Wednesday, November 10, 2010

kaya pala...

matagal na panahon na hindi ko lubos maisip, kung bakit gumagastos ang mga kandidato ng malaking halaga sa tuwing magkakaroon ng halalan... halimbawa... ang isang karaniwang kagawad sa aming barangay ay gumagastos ng mula P40,000 hanggang mahigit P100,000 (depende sa kakayahan ng kandidato)... samantalang ang honorarium ay mahigit P7,000 lamang kada buwan! di ko talaga ito mai-magine before...

pero ngayon... medyo nakakarinig na ako ng mga balita, mula sa mga kaalyado mismo ni sir... at ni ma'am... 19-19 ang score ngayon ng kanilang mga kapitan na nanalo sa nakalipas na halalan... entonses... para makuha nila ang chairmanship sa association of bgry. captain... kailangan nilang manligaw para makakuha ng dagdag na boto pabor sa kanilang "manok"!!! mayroon pa nga na kapitan na ang asking price para sa kanyang boto ay P100,000...

kahit pala gumastos ka ng sariling pera... sa isang iglap... kakaupo mo pa lang bawi na!!!

kaya pala... malaki at madali ang pera sa pulitika... kailangan mo nga lang ng tapang ng hiya at kapal ng mukha!!!

Friday, June 18, 2010

bagong mga pinuno...bagong pag-asa...

non-working holiday sa june 30... muling maitatala sa dahon ng ating kasaysayan ang panunumpa ng mga bagong halal na nagwagi sa nakalipas na automated election...

syempre hindi lahat ng ating mga napili/ibinoto ay nanalo... sa totoo lang... sa local post... karamihan sa mga ibinoto ko talo!!! tsk tsk!

pero hindi ito ang motibo ng panulat ko ngayon... mas nais ko na ipokus ang usapin sa pangkalahatan... sa pagkakapanalo ni noynoy at ni binay, sa aking pagtingin ay mababanaag ang malaking pag-asa na sa pamamagitan ng 2 ito may pag-asa pa ang pinas... nakamarka kasi sa utak ng mga tao ang naging kampanya ni noynoy na "hindi siya magnanakaw"! kay binay naman, ay ang iniisip pa lang ng iba "ginagawa na namin sa makati"! very hopefull ang mga tao na may pag-asa pa tayo... may pag-asa pa tayong lumaya sa malawakang korapsyon na nagpapahirap sa ating bayan!!! pero naniniwala rin ako na kung hindi magbabantay ang sambayanan ay wala ring mangyayari anuman ang sidhi at tino ng isang namumuno... in short, nasa atin pa ring mga kamay ang ikatatagumpay ng paglaban sa korapsyon... patuloy tayong magmatyag at kumilos!!!

kahit na hindi natin kaalyado o kursunada ang mga nanalo sa ating mga lugar... bigyan natin sila ng tsansa... pagkakataon... iwasan muna ang sobrang pulitikahan... tulong-tulong muna... alang-alang sa bayan!!!

ang tuta ng mga pulitiko... sana lang bawasan ang masamang tahol... sumuporta muna tayo... pero sa matinong gawa lang!!! uulitin ko SA MATINONG GAWA LANG!!!

naniniwala ako na may uusbong na bagong pag-asa... sa ating mga bagong pinuno!!!

Wednesday, May 12, 2010

magkaiba nga ba talaga...?

talo ang lahat ng kandidato ng lakas ng pamayanang kristiyano... maliban kay benjamin arroza ng magsaysay... actually sumabit lang... lamang lang ng 7 sa pangsiyam... tama po kayo pang 8 siya...

i am personally very very sad... sabi nila wala kasi silang pera, kaya natalo...

ang sagot ko naman... eh bakit si manny villar!!! hanep ang dami ng perang ginastos... pero ayun talo!

hindi daw sila nadala (inindorso) ng iglesia ni cristo, kaya natalo...

eh bakit si mhar roxas... dala nila, tinalo ni binay... anong nangyari???

sasabihin n'yo sa akin eh national yan tol!!! sa lokal di pwede yan!

si mayor sonia pablo ng rizal... lumaban sa pagka vice-mayor... andaming perang pinakawalan/ginastos... incumbent pa!!! bakit tinalo ni ferdinand arca... kapitan ng adela... kaya para sa akin hindi totoo yun!!!

hindi pa lamang talaga mulat o gising ang kamalayan ng mga mananampalataya... sa kahalagahan ng tamang pagpili ng mamumuno sa ating bayan... mas mahalaga pa rin para sa nakararami ang pansariling kapakinabangan na nakukuha...

wheeew! gaano na ba ang itatagal ng mga naibigay sa inyo?... kapalit ng hagupit na mararanasan ng buong bayan???

omg! magkaiba nga talaga siguro ang lider... may pang-simbahan at may para sa pulitika!!! o baka naman mas namamayani na ngayon ang mga mamamayang nais na sumunod sa nilalaman ng itim na aklat?!?!

mas higit na mararamdaman ngayon... ang totoong hagupit ng latigo ng mga taksil na balimbing!!!

ang bigat ng pasanin ng mga hindi kaanib... grasya para sa kaalyado... disgrasya naman sa mga kalaban!!!

buti na lang ako ang aking ibinoto... ay ang aking minamahal na lolo!!!

Thursday, May 6, 2010

inc endorsement...

inilabas na ng iglesia ni cristo ang kanilang listahan... ng mga kandidatong kanilang sinusuportahan sa halalan sa mayo 10...

paano kaya ito pinipili?

just asking!!!

kasi if i remember right... limang beses na akong nanonood/nakikinig ng provincial board member session... at ni minsan sa aking panonood/pakikinig ay ni hindi ko narinig/nakita na tumayo at nagsalita o sumali sa deliberasyon ng mga usapin/isyu si bokal nathan cruz at si bokal sonny pablo... ang nasa isip ko nga noon parang sayang naman ang honorarium na ibinibigay sa mga ito...

tapos ngayon ini-endorse ng iglesia ni cristo??? por Diyos por santo naman... ano po ba ang inyong pinagbasehan???

pakiusap pwede po bang malaman???

kung kapanipaniwala... iboboto ko rin sila...

Thursday, April 29, 2010

dahil nga ba sa paglilingkod???

nais kong iparating ang aking malalim na pagtataka sa ilang mga aspiranteng kumakandidato sa kasalukuyan... totoo nga ba talagang nais nilang maglingkod???

nais kong magbigay ng ilang mga pangalan bilang halimbawa...

nathan garcia, aspirante bilang board member ng district 2... as far as i know this gentleman... isa lamang siyang karaniwang tao na nagtrabaho bilang driver(?)... ng mga heavy equipment... napangasawa ni engr. lacap... naging sub-contractor ng jomarias international corporation (jic)... at balita ko kumita ng maganda at nagkapera...

mariboy ysibido, una siyang tumakbo sa pulitika ang tinarget ay sangguniang bayan member ng san jose (natalo nga lang), sa kasalukuyan kagawad siya ng barangay bubog... host ng programang "tapatan" sa bambi fm... aspirante rin bilang board member ng district 2...

kaya ako nagtatanong kung totoo nga ba na... nais nilang maglingkod?

ano ang pumasok sa kanilang kukote at pinasok nila (kaagad) ang pwesto bilang board member???

for me, meron lamang isang p'wersa... na nagbibigay ng atas... nagmomonopolya... kung sino at saan ka tatakbo...

ang dalawa kasing ito na aking binanggit ay kapwa kumita sa tulong... ng mag-asawang villarosa...

alam ko na mabuti silang tao... ang tanong ko nga lang... kaya ba sila kumakandidato ay dahil sa nais nilang maglingkod???

o sila ay mga tapat lamang na taga-sunod!!!

