march 9, 2009.

nagtamo siya ng dalawang saksak sa katawan at isang tama ng kalibre 45 sa likod...

nangyari ang krimen sa harap ng kailang bahay sa m.h. del pilar st. brgy. 7, san jose occ. mindoro.

muli isa na namang broadcaster ang itinumba... isang broadcaster na naglilingkod sa isang partikular na pulitikal group... ang dream team ni sato!

sa aking pananaw... itinumba si perez sapagkat epektibo siyang kritiko ng performance team ni jtv... i am not saying na si jtv ang nagpatumba kay perez... kaya lang sino naman kaya?

si perez ay isang dating tauhan ni jtv... na lumipat sa kampo ni sato... at pinaslang!

kasama ni perez sa breadcasting si alex del valle at uly javier... galing din sila sa kampo ni jtv na lumipat kay sato...

tinanong ko ang aking sarili... kung ako ang nasa lugar ni alex at uly... matapos na patayin si perez... magsasalita pa ba ako sa radyo o mananahimik/magtatago na lang???

hehehe... buti na lang hindi ko kayang gawin yung ginagawa nila... payo na lang ang sa akin...

ingat... mahirap kalaban ang nauulol na aso!!!

Tuesday, June 2, 2009

simula na naman...

maririnig na naman sa mga himpilan ng radyo ang walang kamatayang batuhan ng putik ng mga "tuta(?)" ng pulitiko sa mga himpilan ng radyo na kanilang pag-aari... lumalabas na naman ang mga maaanghang na salita sa kanilang mga labi...

sa heart fm, walang pangimi at walang takot si alex del valle, si crispin perez plus uly javier! mga dating alipores ni jose tapales villaroza (jtv)... specific kung magsalita ang tatlo... bagama't kung minsan ay pasaring lamang... na maiintindihan mong ikaw ang may gawa kung nakikinig ka.

sa bambi fm naman, kumakana din si mariboy ysibido, marife villar, ronilo omanio at jojo villamar (?). pilit na inaalisan ng kredibilidad ang mga personaheng aking nabanggit na pawang mga taga-heart fm...

tauhan ni nene sato... pilit na hinuhubaran ang mga villaroza...

tauhan ni jtv... hinuhubaran ang mga kampon ni sato...

ang kaibahan lang ng dalawang grupong pulitikal? (ito ay ayon lamang sa naabot ng aking kalahating kusing na pang-unawa)... si jtv ang personal na tumitira kay sato! hindi ko pa narinig na nagsalita ng diretso ang mga taga-tahol ni jtv!!! samantalang si sato... hindi na kailangang magsalita... kasi ginagawa na nung tatlo!

para sa akin? kawawa si jtv kasi nagbabayad siya ng guwardiya tapos siya rin naman ang nagbabantay!!!

malapit na ang eleksiyon sa 2010... simula na naman ito ng walang katapusang public scandal...

advantage ng mga electorate... ang salitang kanilang bibitiwan ay pwede nating pagnilayan! at sa 2010 doon natin husgahan!!!

Monday, June 1, 2009

pulitikahan nga ba o tunay na simpatiya?

whew!!! alipin ng lupa... is here again... after hybernating for more than a month!!!

sa ginanap na 30th Annual General Membership Assembly (AGMA) ng Occidental Mindoro Electric Cooperative sa San Jose Gymnasium, San Jose, Occidental Mindoro... dumalo ang alipin ng lupa, at narito ang aking kwento. (yun na lang catchy ang ikukwento ko)

sa unang bahagi ay inilahad ni OIC fritz dantis ang financial na kalagayan ng OMECO... at natiyak ko tama pala ang mga narinig ko noon sa mga hosts ng pintig ng bayan sa DZVT... ang utang pala ng OMECO ay kulang na lamang ng konti sa Php 300 milyon!!!!!

walandyo! ang laki laki na pala talaga ng problemang pinagtakpan ng BOD! grabeee!!!

sa ikalawang bahagi, ang hinihintay ko... open forum... ang itinakdang moderator si PNB manager rey gorospe... binasa ang rule... then proceed!!!

sa unang arangkadahan pa lamang ng tanungan at paghahain ng motion... hindi na magkaintindihan... ang mga motion ay sa BOD ibinabato sa halip na sa general assembly! ang naabot ng aking kalahating kusing na pang-unawa ay iilang bagay... ang nagbigay ng unang mga katanungan ay si uly javier at ang unang motion naman ay mula kay alex del valle... ang inupakan ng dalawa ay ang Island Power Corporation (IPC), na batid ng mga mindorenyo na partly owned ng mga villarosa!(may kulay ng paghihiganti ang dalawa)

ang board of director naman... alam din ng lahat na tuta ni villroza ang majority... ang tingin ko talagang ayaw nilang itanong sa "body" para mapigilan ang mga motion para ipawalang bisa ang kontrata between IPC and OMECO... nag-attempt pa nga na iteknikal ang mga konsyumer... doon na tumayo ang lola... si gov. nene sato... teknikal din ang banat... naghain ng motion si jake castronuevo ipawalang bisa ang ruling... walang objection... lusaw ang moderator... balik sa BOD... mukhang natakot si tserman jerry villanada na mag-preside, mga astig na ba naman ang nag-aagawan sa mikropono eh... si direktor samson ang nag-preside... saka lang umayos-ayos at naka-usad sa usapin... acknowledge... ano ang motion... may second the motion... any objection??? pag wala... aprub!!! palakpakan ang tao...

kaya ko nasabing panahon na naman ng pulitika... andun si mayor muloy festin, vice gov gene mendiola, gov nene sato, may mga kapitan mula sa iba't-ibang barangay... may mga sangguniang bayan members din... nakisakay sa save omeco movement... nakisimpatiya...

kung hindi kaya papalapit ang halalan gagawin din kaya nila 'yun?

iisa ang tiyak ko... nakabawi si alex at uly sa mga ginawa ni jtv sa kanila!!!

hehehe... lagot kayong dalawa!!! sa pagganti ni lolo jose!!!

Thursday, March 19, 2009

anihan na naman ng sibuyas...

isa ang sibuyas sa pangunahing pananim ng mga magsasaka tuwing summer season. isa rin ito sa inaasahan na mag-aakyat sa kanila ng malaking kita.

ang presyo ng sibuyas noong nakaraan enero dito sa san jose ay umabot sa mahigit na Php 100.00 per kilo... ngayong anihan? Php 18.00 per kilo na lang at pababa pa ng pababa habang dumarami ang umaani.

napakalaki pala ng monopolya sa pagsisibuyas...

ang mga kapitalista ay bumibili ng sibuyas sa mga magsasaka, ilalagak nila ito sa kanilang pribadong "cold storage". pagpatak pa lamang ng ulan ay malaki na ang itinataas ng presyo... kapitalista na ang masusunod. ang magsasaka na nag-iimbak sa kanilang mga bodega ay madalas na nalulugi. nabubulok ang kanilang produkto, lalo na at walang maayos na bentilasyon ang kanilang imbakan.

hindi uubusin ng mga negosyante ang kanilang stock na sibuyas sa kanilang cold storage kahit pa maubusan ng supply sa merkado... unti-unti ang estilo para lalong tumaas ang presyo. umabot ng Php 120.00 ang sibuyas na binili nila nung nakaraan sa presyong Php 8.00 - 25.00 bawat kilo.

sa panahon ng anihan kahit na hindi nagbabago ang presyo ng sibuyas sa merkado ay ilalabas nila at ibebenta sa palengke ang mga itinira nilang sibuyas... sa napakababang presyo... ano ang implikasyon nito... mura ang sibuyas sa palengke! natural lang na mababa rin ang gagawin nilang pamimili sa mga farmers. maliit na kapital sa napakalaking tubo...

kawawang magsasaka, ni hindi man lamang sinangguni ng mga kapitalista kung magkano ang puhunan upang magkaroon ng produksiyon.

nagpakahirap... para sa kakarampot na kita.

Tuesday, March 17, 2009

takot ba o galit sa bakla...?

muli ko na namang narinig ang maaanghang na pagbatikos ni el kapitan jtv sa kanyang estasyon ang bambi fm... lahat ng mga taong nagtrabaho dati sa kanyang estasyon oy inupakan n'ya ng matinding pagbatikos.
si uly javier, matagal niyang naging alipores... ka-tandem nga n'ya ito at vice mayor niya nung tumakbo siyang mayor ng san jose... (nakakulong pa kasi siya noon kaya natalo)

vice mayor toto agustin, ilang dekada n'ya itong pinuri at ipinag-bando sa lahat ng mga tao na magaling at masipag, ngayon ay pilit niyang inaapakan at ibinabagsak...

alex del valle, isa sa kanyang mga propagandista, ngayon ay suko sa langit ang galit at pinagbantaan pang ipabibitay?

at isa rin sa kanyang binanatan ay si bokal rod agas... na di umano (ayon kay jtv) ay isang "bakla"...

ang pumasok sa aking kalahating kusing na pang-unawa ay ito... kabaklaan ba ang ipakipaglaban ang iyong prinsipyo? kabaklaan ba ang umalis at tumalikod sa iyong pinaglilingkuran kung hindi mo na masikmura ang kanyang mga ipinagagawa? bakla ba ang umalis sa iyong trabaho kung hindi ka na masaya? (pero teka lang bakla nga kaya si rod agas?) si sir jtv naman kasi lumayo pa... d'yan lang sa bakuran mo ngayon (baka) may bakla na! paki-tsek lang po ng maigi baka hindi lang yan iisa...

warning to (fr) roni omanio at mariboy ysibido! hwag kayong aalis d'yan, baka masabihan din kayong bakla...

matagal din namang nagtrabaho si rod bilang manager ng bambi...

nag-iisip tuloy ako... nakakatakot palang magtrabaho kay jtv, kapag umalis ka sa kanyang poder... babanatan ka!

alam ko namang matatalino na ngayon ang mga tagapakinig... alam na nila kung ano at sino ang dapat na paniwalaan!

totoo ang kasabihan... kaibigang karnal! kaaway na mortal! sa dami kasi ng kanilang mga pinagsamahan (in goodtimes and in bad times) alam at kabisado na nila ang mga kabulukan ng isa't isa... pero teka lang... kapag alam nila ang lihim ng isa't isa... meaning... chances are magkakasama sila!

and in this world, the only permanent is changes... from bad... to worst!

Monday, March 16, 2009

isang kaibigan... magandang direksiyon...

nakatanggap ako (kami) ng isang sms mula sa isang "kaibigan"... isang kaibigang nakapagbigay ng bagong pag-asa at direksiyon sa aking (amin) nagdidiliryong kaisipan. isang kaibigang kinakitaan ko ng sigla at ibayong sigasig sa kanyang mga gawain! hindi siya nauubusan ng enerhiya at mga idea. hindi nagsasawang magsaliksik, maghanap, magtanong... walang pagkapagod, araw at gabing kayod! kahanga-hanga ang kaibigan kong (namin) iyon...

sa likod ng aking isip... umaasa pa rin ako... na isang araw ang aking kaibigan ay babalik... muling makapagbibigay ng bagong pag-asa... sa akin... sa amin... :-(

mas madali talagang makita ang butas ng karayom... kaysa sa butas ng palakol!

makikita mo lamang ang kahalagahan ng isang bagay... kung ito ay wala na!

salimbayan ang problema... sana kapag natapos ang unos... sa aking paggising kasama ko na ang aking kaibigan!!!

Wednesday, March 11, 2009

Halalan na naman Board of Director ng OMECO

sa darating na march 29 ay magbobotohan na para sa BOD ang district 1 at april 5 naman sa district 2... (bago ako magpatuloy si Direktor Lee dela Fuente ay binawian na ng buhay kahapon, March 11.)

sa kasalukuyan ang occidental mindoro electric cooperative (OMECO) ay may pagkakautang sa NAPOCOR na mahigit 280 million pesos... gayundin ang retirements fund nito ay ubos na rin... sa aking pagtingin sa kalahating kusing kong pang-unawa... mayroong malaking anomalya sa pamamahala... ayon sa kay alex labrador ang koleksiyon sa mga member consumer ay umaabot sa 98 to 100 percent... meaning maayos na nagbabayad ang member-consumer... eh bakit nalulugi? (iyan ang basehan ko ng aking pagtingin)

pero hindi rin naman dapat na tanging si labrador lamang ang sisihin... kung nagtrabaho lang sana ng tama ang mga BOD hindi sana lumala ng ganito ang problema. sa halip ang mga BOD pang ito ang naging protektor ni labrador... maliwanag na nakita ito sa resulta ng comprehensive audit na isinagawa ng NEA, pero hindi pa rin umaksiyon si dir. villanada, pasol, magno at dela fuente... sa halip nanatili ang kanilang paniniwala na walang sala si labrador... (kumita kaya sila???)

nagkaisa silang apat... sa pagpanaw ni lee, hindi kaya hinihintay din niya si jerry? ............................... na magbago... na maitama ang kanilang mga naging pagkakamali?.... sana nga bago kayo kunin ni Lord!

dumating na ang tamang panahon... dapat na makisangkot na ang mga member consumer... palitan na ang mga bobo at tiwaling BOD ng OMECO!!!

Saturday, March 7, 2009

Malapit na naman ang Mahal na Araw...

kapag ganitong papalapit ang mahal na araw, hindi ko maiwasang balikan ang aking kabataan. isang musmos na nakatingala sa ibaba ng isang entabladong yari sa mga tablang pinagdatig-datig at ipinatong sa mga yerong drum. nakatingala at humahanga sa mga personalidad na nagsasabuhay sa dinaanang pasyon ni Kristo.

sa unang araw (linggo de ramos) ng kanilang pagpapalabas, sa pagmamartsa pa lamang ng mga "sinakulista" ay hindi ko na maunawaan ang aking nararamdaman... magkahalo ang pagtataka at pananabik sa isang pagtatanghal na noon ko lamang nakita.

muntik na akong mahulog sa kinatatayuan kong silya ng biglang lumundag ang isang taong nakasuot ng itim na terno at may suot na maskarang may sungay at nakalawit ang mahabang buntot... sa totoo lang muntik na akong mapaihi sa takot sa "demonyong" iyon...

araw-araw ay nanood ako... makatulog magising sa haba ng palabas na inaabot ng hating gabi... in short wala rin akong gaanong naintindihan (nakakatulog kasi)...

biyernes... huling pagpapalabas ng senakulo. pinaghandaan ko yun... kailangang hindi ako makatulog... kailangang may maintindihan ako!

nakita ko kung paano ipinagkanulo ni hudas si hesus! nakita ko kung paano pinahirapan ng mga hudyo si kristo! walang awa nila itong sinasaktan... inaalimura... sipa, suntok, hila... kakaawa rin yung gumaganap sa papel ni kristo... pasan ng krus... madadapa... babangon... pinapalo... hindi ko yata kaya yun!

pagdating sa kalbaryo... ipinako sa krus! halos mapaiyak na ako sa awa sa Kanya...

kaya lang ng lumingon ako... kakaunti na ang mga taong nanonood... nawala ang konsentrasyon ko sa panonood... nagtataka ako, nasa climax pa lang ang palabas, ang mga tao, nag-uwian na? Bakiiiit? nahihiya ba sila na makita ang paghihirap ni kristo habang nakapako? kasama ba sila sa nagkanulo? isa rin ba sila sa maraming naging dahilan ng paghihirap nito...?

noon sa aking murang edad... natatakot akong makakita ng demonyo... napapaiyak sa awa kay kristo!

ngayon? nasanay na.......sa senakulo ng buhay............ na maging bahagi ng totoong pasyon ni kristo...

sa totoong buhay pala... maraming hudas... meron ding demonyo... marami rin ang kristo!!! yun nga lang nahahaluan ng mga mapag-balatkayo...

Tuesday, March 3, 2009

Kwento ng pag-ibig...

nagsimula akong makakilala at ma-attract sa isang babae, when i was in grade school... edad 9 na taon siguro... nagsimula na akong magpalipad hangin... 12 years na ng makaranas ng isang relasyon... makulay na relasyong pambata (batang isip)... holding hands, bigayan ng kendi, love notes sa mga tearing papers etc... dumaan ang panahon... aral lakwatsa aral... kapag nakakita ng girl na nakatawag ng pansin, ligaw... mapapasok sa isang bagong relasyon na katulad ng dati ay kusang lumilipas... nawawala ng hindi namamalayan... may darating na panibago... mauulit na namang muli... parang araw na sumisikat sa umaga lulubog sa hapon...

sa kabila ng lahat, hindi pa rin nagsawang hanapin ang isang pag-ibig na alam kong nakalaan sa akin... walang takot sa pagpasok at paglabas sa mga relasyong hindi ko na matandaan kung alin ang seryoso... mas higit na pina-igting ang pagtuklas... naging mapusok at kinailangang panagutan ang naging bunga... nagpakasal... pinangatawanan ang pagiging isang resposableng ama... at asawa... kahit hindi ko matiyak kung ito nga ba talaga ang pag-ibig na inilaan sa akin... ginawa ko pananagutan ko!!!

ayaw ko ng ituloy ang kwento ng aking pag-ibig... ayokong mabisto!

ang ibig ko lamang iparating... higit sa ating mga halal na lider... maging pampubliko o pribado man ito... ang pagpasok sa isang tungkulin ay sarili nating kagustuhan... maaaring may nag-udyok... pero tayo pa rin ang siyang nagpapasiya, tayo ang nagdedesisyon... in short gusto o ginusto rin natin... at dahil sa kagustuhang ito, ito sana ang magtulak sa atin na gawin ang papel ng isang mabuting ama, ina o anak ng ating bayan... katulad ng ginawa ko... kasi iyon ang ipinamulat sa akin ng aking mga magulang...

maliban na lamang kung ang mga magulang n'yo ay iresponsable ring katulad mo!

Barangay Council...

inimbitahan ako ng isang kakulay sa isang sesyon ng barangay council ng purnaga upang magbigay ng kamalayan sa nakabantang oil exploration sa lalawigan ng mindoro (oksi)...

matingkad na lumutang sa pagbabahaginan ang kawalang malay ng council sa kanilang mga karapatan bilang mga lokal opisyal...

una: sinasabi nila na kapag ang atas (may memo) ay mula sa taas (higher official) wala na silang magagawa kundi ang sumunod...

sa aking pagtingin... kababawan ito o kawalang malay sa kanilang mga tungkulin! common sense na lamang... bakit pa magpapaalam ang mga ito kung walang karapatan ang mga mamamayan sa barangay??? e di sana'y iniutos na lamang ito ng walang pagsangguni sa kanila??? mapurol yata si kap. decena o talagang tuta lang siya ni gov. sato!!!

ikalawa: sinasabi nilang hindi sapat ang kanilang kaalaman paano sila mangangatwiran?

nakakapika ang ganitong mga pananalita ng isang opisyal... mababaw pala ang iyong kamalayan eh bakit hahayaan mong makapasok sa lugar mo ang isang proyektong hindi mo ganap na batid kung ano iyan!!! hindi ba't mas marapat na mangumbida ka ng mga taong may alam? yung neutral... hindi nagmula sa kumpanyang nag-aalok ng proyekto... o kaya naman ay magpatawag ka ng isang public consultation (yung tunay) para sa iyong sapat na kaalaman sa tamang pagdedesisyon... para di ka masisi ng iyong mga constituents...

hindi sapat sa iyong mga kababayan ang ganyan kababaw na katuwiran...

lutang na lutang tuloy na (mukhang) ikaw ay nabibigyan!!!

alalahanin n'yo sana na sa level ng barangay dapat ay apolitical!

Sunday, March 1, 2009

Media at Pulitika…

Mula sa aking pag-iral sa lipunang ito… malaki ang aking paghanga sa mga broadcaster… sa linya at paghahanay ng kanilang mga pangungusap… sa lalim ng pinanggagalingan ng kanilang mga balita… sa tatag at tapang ng kanilang mga prinsipyo… sa talas ng kanilang mga komentaryo… iilan pa lamang ang istasyon ng radyo noon, sa occidental mindoro DZYM at DZVT pa lang… hangang-hanga talaga ako…

Sa paglipas ng panahon, unti-unti ang san jose occidental mindoro ay umuunlad (kahit huli sa oriental), may sumulpot na mga bagong istasyon ng radyo. Isinilang ang “radyo natin” at heart fm na pag-aari ni gov. sato. Gayundin iniluwal ang “bambi fm” na pag-aari naman ni jtv at ang spirit fm na pag-aari ng simbahan (?).

Sa pagkakaroon ng mga istasyong pag-aari ng mga pulitiko… unti-unti ring nagsulputan ang mga bagong mukha ng broadcaster…ng bagong media (?)… nagkaroon na ng “batuhan ng putik”… siraan dito… siraan doon… tahol dito… tahol doon… ang masaklap ipinangangalandakan pa sa himpapawid na sila ay “neutral”!!!

Batu-bato sa langit ang tamaan ay huwag magalit!!!

Mukhang epektibo ang naisip na pamamaraan ng nasabing mga pulitiko… gamit ang mga bayarang “media men”… kasi hanggang ngayon nakaupo pa rin sila sa pwesto… at patuloy na "nakakapagpabango" sa tao.

Meron din namang media na at pulitiko pa ngayon… nagamit ang tiwala at paghanga sa kanila ng taong bayan… ibinoto sila sapagkat umaasa sa kanilang husay at galing... baka nga naman ito na ang kalutasan sa walang katapusang monopolya sa pulitika na pinaghaharian/pinagrereynahan ng dalawang grupong pulitikal!

sampal sa ating intilehente at kakayahang mag-isip...

sana ang nangyayari sa ating media at pulitika ay isa lamang panaginip!

Thursday, February 26, 2009

hamon sa pamayanan...

sa kasalukuyan ay bumalik na naman ang banta ng pagkaligalig sa mga pamayanang kristiyano ng apat na munisipyo ng kanlurang mindoro, ito ay kinabibilangan ng sablayan, calintaan, rizal at san jose... muli na namang nakita ang presensiya ng mag-asawang agravante (joseph & tessa) at ng isang engr. pangilinan ng doe.

muli na namang magkakainitan ang mga opisyal ng pamahalaan at ang mga lider ng pamayananng kristiyano, sa usapin ng public hearing o barangay consultation o information education campaign na muling ilulunsad ng pitkin petroleum limited...

sa mga naunang karanasan kasi sa pagsasagawa ng magneto telluric survey, ay hindi nagkaroon ng maayos na konsultasyon, at sa halip ay sa mga public officials lamang nagkaroon ng pagpapaalam ang pitkin at go na sila sa mt survey...

sa ganoong punto, ay hindi maiaalis ang pangamba sa mga mamamayan kung ano ba ang maaaring mangyari sakaling matuloy ang nasabing proyekto... hindi nagkaroon ng sapat na kamalayan at kaalaman ang mga tao... kasi nga ay hindi idinaan sa maayos na proseso ang social preparation. in short inapura.

sa ngayon ay narito na naman sila para sa 2 dimension seismic survey... ikalawang antas na at magkakaroon na ng drilling... magkakaroon na ng paglalagay ng dinamita... kailangan muli ito upang higit na patibayin o kumpirmahin ang naging tesulta ng magneto tellutic survey...

hahayaan ba nating mangyari muli ang ginawang kabastusan ng ating mga public officials? hahayaan ba natin na muli tayong linlangin ng department of energy at ng pitkin? hahayaan ba natin na gawin tayong tautauhan ng mga kapitalistang nagsasamantala sa kahinaan ng mga maralitang mananampalataya?

kapag hinayaan natin ang mga katampalasanang ito... ang pagbalewala sa ating karapatan at sa ating kakayahang magpasya...

mabuti pa sa atin ang kalabasa... gumagapang nag-iiwan ng bunga!!!

Wednesday, February 25, 2009

Ang tinig ng Occidental Mindoro...

muli ko na namang narinig ang tinig ni deputy speaker ma. amelita "girlie" villaroza... ayon sa kanya ay kailangan umanong ipagawa ang west coast road sapagkat hindi lamang daw ito daanan ng sasakyan kundi "bilaran" din ng palay...

well... sa isang banda ay tama naman siya roon, sapagkat talaga namang ginagawang bilaran ng palay ng mga magsasaka ang kalsada, lalo na sa panahon ng main crop.

kaya lang hindi kaya niya naiisip na kaya lamang nagbibilad sa kalsada ang mga magsasaka ay sa kadahilanang walang sapat na mga pasilidad ang ating lalawigan?

hindi rin kaya niya alam na ang pagbibilad sa kalsada ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa mga motorista at sa mga taong nagbibilad mismo?

sana naman ay alam niya na ang palay na ibinilad sa kalsada ay nagkakaroon ng mababang milling recovery rate... ayon sa bureau of post harvest research and extension (bpre), ay umaabot sa 12 percent ng kabuuang ani ang nasasayang na palay dahil sa hindi tamang pangangalaga dito. kung ito lamang ay masisinop ng tama... hindi na kailangan pa na tayo ay mag-import ng bigas sa ibang bansa.

sana may magsabi sa kanya na ang kalsada ay para sa mga sasakyan at motorista...

hindi matutugunan ng kalsada ang kakulangan ng ating lalawigan sa bilaran at iba pang inprastraktura, na dapat ay para sa mga magsasaka!!!

Sunday, February 22, 2009

ang malas-malas ko naman!!!

nagmamadali ako kahapon (di ko na sasabihin kung bakit) akalain mo ba namang nagluko pa ang aking service... ayaw umandar ng maayos, sa aking pakiwari ay natuyuan ng diesel. tiningnan ko ang fuel gauge, ayos naman, halos kalahati pa ang laman ng tangke. naisip ko baka nagbara lamang... baba sa sasakyan ang bida (ako yun) bukas ng hood... binuksan ang drain plug... bomba!!! sakay ulit... start... andar ng konti... patay na naman!!! bomba ulit... start... ayaw talagang magtuloy ng andar... pikon na ang bida kasi nagmamadali nga!!!

tawag sa cellphone...dating ang suporta... hila ang sasakyan (ko), papunta sa mekaniko... iniwan na doon!!! sakay ulit sa serbis na motor ang bida (ako yun)... starting pa lang hataw na (kasi nagmamadali nga!), akalain mo ba namang hindi pa nakakarating sa pupuntahan na-flat naman ang unahang gulong!!! walandyo... may kasunod yata akong dimonyo!!! tawag ulit ng suporta... pinadala sa vulcanizing shop ang motorsiklo... lakad ang bida... pauwi na... nagpasiya akong kinabukasan na lang lalakad... maagang-maaga...

nagpapahinga na ako sa bahay ng dumating ang aking motorsiklo... akala ko okey na, yun pala, bumitaw naman ang "brake shoe"!!!... hindi na nga flat! wala namang preno! susme gabi na!!! dala-dalawa ang serbis sabay pang nagka-problema...

halos di ako nakatulog... sa inis sa pikon... kakainis talaga!!!

kinabukasan. hindi ko alam kung paano ako nagising... o baka naman hindi talaga ako nakatulog??? sinakyan ko ang aking motor (kahit walang preno), alalay ang takbo... papuntang tindahan ng "brake shoe"... iniwan sa mekaniko... sakay ng tricycle papunta sa pinagpagawaan nung isang serbis ko...

wala naman palang sira... nabarahan lang ng dumi ang "hose" mula sa tangke ng diesel papuntang oil filter!!! ang ginawa ng mekaniko? inalis ang krudo at nilinis ang tangke... ibinalik ulit ang malinis na krudo... itinapon ang marumi!!! pinaandar... ayun... maayos na!

dapat pala sa mga nanunungkulan sa ating pamahalaan... maging isang mekaniko!!! kapag ang mga proyektong para sa kapakanan ng tao ay nababarahan ng mga "ganid" at "tiwali"... alisin!!! linising maigi ang "kalat" sa kanilang mga opisina, itapon ang mga tamad at corrupt at alagaan ang mga taong malinis magtrabaho... para sa kagalingan ng lahat!!!

maayos na ang dalawang service ko... salamat sa mekaniko!!! kaya lang...

:-( ang malas ko talaga... walang mekaniko, sa pamahalaan ng oksidental mindoro!!!

Saturday, February 21, 2009

pamanhikan...

first time in my life na ako ay humarap sa isang seryosong usapan... na tungkol sa pagpapakasal!!!

yap! kinausap ako ng aking bayaw (kapatid na mas matanda ng aking maybahay ;-() sinabing may mamamanhikan daw sa kaniyang bunsong anak na babae, at gusto niyang ako ang makipag-usap. nung una ay ayaw kong pumayag sa ilang mga kadahilanan... una. aba e hindi ko naman kaya anak yun (bakit ako ang kailangang makipagharap?)... ikalawa. wala pa akong karanasan o kamalayan sa mga ganyang usapin (nung mamanhikan kasi ang aking ama sa biyenan ko eh hindi ako kasama), wala talaga! ikatlo. mahiyain kasi ako sa mga taong hindi ko kakilala (maayos naman (daw) sa mga friends ko, sabi nila)... ikaapat. nag-aalangan ako, baka kasi hindi nila sundin ang aming mga mapagkakasunduan (aba eh malilintikan sila sa akin!) ikalima. hindi ko naman talaga talastas/batid kung ano ang gusto nila para sa kanilang mga anak (simpleng kasal lang ba o marangya?) ikaanim. wala akong hilig sa mga detalye ng ganyang mga bagay (saan,kailan,paano,magkano,anong damit,patahi ba o arkila,at iba pang mga bagay na nakakairita para sa akin!)...

kaya lang may magagawa ba akong paraan para tumanggi??? isa lang ang sinabi ko sa kanila (sa bayaw at hipag ko) walang kokontra... ako ang pinagkatiwalaan n'yo, gagawin ko ang alam kong tama para sa kanila, kunwari anak ko 'to!!!

isang matamis na ngiti ang itinugon sa akin... sabay tapik ng aking bayaw sa aking balikat at yumakap naman ang asawa n'ya sa akin!!!

heto ang k'wento... hindi kami masyadong magkasundo ng bayaw ko (bastos kasi kapag nalalasing) at ang kanyang asawa naman ay kunsintidor sa kagaguhan ng asawa... dumating pa nga sa punto na "naumbag ko" (inalalayan ko lang naman, nakakaawa rin... kasi manipis ang katawan). madalas na lasing kaysa sa hindi, kaya madalas din na bastos. halos hindi na iginagalang ng kanyang mga manugang... nawawala na ang respeto ng mga kapitbahay... mga kapatid at mga anak na lamang ang tanging hindi tumatalikod sa kanya!!! bunso sa kanilang magkakapatid ang aking asawa. hindi ko talaga alam kung bakit ako ang napili niya o mas tamang pinagkatiwalaan n'ya (?)...

natapos ang pamanhikang iyon na pawang may ngiti sa labi ang magka-balae (to be) at ang magkasintahan.

pagkaalis ng mga panauhin ay niyakap akong muli ng aking bayaw, ng kanyang asawa at ng kanilang anak... hindi raw sila nagkamali na ako ang "pinili" nilang makipag-usap.

ang totoo wala akong ginawa!!! pinadaloy ko lamang ang usapan sa punto na ang kailangang tingnan at isaalang-alang ng bawat isa ay ang maayos na "bukas"... na pagsasaluhan/pagsasamahan nila/namin bilang iisang pamilya... Yun lang!!! lahat ay napagkasunduan ng may ngiti...

malaki ang aking natutunan sa nangyaring pamanhikan... kung ang bawat isa pala ay titingin sa kalagayan ng kanyang kapwa... hindi para pahirapan! kundi para pagmalasakitan...

may pag-asa pa palang magbago ang mga mantsa sa lipunang aking ginagalawan... katulad ng nangyari sa isang pamanhikan...

Thursday, February 19, 2009

kung alam ko lang...

narinig ko sa isang programa sa radyo (dzvt) ang interview kay kagawad guy abeleda ng bayan ng san jose, doon ay kanyang sinabi na mayroong "typhoid outbreak" sa isla ng ilin at marami na raw ang namamatay, base umano sa kanilang isinagawang pagsusuri ay nagpositibo sa e- coli bacteria ang pinagkukunan ng tubig sa nasabing isla... buti na lang nai-tsek sya ng mga anchor ng pintig ng bayan.

heto ang nakakatuwa sa pangyayari. una. ang typhoid ay mula sa salmonela bacteria at hindi sa e-coli na tulad ng kanyang binabanggit. pangalawa. ano ang kapasidad ni kagawad abeleda na magdeklara o magsabi man lamang na merong outbreak, ke totoo man iyan o hindi???

napangalawahan pa ang ang kanyang "kabobohan" (?), nung interbyuhin naman s'ya sa bambi fm ni mariboy ysibido na kagawad din ng brgy. bubog at ni marife villar... inulit na naman n'ya na positibo sa e-coli bacteria ang tubig sa ilin at marami na ang may typhoid doon!!! ang masaklap hindi s'ya nai-tsek ng dalawang hosts...

kung alam ko lang ang mobile number ni kagawad edgardo abeleda ng bayan ng san jose... nasabi ko sana na mag-research ka muna, o magtanong sa kinauukulan bago magpa-interbyu... halatang halata tuloy na uhaw ka sa "media exposure" ;-I, kakahiya rin sa mga taong bumoto sa iyo...

Salmonella is a genus of rod-shaped Gram-negative enterobacteria that causes typhoid fever, paratyphoid fever, and the foodborne illness salmonellosis. Most Salmonella species are motile and produce hydrogen sulfide.

Escherichia coli (commonly E. coli; pronounced, is a Gram negative bacterium that is commonly found in the lower intestine of warm-blooded animals. Most E. coli strains are harmless, but some, such as serotype O157:H7, can cause serious food poisoning in humans, and are occasionally responsible for costly product recalls. The harmless strains are part of the normal flora of the gut, and can benefit their hosts by producing vitamin K2, or by preventing the establishment of pathogenic bacteria within the intestine.E. coli are not always confined to the intestine, and their ability to survive for brief periods outside the body makes them an ideal indicator organism to test environmental samples for fecal contamination. The bacteria can also be grown easily and its genetics are comparatively simple and easily-manipulated, making it one of the best-studied prokaryotic model organisms, and an important species in biotechnology. E. coli was discovered by German pediatrician and bacteriologist Theodor Escherich in 1885, and is now classified as part of the Enterobacteriaceae family of gamma-proteobacteria

para malaman mo din sana na pagdating sa ganyang mga problema may tamang mga ahensiya na siyang "dapat" na nagpapasya at nagdedeklara...

state of calamity... na lang sana... kagawad guy abeleda kung alam ko lang! kasama mo pa naman si kagawad vicky villaroza na anak ng magaling na doktora at si kagawad allen tan... sayang hindi ko nalaman ng mas maaga!!! ;-(

Tuesday, February 17, 2009

Patay na Bangkay...

nagpunta ako sa isang lamayan kagabi... isang payak na lugar sa gitnang bukid. walang kuryente, malayo sa mga kapitbahay...

sa unang yapak ng aking paa sa kanilang dampa na kinabuburulan ng kanilang namayapang anak, ay kaagad na tatambad sa iyo ang isang kahirapang hindi nakayang ikubli ng mga namumugtong mata ng mga naulila... ang ataul na kinahihigaan ng isang halos buto at balat na babaeng namatay sa panganganak, ay yari sa pinagtagpi-tagping plywood na parang kinuha lamang sa mga porma ng constuction, at ni hindi napahiran ng maayos na pintura...

ang naiwang anak ng yumao ay karga ng kanyang amang bakas na bakas ang todong pagdadalamhati sa paglisan ng asawang sana'y makakatuwang niya sa pagpapalaki sa apat na buwang gulang nilang sanggol.

ang sanhi ng maagang pagkasawi ng isang guro (sana) na iginapang upang makapagtapos sa pag-aaral ng kanyang mahihirap na magulang?

nabinat daw at pinasok ng hangin ang utak!!! ito ay ayon sa "findings ng albularyo" na kanilang kinunsulta...

may himig ng paninisi ang aking tanong sa magulang at asawang mugto ang mga mata sa kaiiyak. "bakit sa albularyo dinadala at hindi sa doktor?" dinala naman daw kaya lang walang nangyari... naubos na ang pinagbilhan nila ng kalabaw... wala na silang pagkukunan ulit, napakamahal at magastos talaga sa ospital!!! halos pambili nga ng pagkain wala na e... dagdag pa nila.

