Wednesday, March 12, 2008

Ang Genetically Modified Organism o GMO

ang Genetically Modified Organism o GMO ay ang paglikha sa mga halaman o hayop sa laboratoryo sa pamamagitan ng hindi likas na pamamaraan. ito ay ang pagsasama ng genes ng isang species tungo sa isang species na hindi niya kauri upang makamit ang mga ninanais na katangian. halimbawa. ang soil bacterium na bacillus thuringensis na may likas na lason (bt toxin), ang genes nito ay inilagay sa mais (Bt corn) upang hindi mapinsala ng mga mapanirang kulisap tulad ng corn borer. gayundin ang genes ng isda ay inilipat sa kamatis upang mapatagal ang pagiging sariwa... nais kong itutok ang paglalahad na ito partikular sa Bt corn upang madali nating maunawaan.

ang Bt corn ay hindi mapinsala ng mga kulisap dahil sa taglay nitong lason sa katawan. kung sa anggulong ito natin titingnan ay madali tayong mahikayat na magtanim nito. sino nga bang magsasaka ang magnanais na sirain ng peste ang kanyang mga halaman? samantalang ang Bt corn ay ligtas sa peste at hindi ka pa gagamit ng pestisidyo...

palalimin natin ng konti ang isyung ito. kung may lason ang mais na ito samakatuwid hindi ligtas na kainin ang bunga nito! ang sinasabi ng mga transnational corporation ay para lamang daw ito sa animal consumption. ang tanong naman dito eh sino naman ba ang end user ng mga hayop at halamang ito? tao rin ang kakain at maaapektuhan nito. ang pamilyang ating pinag-aalayan ng lahat ng ating mga pangarap at paghihirap ang siyang tiyak na mapapahamak sa bunga ng GMO na ito...

Monday, March 10, 2008

Ang bagong anyo ng Green Revolution (cont...)

nasabi kong kailangan ng malaking kapital ang pagsusulong ng Green Revolution dahil kailangan ito upang makapagpatayo ng mga inprastraktrura... kalsada, tulay, dam at mga kanal para sa irigasyon. kailangan din ang kapital para sa mga pasilidad para sa post harvest... gayundin upang makabili ng mga makina at kagamitang pambukid... kapital din ang kailangan upang mapautang ang mga magsasaka ng pambili ng mga inputs. walang supisyenteng kapital ang Pilipinas para makapagpatayo ng mga inprastrakturang ito kaya nahimok ito ng mga mauunlad na bansa sa pamamagitan ng World Bank-IMF na mangutang...ang layunin ay maalis ang kahirapan, tag-gutom at paangatin ang pangkalahatang uri ng pamumuhay. at ang pagsunod sa dikta ng Green Revolution ang nagbunsod sa bansa na pumaloob sa kapitalistang ugnayang techno-economic. at dahil sa paglapaloob sa ganitong ugnayan ang pamahalaan mismo ang nanguna sa pagpapalaganap ng Green Revolution sa ating bansa.

dahil sa ang Pilipinas ay umaasa lamang sa mga likas na yaman nito... para lamang makabayad sa interes ng pagkakautang... ang resulta ay malawakan at walang pakundangang paggamit ng lupa, malawakang operasyon ng pagto-troso at pagmimina.

ang tatlong pangunahing gawaing ito ang nakapag-ambag ng malaki sa pagkakaroon ng ng polusyon, pagkaubos ng mga likas na yaman at higit sa lahat krisis sa ekolohiya. ang walang patumangga at paulit-ulit na paggamit ng namayat na lupa at ang pagkawala ng natural na balanse ng kalikasan ang nagpababa ng ani... naubos ang mga hindi napapalitang yaman... katulad ng kagubatan, at mga mineral. ang pagbaba ng ani ay nagangahulugan ng importasyon. karagdagang utang upang masustunihan ang Green Revolution... makapagbigay ng dagliang tulong sa mga kinukulang ng pagkain.

nais ko ring ibahagi ang ilang masamang dulot ng mga inputs sa Green Revolution. ang "HYV" sa binhing ito nawalan ng kontrol ang magsasaka sa binhi... tatlong beses lamang ito dapat itanim (ayon sa mga teknikal person nila) upang manatiling maganda ang produksiyon... tinawag din nila itong binhi ng pagka-alipin. nawawala at nauubos ang yamang henetika at bio-diversity... unti-unting nawala ang kaseguruhan sa pagkain. simula ng magkaroon ng HYV... nagsimula ng mabaon sa utang ang mga magsasaka... nagsimula rin ang pagkakalbo ng mga kabundukan... gayundin ang mga minahang sumisira sa balanseng ekolohiya ng bansa. ang sintetikong abono naman ay karagdagang gastos para sa mga magsasaka, pinaaasim ang lupa, pinabibilis ang pagtubo ng damo, pinalalambot ang puno ng palay na nagiging dahilan upang maging kaakit-akit sa peste... ang nitrate na humahalo sa lupa at tubig ay nakakalason sa tao o maging sa hayop... nagiging dahilan ito ng kanser. sa pestisidyo at iba pang kauri nito ay unti-unting nawawala ang likas na yamang tubig na nagiging pang-agdong buhay ng mga kababayan nating magsasaka... kung dati ang roblema lamang natin ay kanin??? ngayon problema na rin pati ang ulam.

binago ng GR ang oryentasyon ng pagsasaka. ang taguri noon sa magsasaka ay "agri-culture... at ang layunin nito ay ang magkaroon ng sapat na pagkain. ang pamamaraan ay nakadepende sa sariling kaalaman sa at kakayanan sa mga kagamitang matatagpuan sa sa bukid. sa pagpasok ng GR... ang pagsasaka ay naging "agri-bussines. ang layunin daw nito ay para pataasin ani at kumita. sa paggamit ng HYV naging intensibo ang paggamit ng ng mga abono at pestisidyo. tumaas nga ang ani sa mga palayan... subalit sa pagtaas na ito ay hindi naman nakapagdulot ng mataas na kita. kung nadoble man ang ani ay nadoble o natriple naman ang gastos... sa kabuuan mababa pa rin ang netong kita.

marami ang nadaya sa Green Revolution... dahil sa paghahangad na kumita ay marami ang mga magagandang tradisyon at kultura ang nawala... katulad ng bayanihan... simpleng pamumuhay...
pagiging makabayan... ang pananamit... ayos ng buhok at iba pa...

nag-umpisa at lumalim ang mapanggamit na relasyon (exploitative relationship). ang mga mahihirap na magsasaka ay napilitang magbenta o magsanla ng lupa, ng mga hayop, mga alahas... at syempre ang inaasahan ay ang ani. ang mga mahihirap ay laong napailalim sa mga mariwasa. sa pagsulpot ng samut-sari at masalimuot na problema dahil sa modelong GR, wari bagang hindi natinag ang mga halimaw sa likod nito... ang higit na nakakatakot ngayon ay ang kanilang bagong putahe na naririto na ngayon at hindi natin namamalayan... ANG GENETICALLY MODIFIED ORGANISM.