Sunday, April 25, 2010

katutubo...

nakarating ako sa isang pagpupulong ng mga katutubong buhid... at nagkataon naman na mayroon silang halalan para sa kanilang pamunuan... nakasulat ang mga pangalan sa black board... tapos lalapit ang mga botante at guguhitan ang tapat ng pangalan ng taong nais nilang mamuno sa kanila... walang kampanyahan... iboto mo ang malapit sa iyong puso... kung sino sa tingin mo ang mahusay... iboto mo... open voting... pero walang gulo...kahanga-hanga...

sana katutubo na lang tayong lahat!!!

Monday, April 12, 2010

virus sa computer...

whew!!! pinasok na naman ng virus ang luma kong computer... miss na miss ko ng magpahayag ng ilang mga kuntil butil na kaisipan tungkol sa halalan...

sa kasalukuyan ang mga pulitiko ay nag-aanimo mga virus na nais pumasok/makapasok sa kaisipan ng mga botante! syempre ito ay upang makuha nila ang tiwala at ang boto ng mga tao...

iba't-ibang mga pamamaraan at diskarte ang makikitang ginagawa ng mga pulitiko... may mga traditional... at karaniwan na rito ay ang bilihan sa iba't ibang antas... alam kong hindi ko na ito kailangang ikwento... talampakan at garapalan naman kasi!!!

ang malinaw na malinaw lang dito sa occidental mindoro... ang virus ng dream at performance ay talamak na talamak... ni hindi makaporma ang mga pulitikong walang pera...

kaya ako... susuporta at mangangampanya sa mga kandidato ng lakas ng pamayanang kristiyano... para sa sangguniang bayan ng rizal... NOEL CALLANTA... sa bayan ng san jose... ROGELIO FALLORINA at JOE VIDAL... sa magsaysay SORIANO, WAGAN, ARROZA, ROSETE at MENDES...

sana po tulungan n'yo kami... mangampanya tayo... para naman magkaroon ng tinig... totoong tinig ang mga mamamayan...

mula sila sa pamayanang kristiyano... doon sila nag-ugat... ang puso at isip nila ay hindi para sa mga partido... kundi para sa pamayanang kristiyano...

sana maging kasama namin kayo!!!

Wednesday, March 24, 2010

pansamantalang tagumpay...?

nakinig ako kahapon ng chrism mass sa himpilan ng dzvt... narinig ko ang pahayag ng obispo (tony palang) tungkol sa pagsuspende ng oil exploration ng gobernadora(may sulat daw sa kanya)... ang dahilan? nagkakaroon na ng di pagkakasundo, pagkakasakitan at walang sapat o kaukulang papeles ang pitkin petroleum limited, para sa kanilang oil & gas exploration! sinungaling talaga itong mag-asawang aggravante!!! sabi nila noon meron.

matagal na itong hinaing ng mga pamayanang kristiyano... at sa wakas pinansin din ni sato!!!

maaaring isa lamang itong pansamantalang tagumpay ng mga kontra sa pagmimina. subalit ang mahalaga rito ay ang pagpapakita ng paninindigan at ang paggamit ng mga karapatan.

kalakip rin sa panawagan ng obispo na lalong pag-ibayuhin ang pagmamatyag ng mga mananampalataya, upang hindi tayo malusutang muli ng mga lilo at sinungaling na ating bayan ay nanghahaling...

ang free prior and inform consent na dapat ay hawak nila (pitkin) mula sa national commission on indigenous people (ncip) ay hindi nila naidadaan sa tamang proseso... sinabi kong hindi tama ang dinaanan nilang proseso sapagkat; una, gumamit sila ng impluwensiya mula sa matataas na lider; ikalawa, gumamit sila ng salapi na naging dahilan ng pagpayag ng ilan sa mga katutubo; ikatlo, may halong pananakot at pagbabanta ang ilan sa mga pro-pitkin na nagdulot ng pangamba sa mga mangyan!