sa tingin ko nga sa katawang hapis na nakahimlay sa ataul ay halos balat na lamang ang bumabalot sa buto, naisip ko nga para namang sa gutom namatay ang babaeng ito...

kung ang hospital sana ng mindoro ay mayroong kumpleto at modernong mga pasilidad, kung sa halip sana na "contraceptives" ang ipinamimigay sa health center ay gawing mga gamot na nakapagdudugtong ng buhay... kung ospital muna sana bago ang pulitika... baka hindi nabawasan ang anak ng isang ina...

naiisip ko tuloy ano kaya ang magiging buhay ng anak nilang ito? kailangan sana ng bata ang gatas mula sa kanyang ina, kaya lang maaga ngang nawala... paano bibili ng gatas na maayos? naubos na sa pagpapagamot ang kalabaw nila at tanging yaman upang kumita ng pera... natatakot ako kasi ang tingin ko sa bata ay isa ng patay na bangkay...

Monday, February 16, 2009

kalikasan...

sadyang kay ganda ng kalikasang sa ati'y ibinigay ng dakilang Lumikha...
perpekto!!! wala kang pwdeng ipintas... ginawa niya ito ayon sa kanyang disenyo. ang pagsalig sa isa't isa... kapag pinakialaman ang isa, ay siguradong may epekto sa isa pa Niyang nilikha... ang cycle ng "buhay" maging ng tao man o nang iba pang mga "may buhay" at maging ng "walang buhay" ay laging magkakaugnay! isang tunay na perpektong handog ng Diyos sa sangkatauhan...

sa kasalukuyang sitwasyon... na ang ating mundo ay batbat ng mga kahiwagaang dulot ng mga taong itinampok Niya sa lahat ng kanyang nilikha... laganap ang kawalan ng pitagan sa lahat ng Kanyang "Obra". sa kabila ng pagpapakasakit ng kanyang anak upang maging isang halimbawa... at pagtubos sa kasalanan ng masa. unti-unti ang ating mundo ay nahuhulog sa kamay ng mga mapanlinlang!!!

ayon sa aking pagkakaalam... ang guru ng mamburao na si de jesus ay nahuling nandaya (ayon sa mga saksi) sa pamamagitan ng "ballot switching", kaya siya ay pinigil ng kampo ni bokal ignacio, asst. provincial agriculturist alfaro at iba pa... sa kasalukuyan nga ay nawawala (nagtatago kaya?) si de jesus...

pero ngayon ang mga tao pang nagsisikap na "itama" ang mga irregularidad ng maruming eleksiyon ang nakakulong... tama nga ang sabi ng lolo ko... SIRANG-SIRA NA ANG KALIKASAN!!!

Wednesday, February 11, 2009

Damdamin...

sadyang napakahirap supilin ang damdamin. lalo na at labas ito sa prinsipyong iyong pinaninindigan. ang pagpapahayag nito ay isa sana sa mga demokratikong karapatan ng bawat tao. mahirap mang aminin, madalas ang karapatang ito ay nasisikil o naiimpluwensiyahan upang manatili na lamang sa likod ng iyong isip. saan mang bahagi ka lumugar ang pinakamalaking kalaban ay ang sarili. alam mo namang mali pero patuloy mong nagagawa! (hindi mo matanggap-tanggap kasi mahal mo talaga...)

mapalad ang mga ibon... kahit na nakalantad sa panganib na dulot ng "madla", ay malaya namang nagagawa at nasusunod ang gusto... walang nagdidikta... walang nagbabawal... masarap maging ibon... kaisa n'ya ang kalikasan... kayakap n'ya hanggang kamatayan...

katauhang ito'y hinubog at pinanday ng panahon... nabuo at pinatibay ng mga karanasan... humihina at patuloy na pinahihina ng isang damdaming pilit na inuunawa...

bahagi ng lipunan... anay na sumisira sa loob ng isipan... kalawang na umuubos sa matigas na paninindigan!!!

ako at ikaw saan kaya lulugar?

Thursday, February 5, 2009

Sino ang dapat sisihin?

may isang lalaking naninigarilyo sa itaas ng tatlong palapag na gusali, sa ihip ng amihan ay tinangay at nahulog sa kalsada ang sigarilyong kanyang tangan. pumatak ang sigarilyo sa mukha ng isang karpinterong nagpupukpok ng pako sa labas ng second floor ng building at naging sanhi ng pagkabitaw sa hawak niyang martilyo... na tumama naman sa ulo ng cigarette vendor na papatawid sana ng kalsada. natumba sa gitna ng kalye ang vendor, na pilit namang iniwasan ng isang paparating na bus na puno ng pasahero. sa pag-iwas na ito ng driver ang kanyang bus ay napasok sa isang bukas na bangko na may dalawang guwardiya. sa gulat ng guwardiya agad itong nagpaputok at sa kasawiang palad ang apatnapung sakay ng bus ay patay na lahat...

sino ang dapat sisihin?

masalimuot at magulo ang nasabing kwento... marami ang karakter... maraming pwedeng sisihin...

sa kasong naging talk of the town... marami rin ang karakter na nababanggit... kasali man ito o nasabit lang... sinadya man ito o hindi...

sino ang dapat sisihin?

Ama namin...

ako ay lumaki sa pamamalakad ng ama namin... pito kaming magkakapatid, apat na lalaki at tatlong babae... magsasaka ang ama namin at ang ina namin ay may munting tindahan. pitong magkakapatid, pitong magkakaibang ugali. subalit sa patnubay ng ama namin, sa tulong at paggabay ng ina namin, at sa awa ng Diyos ay wala namang naging sagwil sa lipunan...

mas madalas sa hindi, sa aking mga pagninilay sa mga kaganapan na nakabandera sa ating lipunan... kurapsyon dito kurapsyon doon! kahit na yata sa alinmang antas ng ating lipunan ay puno ng kurapsyon. mula sa presidente ng bansa hanggang sa bise baranggay tanod o kahit pa nga (yata) sa loob ng simbahan ay napapasok na ng kurapsyon... mukhang wala na yatang lugar ang hindi napasok ng galamay ni satanas...

ang ibig kong sabihin... ang paglaki at pagkatuto ng mga bata ay nakasalalay sa kanilang ama at ina. tulad ng ginawa ng ama namin...

samakatwid... gayundin ang mga lider ng ating pamahalaan, kung baga, sila ang tumatayong magulang ng lahat ng kanyang nasasakupan... kung magnanakaw ang magulang at ito ang ibubuhay sa kanyang mga anak... makaaasa ka ba na ang mga batang ito hindi magsasamantala sa pag-aari ng iba? tularan sana nila ang ama namin!

kahit na sa simbahan... malaki pa ring papel ang dapat gampanan ng punong pastol, upang ang kanyang mga katuwang sa pag-aalaga ng tupa ay hindi maligaw... malaki ang magagawa ng patnubay ng Ama Namin...

ang tamang paggawa, tunay at makatarungang prinsipyo, mahusay na pagninilay, wastong pagsangguni ay ilan sa kanyang paraan para sa isang patas na pagdedesisyon.

kailanman ay hindi sinikil ang karapatan naming magkakapatid ng ama namin...

