Monday, March 16, 2009

isang kaibigan... magandang direksiyon...

nakatanggap ako (kami) ng isang sms mula sa isang "kaibigan"... isang kaibigang nakapagbigay ng bagong pag-asa at direksiyon sa aking (amin) nagdidiliryong kaisipan. isang kaibigang kinakitaan ko ng sigla at ibayong sigasig sa kanyang mga gawain! hindi siya nauubusan ng enerhiya at mga idea. hindi nagsasawang magsaliksik, maghanap, magtanong... walang pagkapagod, araw at gabing kayod! kahanga-hanga ang kaibigan kong (namin) iyon...

sa likod ng aking isip... umaasa pa rin ako... na isang araw ang aking kaibigan ay babalik... muling makapagbibigay ng bagong pag-asa... sa akin... sa amin... :-(

mas madali talagang makita ang butas ng karayom... kaysa sa butas ng palakol!

makikita mo lamang ang kahalagahan ng isang bagay... kung ito ay wala na!

salimbayan ang problema... sana kapag natapos ang unos... sa aking paggising kasama ko na ang aking kaibigan!!!

3 comments:

Anonymous said...

im seriously curious who are you.
-francesca

Anonymous said...

si alipin po ng lupa ay formerly sakristan ni father sa bambi. deny lang po nya talaga.
di ba kaw yung isa sa mga laging kaangkas ni fther sa motor?

anl said...

madam(?) franchesca,
ako ay isang magsasaka na pinanday ng mga karanasan... nahubog ng mga pagsasanay... at nagnanais na maging bahagi ng mga pagbabago ng ating kinabukasan...

di ko pa naranasang maging sakristan eh...

baka gusto mo akong gawing sakristan ha... anonymous? ;-)