ang ncip ang sinisisi ni aggravante sa kabagalan nitong magtrabaho... gayunpaman... wala pa rin silang clearance to explore... di naman pwede na verbal lamang na pagpayag papasok ka na... mabuti na lamang at marami pa ring mahuhusay na lider na patuloy at hindi isinuko ang kanilang prinsipyo... ipinagpatuloy ang pakikibaka para protektahan ang kanilang lupaing ninuno. mabuhay kayo!!!

sabi nila nabayaran daw ang ilang mga lider kaya pumayag sa mining... kaya tahimik sila kasi nabayaran na...

ang npa kaya nabayaran din? kasi tahimik lang sila... just asking!!

Thursday, March 18, 2010

walang katiyakan...

pumapasok na sa lupaing ninuno (ancestral domain) ang pitkin petrolium limited para sa kanilang 2dimentional seismic survey (drilling & blasting)...

litaw na litaw ang kasinungalingan na mag-asawang aggravante... bakit? nung bago pa lamang sila nagpapamalay (information education campaign) sa mga lugar na sasakupin/madadaanan ng oil and gas exploration ay hindi raw sila papasok sa nasasakupan ng lupaing ninuno... igagalang nila ang karapatan ng mga tao kung hindi ito papayag... hindi naman pala ito totoo... mga sinungaling!!!

nalulungkot ako sa mga nangyayari... gumamit na sila ng pera... binayaran ang ilang mga katutubo... sumama na sa kanila si fausto noveloso at eddie pelegrina... ito ang mga lider na ginagamit nila upang magbigay ng pera sa kanilang mga katribu... nakakalungkot... nahahati na ang tribu... dahil sa mga demonyong bumaba sa lupa... at nag-anyong banal!!!

Monday, February 15, 2010

isa na namang pagkilos...

naging bahagi na ng aking linggo ang magpunta sa simbahan... may pari man o wala!

narinig ko na mayroon palang mga lider na pinili ang mga pamayanang kristiyano, mula sa kanilang hanay... partikular sa parokya ng mabuting pastol sa magsaysay, lima ang kanilang napili, dalawa san jose central at isa sa san pedro rizal...

ang hakbang na ito para mag-field ng mga kandidato, para maging kagawad ng sangguniang bayan ang mga pamayanang kristiyano leaders, ay bunga ng kawalan ng pagkalinga ng mga kasalukuyang mga nanunungkulan sa ating pamayanang kristiyano... lalo na sa issue ng mina...

hindi ko ito kaagad narinig... kasi sakop ako ng parokya ng san jose (cathedral)... wala namang sinabi si fr. rey...

natutuwa ako sa hakbang na ito... mukhang unti-unti ng natututo ang mga mananampalataya... na hindi lamang kaluluwa ang dapat na pinangangalagaan...

mangangampanya ako sa mga kakilala ko sa tatlong parokya... kapag pwede na!!!

si noel callanta ang napili nila sa san pedro, rizal...

si boy fallorina at joe vidal naman sa san jose...

soriano, wagan, arroza, mendez at patawarin nyo ako... nakalimutan ko yung isa...

panginoon ko... kung lahat ng katoliko ay katulad ko... paano mananalo ang mga kandidato ng pamayanang kristiyano???

hamon sa akin... hamon sa inyo... para sa isang malaking pagbabago... kailangang magkaisa ang pamayanang kristiyano...

kasi naman tinatanga na tayo... inaalis ang kabanalan ng ating mga boto!!!

ROSETE po pala yung isa.....

