Thursday, March 19, 2009

anihan na naman ng sibuyas...

isa ang sibuyas sa pangunahing pananim ng mga magsasaka tuwing summer season. isa rin ito sa inaasahan na mag-aakyat sa kanila ng malaking kita.

ang presyo ng sibuyas noong nakaraan enero dito sa san jose ay umabot sa mahigit na Php 100.00 per kilo... ngayong anihan? Php 18.00 per kilo na lang at pababa pa ng pababa habang dumarami ang umaani.

napakalaki pala ng monopolya sa pagsisibuyas...

ang mga kapitalista ay bumibili ng sibuyas sa mga magsasaka, ilalagak nila ito sa kanilang pribadong "cold storage". pagpatak pa lamang ng ulan ay malaki na ang itinataas ng presyo... kapitalista na ang masusunod. ang magsasaka na nag-iimbak sa kanilang mga bodega ay madalas na nalulugi. nabubulok ang kanilang produkto, lalo na at walang maayos na bentilasyon ang kanilang imbakan.

hindi uubusin ng mga negosyante ang kanilang stock na sibuyas sa kanilang cold storage kahit pa maubusan ng supply sa merkado... unti-unti ang estilo para lalong tumaas ang presyo. umabot ng Php 120.00 ang sibuyas na binili nila nung nakaraan sa presyong Php 8.00 - 25.00 bawat kilo.

sa panahon ng anihan kahit na hindi nagbabago ang presyo ng sibuyas sa merkado ay ilalabas nila at ibebenta sa palengke ang mga itinira nilang sibuyas... sa napakababang presyo... ano ang implikasyon nito... mura ang sibuyas sa palengke! natural lang na mababa rin ang gagawin nilang pamimili sa mga farmers. maliit na kapital sa napakalaking tubo...

kawawang magsasaka, ni hindi man lamang sinangguni ng mga kapitalista kung magkano ang puhunan upang magkaroon ng produksiyon.

nagpakahirap... para sa kakarampot na kita.

2 comments:

dino said...

dapat diyan may honest at makataong 'buyer'.

kung gusto niyong makita ang mala tourist view na patuyuan ng palay sa San Jose Occ Mdo.

eto:

http://sanjose.ph/features/an-open-letter-june-2009

Walang kilos ang mga makikisig niyong politicians diyan, ang bibilis makipagkamay at abot langit ang ngiti during election time pero kapag problema na kanya kanyang tago. Huwag niyong iyabang ang pag unlad ng tourism, agriculture (?????) at banking diyan sa San Jose kung ang ina apakan niyo at dina daanan ng tricycle araw araw eh lubak lubak. Hindi niyo deserve ang position kasi wala kayong intention na BIGYAN NG GINHAWA ang mga tao. Masakit diba? kasi ganoon ang nakikita ng mga tao.

Nasa jurisdiction ba ng Mayor yan?
Sabi oo.

Nasaan bang mga areas iyan? Kalat diba? So, ano ang ginagawa ng mga puno ng baranggay? Hindi ko pinapatamaan si Bgt Capt. Villarosa, nagkataon lang na sa Bubog ako natira that time na magbakasyon ako. Pero lahat ng nasasakupan na gumagamit ng national at local roads para ibilad ang palay... hindi kayo nagkaka iba dahil deliberately niyong pinapayagan OR HINDI ni re resolve ang matagal ng problemang iyan. KAILAN PA KAYO KIKIlos?

Walang ginagawa ang Governador at Bise Gobernador.... sino ba dapat ang gumawa ng solusyon diyan? hindi naman rocket science para ayusin ang mga iyan ah. Kahit high school tanungin mo baka mas magulat ka pa sa idea nila.

o SIGE..mag patintero ulit kayo mga opisyal.. Magbatuhan ulit kayo. Bakit pa kayo naupo kung hindi kayo interesado mag resolve ng issues ng mga tao?

Sa mga nasa radyo.... malapit na kayong mawalan ng taga pakinig.

Bryan Williams said...

Thanks for sharing this..Health and Wellness