Wednesday, February 11, 2009

Damdamin...

sadyang napakahirap supilin ang damdamin. lalo na at labas ito sa prinsipyong iyong pinaninindigan. ang pagpapahayag nito ay isa sana sa mga demokratikong karapatan ng bawat tao. mahirap mang aminin, madalas ang karapatang ito ay nasisikil o naiimpluwensiyahan upang manatili na lamang sa likod ng iyong isip. saan mang bahagi ka lumugar ang pinakamalaking kalaban ay ang sarili. alam mo namang mali pero patuloy mong nagagawa! (hindi mo matanggap-tanggap kasi mahal mo talaga...)

mapalad ang mga ibon... kahit na nakalantad sa panganib na dulot ng "madla", ay malaya namang nagagawa at nasusunod ang gusto... walang nagdidikta... walang nagbabawal... masarap maging ibon... kaisa n'ya ang kalikasan... kayakap n'ya hanggang kamatayan...

katauhang ito'y hinubog at pinanday ng panahon... nabuo at pinatibay ng mga karanasan... humihina at patuloy na pinahihina ng isang damdaming pilit na inuunawa...

bahagi ng lipunan... anay na sumisira sa loob ng isipan... kalawang na umuubos sa matigas na paninindigan!!!

ako at ikaw saan kaya lulugar?

No comments: