Tuesday, March 17, 2009

takot ba o galit sa bakla...?

muli ko na namang narinig ang maaanghang na pagbatikos ni el kapitan jtv sa kanyang estasyon ang bambi fm... lahat ng mga taong nagtrabaho dati sa kanyang estasyon oy inupakan n'ya ng matinding pagbatikos.
si uly javier, matagal niyang naging alipores... ka-tandem nga n'ya ito at vice mayor niya nung tumakbo siyang mayor ng san jose... (nakakulong pa kasi siya noon kaya natalo)

vice mayor toto agustin, ilang dekada n'ya itong pinuri at ipinag-bando sa lahat ng mga tao na magaling at masipag, ngayon ay pilit niyang inaapakan at ibinabagsak...

alex del valle, isa sa kanyang mga propagandista, ngayon ay suko sa langit ang galit at pinagbantaan pang ipabibitay?

at isa rin sa kanyang binanatan ay si bokal rod agas... na di umano (ayon kay jtv) ay isang "bakla"...

ang pumasok sa aking kalahating kusing na pang-unawa ay ito... kabaklaan ba ang ipakipaglaban ang iyong prinsipyo? kabaklaan ba ang umalis at tumalikod sa iyong pinaglilingkuran kung hindi mo na masikmura ang kanyang mga ipinagagawa? bakla ba ang umalis sa iyong trabaho kung hindi ka na masaya? (pero teka lang bakla nga kaya si rod agas?) si sir jtv naman kasi lumayo pa... d'yan lang sa bakuran mo ngayon (baka) may bakla na! paki-tsek lang po ng maigi baka hindi lang yan iisa...

warning to (fr) roni omanio at mariboy ysibido! hwag kayong aalis d'yan, baka masabihan din kayong bakla...

matagal din namang nagtrabaho si rod bilang manager ng bambi...

nag-iisip tuloy ako... nakakatakot palang magtrabaho kay jtv, kapag umalis ka sa kanyang poder... babanatan ka!

alam ko namang matatalino na ngayon ang mga tagapakinig... alam na nila kung ano at sino ang dapat na paniwalaan!

totoo ang kasabihan... kaibigang karnal! kaaway na mortal! sa dami kasi ng kanilang mga pinagsamahan (in goodtimes and in bad times) alam at kabisado na nila ang mga kabulukan ng isa't isa... pero teka lang... kapag alam nila ang lihim ng isa't isa... meaning... chances are magkakasama sila!

and in this world, the only permanent is changes... from bad... to worst!

23 comments:

Anonymous said...

bakla po ba si (fr) roni omanio at mari boy isibido?
tanong lang po...

anl said...

ang nais ko lang pong ipahayag sa pagsasabing (baka) may bakla ay ang hindi pagkakaroon ng sariling mga desisyon ng kanyang mga tauhan (sa bambi) na sa tingin ko ay siyang hindi nagustuhan ng mga umalis na mga kasamahan (dati) ni sir jtv. hindi ko po alam kung bakla yung 2... baka po alam n'yo?

Anonymous said...

ang kawalan ng sariling desisyon ay hindi kabaklaan. sapagkat may mga bakla na marunong gumawa ng at tumindig sa kanilang desisyon at prinsipyo.
ang linya ng pag-iisip mo ay isang INSULTO sa aming mga bakla.
ang pagiging bakla ay isang biological; at hindi ito maaaring gamitin upang tukuyin ang isang hindi maayos na moral at psikolohikal na kondisyon o estado ng isang tao.
ang pagsasabi mong bakla ang mga hindi marunong tumayo sa kanilang desisyon ay nagsasabi na ikaw ay nagtataguyod ng MACHISMO -- isang kulturang napatunayan nang salot sa lipunan.

Anonymous said...

bakla nga ba cila? kilala ka sa pagiging prangka [pero pra yatang bigla may oppppsss ka ah!sa paraan ng pagsusulat mo'y ginagatungan mo pa ang kaisipan ng mga mambabasa... idirekta mo na, bakla nga ba cila?

Anonymous said...

hanapin mo sa diksiyunaryong tagalog ang salitang bakla o kaya i-google mo. sa aking pagkakaunawa ang pagkabakla (hindi ito pagiging gay) ay katumbas ng pagkaduwag, o pagkatakot. Kung magbabasa ka ng Noli Me Tangere may mga salita dun na tulad ng "isang nakakabaklang tingin", at ito ay ginagamit din sa mga babae. Ibig sabihin hindi lang lalaki ang bakla. Iba kasi ang kahulugan ng bakla sa wikang tagalog at ang kahulugan ng salitang bakla sa panahon natin ngayon. Sa ngayon ang bakla o gay ay iisa. Isa na itong "gender". Ang bakla para sa atin ay homosexual o gay.