Wednesday, February 4, 2009

Talk of the town...

kahapon ay isang malaking balita ang parang bombang sumabog at narinig sa kanlurang mindoro. ito ay ang pagkadakip kay kagawad alex del valle, ng san roque. ayon sa kapitan ng bubog (jtv) ay hinihingan s'ya (ni alex) ng P100,000.00 upang hindi na siya (si jtv) nito banatan sa radyo... hindi raw ito (ayon kay jtv) ang unang pagkakataon na ginawa ni alex kaya nag-set sila ng isang entrapment, kaya ayun nakakulong (ayon kay jtv) si alex sa mamburao.

wala akong naririnig na balita, panig kay del valle, bakit kaya?

naging talk of the town ang balitang ito... bakit? sapagkat si alex del valle ay isang "media man"...

kung sakaling totoo ang balitang ito, pwede palang magkaroon ng bayarang media? (syempre meron gusto ko lang magkunwari ano? :-)

sa abot ng aking kalahating kusing na pang-unawa ay naiisip ko... sa kasong ito ay pwedeng maging biktima ang kahit na sino sa kanilang dalawa (si alex at si jtv), kung paano? tingnan natin...

paano kung na-set up lamang si alex? maimpluwensiya si jtv at hindi lingid sa mga mindorenyo 'yan! pwedeng-pwede n'yang gawin iyan... ang motibo? alisan ng kredibilidad si alex para hindi magamit ni sato sa halalan sa 2010!!!

:-) ke totoo o hindi ang balita, mahihirapan si del valle...

pangarap ko pa naman sanang maging isang media... yun bang half filipino... half filipina!

Monday, February 2, 2009

Nakakulong pa rin...

"lutang" ('di pwedeng di mapansin) sa mga pagtitipon at mga okasyong pangsimbahan ang mga sinaunang mananampalataya, ito'y dahil sa kanilang mga "gawi" at bihis... naulit muli ang aking karanasan sa isang pagsasanay na aking dinaluhan. sa kanilang pagbabahagi mariin ang kanilang pagmamalaki na sa pamamagitan ng kanilang organisasyon ay nagiging aktibo ang simbahan... regular ang kanilang gawain bilang mga deboto. may nagsabi pa nga na sa kanilang lugar ay haligi sila ng simbahan. sa patuloy naming pagpapalitan ng tanong ay kanyang binanggit na kung hindi magsisimba ang kanilang hanay... halos walang magiging tao sa simbahan!

hindi ko natiis na magtanong sa isang medyo may (parang) kayabangang may edad na ulirang deboto (ayon sa kanya) na panay ang "sabat" sa usapan.

"sa usapin po ng mga panlipunang isyu ano ang ginagawa ninyong pagkilos upang ito ay ma-address"... medyo nabigla sya at hindi nakasagot...

"tulad po sa usapin at banta ng mina dito sa atin sa occidental mindoro, paano n'yo po ito pinag-uusapan?"... heto ang kanyang tugon... "eh iyan namang pagmimina na 'yan ay atas mula sa matataas na pinuno natin ng gobyerno! wala tayong magagawa d'yan".

nakakalungkot malaman at isipin na ang karamihan sa ating mga mananampalataya ay nakakulong pa rin sa mga sinaunang paniniwala. ang kanyang sarili lamang ang nais na iligtas... walang pakialam sa mangyayari o nangyayari sa lipunang kanyang ginagalawan... bahala kayo sa sarili ninyo... basta ligtas ako!

paano na ang mga mahihina na biktima ng pagsasamantala ng iba? paano na ang kalikasang patuloy nilang ginagahasa?

masasagot kaya ng dasal at debosyon (lamang) ang napakaraming katiwalian?

sana ay dumami ang naniniwala na ang pananampalatayang walang kaakibat na gawa ay pananampalatayang patay!

nasa Diyos ang awa... nasa tao ang gawa!

kailangan ka na ng ating lipunan ngayon... isang mapagpalayang araw (at gabi)!!!

Monday, January 26, 2009

Ano Kaya ang Gagawin?

when i was in highschool... nagkaroon ako ng girlfriend na hindi katoliko. three years na kaming mag-on 'nung magpahayag ang kaniyang ama (na hindi ko pa nakita) na nais siyang ipakasal sa kanilang lalaking napupusuan para sa kanya.

hindi siya pumayag (yung gf ko) pero hindi nagpahalata (sa father n'ya). pumunta sa mahal n'yang boyfriend (ako yun), para pag-usapan ang problema...

syempre heavy drama ng sumunod na eksena (buti na lang walang paparazzi). inaya ko siyang magtanan (wala akong trabaho) upang maipakita at makisimpatiya sa kanyang sama ng loob sa kanyang ama...

sa tagal ng aming usapan, ang hindi namin pinagkasunduan ay ang relihiyon (ba yun?) o sekta. kapag sumama s'ya sa akin, itatakwil siya sa kanila (dahil katoliko ako), kapag ako ang sumama sa kanya, itatakwil naman ako (dahil INC s'ya) ng lahat ng kapamilya ko...

ang resulta? nag-empake ako, nag-alsa balutan... ayaw kong makita ang girlfriend ko na ikakasal sa iba (ansakit kaya nun!).
ang aming usapan pipilitin n'ya ang kanyang tatay na bigyan sya ng sapat na panahon upang matutuhang mahalin ang "manok" nila. ang totoo upang mabigyan ako ng chance na makahanap ng trabaho at mabalikan siya...

sa aking pagbabalik... hinanap ko sya sa aming mga friend, sa kapitbahay nila... ang nakuha kong sagot... "umalis s'ya", hindi alam (ng tatay nya) kung ano ang dahilan (ako alam ko)!

hindi ko na tatapusin ang kwento ko, hindi naman buhay ko ang nais kong kalkalin natin!

ang ibig ko lang ipahatid ay ang mga pangyayari...

sa pasimula pa lamang ay marami na tayong kaibahan... kinalakihan... sa prinsipyo, sa paniniwala, sa kakayanan. subalit madalas sa pagku-krus ng ating mga landas ay may nagiging bigkis! ang paniniwala,o layunin upang magkasama o magkahiwalay. ang solusyon ay maaaring nasa ating mga kamay o pwede ring wala... pero anuman ito upang magkaroon ng kapanatagan... kailangang gumawa, magsikap upang hindi ito manatiling tanong na lamang habang buhay. kailangan pa ring hanapin ang sagot... upang makamit ang kapayapaan...

hindi ako nagkaroon noon...

hanggang ngayon kasi hindi ko alam kung minahal ko nga ba siya...