Thursday, February 4, 2010

makakalikasang mga pulitiko!!!

halos ang lahat ng lugar ngayon ay may mga nakakabit na tarpauline ng mga kandidato... nakasaad ang kanilang mga pagbati...

ang higit na nakatawag ng aking pansin ay ang "tarp" ni konsehal emil villanada... may nakasaad doong makakalikasan!

makakalikasan nga kaya siya? kasi ang mga tarp n'ya nakapako sa mga poste at puno!!!

ang masaklap... hindi siya nag-iisa!!!

maraming-marami sila!!!

Thursday, January 28, 2010

hindi naging welcome sa ipil ilin?

nagbrodkas na naman sa bambi fm si "kamandag" boy gardoza...

patungkol sa nangyari sa barangay ipil, isla ng ilin... binastos "daw" ng kapitana ang performance team?

for Diyos por Santo!!! napakagaling talaga ng mamang ito!!!

ayon lang sa aking kakatiting na pang-unawa... kung ang "affair" na iyon ay para sa dream team... at nag-gate crash ang performance team... sino ang nambastos???

pero sa aking narinig... ang tunay na bastos? si boy gardoza!!! magaling na taga-tahol... mana sa amo niyang si jose tapales villaroza!

pare-pareho na kayo!!!

Tuesday, January 19, 2010

maraming jayson at marlyn...

eksaktong 60 araw mula ng mapatay ang anak ni usec ebarle... nahuli si jayson ivler (suspek sa pagpatay) sa mismong bahay ng kanyang ina na si marlene aguilar... kung ating matatandaan itinanggi na noong una ni marlene na hindi niya alam kung nasaaan ang anak... dalawang beses na ring ni-raid ng nbi ang kanilang tahanan, subalit bigo ang otoridad. hanggang sa may isang malapit na kaibigan ng mga aguilar di-umano ang nagsumbong sa nbi na posibong naroon nga o doon nga nagtatago si jayson ivler.

kahanga-hanga talaga ang kadakilaan ng pagmamahal ng isang ina... walang limitasyon... batid ni marlene na kung ituturo niya si jayson ay huhulihin ito at ikukulong... malalayo ito sa kanyang piling! kahit pa nga alam niyang mali at labag sa batas ang kanyang ginagawa... hindi niya papayagan (hangga't maaari) ang kanyang anak na mawalay sa kanya!

si jayson naman... sa kabila ng matinding pagmamahal na iniukol ng kanyang ina ay hindi pa rin pinahalagahan... sariling kagustuhan pa rin ang ginagawa... ibang kaisipan ang naging pundasyon... kanya lamang ang tama! hindi naiisip kung makakasama ba ito o makapagdudulot ng sama ng loob sa kanyang ina...

sa ating kasalukuyang panahon ay maraming marlene... kahit na alam ng mali ang ang kanilang anak... ama... ina... kapatid... kamag-anak... lolo... lola... ninong... ninang... ay pikit mata pa rin itong pinagtatakpan! (mga botante silang sunud-sunuran sa kanilang mga among pulitiko... kahit batid nilang tiwali at masama ang naging pamamahala nito)

si jayson ay parang mga pulitikong nailuklok sa kapangyarihan, dahil sa boto ng pagmamahal na ipinagkatiwala ng kanyang inang si marlene... mas madalas na abusuhin ang kabaitan sa halip na palitan ng ganap na paglilingkod ang mamamayan...

pinagnanakawan ang bayan sa halip na ito ay paglingkuran!!!

Monday, January 18, 2010

pahayag... pagpuri... pananalita...

pahayag... isa itong salaysay na sinasabi ng tagapagsalita ayon sa kanyang pagkaunawa sa mga pangyayari o sa mga bagay na kanyang nakita...

papuri... sinasabi ito ng tagapagsalita upang ipahayag o iparating ang kasiyahan sa mga nagawang maganda o mahusay...

pananalita... ginagawa ito upang maunawaan ang tagapagsalita sa kanyang nais ihayag...

pahayag, pagpuri, pananalita! sandata ng mga pulitiko! ginagamit upang buuin o wasakin ang kakampi o kalaban!

madalas na inaabuso ng mga bayarang "media person"... ang kanilang pahayag, papuri at pananalita... ay ayon sa kagustuhan ng kapitalista... na kalimitan ay mga pulitiko! mas maganda mas mahal... mas malaki ang kikitain o kinikita...

edge ito ng mga may pera!

panlinlang sa mga kapos sa kaalaman... matuto sana tayo, mga kababayan! upang hindi tayo maging bulag at maging sunud-sunura...