Saturday, January 24, 2009

Nasaan na ba ako...(?)

sabi ng aking mga ninuno (sana hindi sila sinungaling) ang buhay ay isang patuloy na pag-aaral at pagkatuto. ang malalim na pang-unawa ay makukuha sa mga karanasan, maging ito man ay mabuti o masama...

kaya lang depende ito sa kung paano mo pipik-apin ang mga bagay-bagay.

halimbawa. may nagbigay sa iyo ng pagkain, pwede mo itong ikagalit o ikatuwa... depende sa iyong interpretasyon, -nakakainsulto ka! anong akala mo sa akin pulubi? o di kaya naman,-salamat, napaka-maalalahanin mo pala!

ang pag-unawa sa mga bagay-bagay ay depende sa iyong pagkamulat... depende sa pundasyon ng pagkatuto... tanungin nga natin ang ating sarili, nasaan na ba ako?

syempre naman, dapat sumagot ka sa tanong mo... :-)

Thursday, January 22, 2009

Isang Mapagkunwaring Lipunan...

nakatanggap ako ng imbitasyon mula sa isang pamantasan, ako ang napili nilang maging "keynote speaker"... (hindi ko alam kung bakit ako?) nais nilang ako ang magbigay ng inspirasyon sa mga batang magsisipagtapos... (kung paano? hindi ko alam) sapagkat nais nila na magkaroon ng inspirasyon ang mga bata... yun ang aking ginawa.

heto ang ilang bahagi ng aking "speech" (?) hindi kasali yung nasa loob ng()

ang pagkakatuto sa tunay na takbo ng buhay, ay hindi lamang nakukuha sa apat na sulok ng inyong paaralan (mas napapakinabangan ang karanasan kesa sa theory)...

iba ang laman ng aklat sa mga tunay na pangyayari (hindi ka matututong lumangoy kung hindi ka lulusong sa tubig)...

ang pagtatapos sa inyong paaralan ay simula lamang, nang tunay na pag-aaral sa larangan ng buhay sa ating mundong ginagalawan (doon pa lamang magsisimula ang gulong ng actual na paggawa)...

mas mapalad ang mga hindi nagsisipagtapos sapagkat hindi sila namimili ng mapapasukang trabaho(kakaunti ang opportunity sa white collar job)...

ang tagumpay ay hindi nasusukat sa taas ng marka sa card at sa kursong iyong tinapos (maraming napasok sa trabaho dahil sa impluwensiya)...

mas higit na dapat ninyong pagtuunan ng pansin ang tamang pag-unawa sa mga isyung nakaka-apekto sa inyong buhay at kabuhayan (aanhin mo ang trabaho kung kulang naman ang sweldo)...

para sa isang tama at maayos na pagdedesisyon...

more or less ganun ang laman ng aking mga sinabi... madalas kong nakikita sa aking pagsulyap sa mga tao sa aking paligid, estudyante lamang ang pumapalakpak... ang mga "guru"? hindeee... may mali ba sa ang aking mga sinabi?

ang aking learning? ako nga pala ay nabubuhay sa isang mapagkunwaring lipunan!

Wednesday, January 21, 2009

haaaay... ang buhay nga naman ng pulitiko...

sa aking radio hopping, narinig ko ang paghingi ng pasensya ni kon. allan ismael sa ating kagalang-galang na Obispo... inamin niya ang kanyang malaking pagkakamali (?).

dapat na maging aral kay ismael, na ang isang tulad nyang public figure (na kinaiinggitan, naging konsehal ka ba naman!) ay dapat maging handa/maingat sa bawat salitang mamumutawi sa kanilang mga labi... in short, umayos ka!

ang learning ko ngayon? sa pulitika pala, ang lahat ng tao ay hindi ligtas... kahit ano o kahit na sino ay pwedeng/gawing sangkalan/tuntungan...

ang pulitika ay sining ng pamamahala... hindi ito masama! ang nagpapasama lang dito ay ang mga taong may mga pansariling interes. isama na rin natin ang mga "langaw" na mas mataas pa... nung matuntong siya sa kalabaw.

nakakita na ba kayo ng mga pusang tumatahol??? ang akala kasi nila... sila ay aso... kasi naman nilagyan sila ng tali ng kanilang amo!

Tuesday, January 20, 2009

look who's talking...

naging kontrobersiyal ang ginawang panunumpa (oarh taking) ni dating kapitan allan ismael kay mayor muloy festin kahapon sa munisipyo ng san jose... kung bakit heto ang kwento.

sa kanyang talumpati ay pinasalamatan niya ang punong pastol ng kanlurang mindoro na si Bishop Antonio P. Palang sa pag-i-endorso (daw) sa kanya kay mayor muloy festin para pumalit sa pwesto ng namayapang si konsehal cezar asilo.

nai-record ito at ipinarinig on-air ng bambi fm (dwsj-fm) sa kanilang programang "tapatan" hosted by mari-boy ysibido and fr (?) ronilo omanio.

maliwanag naman na talagang sinabi ni kon. allan ismael ang pag-endorse (daw) sa kanya ni bishop palang... limang beses pa nga nila itong inulit. bilang isang taga-pakinig... nalulungkot ako kasi hindi pa nila nakukumpirma (ayon sa pahayag ni omanio) kung totoo o hindi, tinira na nila ang obispo. alam ni omanio na hindi nag-i-endorse ng pulitiko ang simbahang katoliko... aaah sori... nakalimutan ko, si omanio man nga pala ay nagsabing inindorso siya ni bishop palang nung tumakbo siyang governor... (na mariin naman pinabulaanan ng punong pastol!)

hindi maunawaan ng kalahating kusing kong pang-unawa kung bakit gayon na lamang ang pag-highlight ng dalawang ito sa isyu ng endorsement... sinabi naman nilang sila ay kapwa katoliko... ayon na rin sa kanila baka naman hindi sinasadya at baka na-exite lamang si ismael at ang basbas na hiningi niya ay nasabing pag-i-endorso? (hindi kaya bobo rin ito?)... pero para sa akin iisa lamang ang malinaw... ke si allan ismael o si bishop palang ang gusto nilang sirain sa kanilang mga tagapakinig... ang nasa isip ko ay look who's talking!!! nakaturo ang inyong isang daliri sa mga taong nais ninyong tapakan... pero para ano? para kanino?

sana naman makapag-isip-isip tayo... bayan!!!

Wednesday, January 14, 2009

Paano lalabanan???

madalas kapag nagkaroon ng isang pangyayari o pagkakataon na labag sa ating kagustuhan... lihis sa ating prinsipyo, ang unang reaksiyon ay (1)magtanong
(2)makipagtalo (3)magalit (4)makipag-asunto/away (5)pumatay(?) o maaaring mangyari lahat ito!... iyon eh kung personal!!!

paano kung isang araw ay magising ka na lamang na may kasalanan ka na pala! paano ka lalaban? ang masakit hindi mo alam kung ano ang iyong kasalanan!!!

maraming nagaganap sa ating lipunan ang nangyayari na alam kong alam mo (natin), ang ipinagwawalang bahala lamang. okay lang kasi hindi naman tayo tuwirang sangkot. laganap ang korapsyon, droga, nakawan, patayan, at marami pang iba't-ibang uri ng krimen. nagsimula ito sa maliit... hindi mo lang pinansin... kasi baka anak mo... asawa mo... nanay mo... tatay mo... ninong mo... (o baka pati ikaw) ang sangkot!!!

kumbaga... hindi mo pinatay ang apoy nung parang ningas pa lamang ng kandila... nagkaroon ka lamang ng reaksiyon, saka ka lamang kikilos nung masusunog na o nasusunog na ang bahay... paano mo pa ito lalabanan???

Sunday, January 11, 2009

Hanggang ngayon ba naman...?

hindi ko talaga maintindihan ang apat na BOD ng OMECO at ang ilang empleyado nito na nananatiling loyal kay alex labrador... nagdudumilat na ang katotohanan base sa resulta ng audit report... hindi ito kayang pasinungalingan ng kahit na sino pang "poncio pilato"... sadya kayang pati ang intelehente at prinsipyo ay kayang paikutin at tapakan ng pera at ng sinasabi nilang utang na loob??? por Diyos por santo hanggang ngayon ba naman...

sana naman mamulat na kayo!!!