Sunday, January 17, 2010

issue ng omeco... at iba pa!

nagkaroon ng omeco summit noong biyernes... tulad ng aking inaasahan sinisisi na naman ang kontrata sa pagitan ng omeco at ipc...

noong nakaraang annual general membership assembly (agma) ay nagkaroon na ng motion para ipawalang bisa ang kontratang ito... pero hanggang sa kasalukuyan... meron pa pala!

pilit na pinagbubuntunan ng sisi ang ipc... ang mga villaroza!!!

naiisip ko... bakit ba sa ipc o sa mga villaroza lang nabubunton ang sala? bakit hindi ko naririnig ang pangalan ng mga taong (bod) nakipagtransaksiyon para pasukin ang kontratang ito?

ibig bang sabihin nito... ipc lang ang may sala?

kung may sala ang mga bod noon para sa kontratang ito na nagkukulong o nakakahadlang para sa pagpasok ng panibagong independent power producer (ipp)... para sa akin simple lang... bod ang nagkasala... bod rin ang makapag-aayos!

kung... gusto may paraan... kung ayaw maraming dahilan!

negosyo ito ng ipc... ang pagprotekta ng presidente (jtv) sa interes ng kanyang kompanya ay inaasahan!

pero por Diyos por santo naman kapitan jose tapales villaroza... kung tunay kang lingkod ng bayan... kusa mo ng alisin ang kontrata sa ipc na wala namang pakinabang!

Tuesday, January 12, 2010

sino nga ba ang tunay?

hindi pa man nagsisimula ang campaign period... ang mga pulitiko at ang kanilang mga alipores ay halos wala ng pahinga sa kanilang pangangampanya!!!

ang tinutukoy ko ay ang dalawang grupong political sa occidental mindoro, ang dream at performance team... ni sato at jtv! kanya-kanya na sila sa kanilang mga propaganda... tarpauline... organizing... at ang malungkot pa rin... gamit nila ang kanilang sariling mga radyo... siraan ng siraan... nagbabatuhan ng akusasyon...

kung magsipagsalita parang wala silang mga nagawang kasalanan!

naaawa lang ako kay jtv... bakit? kasi sa dami ng kanyang mga bayaran... mga tauhang binabayaran para (tumahol) purihin siya... ay kinakailangan pang siya ang tuwirang magsalita para sabihin "on air" ang sinasabi niyang mga kabulukan ni sato!

nag-iisip lang ako! bakit siya??? bakit hindi ang kanyang mga (tuta) tauhan? ang pumapasok tuloy sa kalahating kusing kong pang-unawa... na kaya siya ang gumagawa nito... kasi "untouchable" siya! napawalang sala nga siya sa hatol ng korte na double life di ba?

kaya nga lang hindi bagay sa isang matalino at mahusay (ayon na rin sa kanya) na tulad ni jtv ang bumaba at mag-asal kanto, para lamang siraan? o ilaglag ang kanyang mga kalaban!

haaaaay buhay! kailan kaya magkakaroon ng malusog at tamang pamumulitika dito sa occ. mindoro!

nakakapanghinayang ang mga matatalinong tao na sana'y umuugit at nakapagbibigay ng magagandang halimbawa ng kagandahang asal sa ating mga kabataang "listener", ay nagpaparinig ng tuwirang kabastusan!!!

nakakasawa na... wala na... kung hindi matututo ang tao... patuloy na mananaig ang lakas ng "dyablo"...