Anonymous said...

oo nga, alipin ng lupa... sabihin mo na kasi nang tahasan...

anl said...

ang kawalan ng sariling desisyon ay hindi kabaklaan. sapagkat may mga bakla na marunong gumawa ng at tumindig sa kanilang desisyon at prinsipyo.
ang linya ng pag-iisip mo ay isang INSULTO sa aming mga bakla.

paumanhin, hindi ko nais na makapang-insulto ng tao... natangay lamang ang aking panulat ng mga nilaman ng pahayag ni el kapitan tungkol sa kabaklaan.

ang pagiging bakla (gay) ay hindi kasalanan, kaisa mo ako dyan. ang pamamaraan sa pamumuhay ang nagbibigay ng sala sa bawat indibidwal... anuman ang kasarian nito.

yun nga lang mas madalas sa hindi, o mas marami sa mga gay ang nasisira at tinatalikuran ang kanilang mga salita, madalas na hindi natutupad ang mga pangako. aminin din natin ito.

kung maayos ang iyong pamumuhay sana dumami pa ang lahi mo...

anl said...

mahirap sabihin ang laman ng isang closet kung hindi ito bukas, o ayaw buksan...

wala naman talaga sa pabalat ang laman ng isang aklat...

at kayang takpan ng pintura ang anumang mantsa ng isang pader...

katulad ng sinabi ng isang pantas sa batang may hawak ng ibon... ang kasagutan ay nasa inyong mga kamay...

Anonymous said...

ANL.. bakla man o straight na tao, parehas na mahilig lamang mangako kung magkaminsan, mas maiintindihan mo pa ganang sa kin clang nsa 3rd sex kesa sa mga straight na naturingan ngunit wla namang paninindigan..sa henerasyon ngayon mas mabuti pa ang maturingan kang bakla kesa nagpapakalalaki ka sa panlabas na anyo pero sa prinsipyo nama'y laging inililiko at inililigaw ang iyong kababayan...mas mabuti pa cla, inihahantad ang nais sa buhay, kesa mga taong nais magkanlong sa prinsipyo ng pandaraya sa pagsasabing mahal ang kapwa mamamayan..ikaw anl ayaw mo ba sa bakla?

anl said...

mayroon akong kum(p)areng bakla, inaanak nya ang aking bunso.

anl said...

ang relasyon sa pagitan ng parehong kasarian para sa akin ay hindi pa rin tama.

ang unang tungkulin ng isang mag-asawa ay maging katuwang ng Diyos sa paglikha (ng supling).

tao ang namimili kung ano ang kanyang nais, desisyon nya ang nasusunod kung nais niyang maging Dimas o maging Hestas ng makabagong panahon!

Anonymous said...

ang sinasabi mo ay lumang kaisipan. ang oryentasyong pang-kasarian ay inborn.. hindi ito usapin ng gusto o hindi gusto... ang pagiging bakla ay bahagi ng natural ng tao, kagaya ng pagiging buong lalaki o babae ng mas nakakarami. ito ang sinasabi ng kasalukuyang scholarship sa psikolohiya...

anl said...

kung ganoon ay kailangan na ring dagdagan ang gender? para na rin sa kagalingan ng nasa 3rd sex...

sa aking sariling opinyon at karanasan na rin... madalas na naipagkakamali ng mga tao ang physical attraction sa love... normal lang ang paghanga sa isang tao maging ito man ay sa lalake o sa babae... sapat na ba ito para sa isang relasyon...? kahit na alam nating hindi ito katanggap-tanggap...?

napakaliit na porsiyento na naging matagumpay ang pagsasama ng nasa parehong kasarian... nagiging kaawa-awa lamang paglipas ng panahon... nakikita lamang ang lahat kung tuyo na ang dagta... huli na ang lahat para bumangon!

kung isa kang bakla... pera lamang o praktikalidad ang habol ng lalaking papatol sa iyo (95%)...

hindi ba marapat lamang na tanggapin mo ito ng bukal sa loob at mamuhay na lamang ng malinis?

Anonymous said...

una po, ang pagiging bakla (o tomboy para sa mga babae) ay hindi pamumuhay nang madumi. yan ay isang stereotype na nanggagaling sa isang "macho".
ikalawa, ang gender ay isang social construct. ang sex ay biological -- ibig sabihin, hanggang ganito ang ating kalikasan bilang tao, dalawa lamang ang maaaring sekswalidad natin. lalaki o babae. ang social construct ay maaaring madagdagan. kaya nga, mayroon nang third sex sa ngayon. sa syntax ng english at pilipino, ang gender ay apat -- panglalaki, pambabae, walang kasarian at di tiyak.
madadagdagan ang gender? oo, darating ang panahon... bunga ng paglawak pa ng kaalaman at pang-unawa ng tao.
ikatlo, ang emosyon o desisyon para magmahal ay isang human emotion. hindi ito monopolya ng lalaki para sa babae, o babae para sa lalaki. kung mararamdaman ito ng mga kagaya naming nasa third sex, ito ay natural lamang. sapagkat kami ay tao.
ngayon, kung sasabihin mong may mga kilala kang mga nasa third sex na di naging masaya ang pagmamahalan, gusto kong sabihin sa iyo na marami din akong alam n mga "normal" na lalaki at babae na di naging masaya ang pagsasamahan.
ang isang "barrier" para sa amin para magkaroon ng maayos na tsansa na mamuhay nang maayos sa konteksto ng pagmamahalan ay nagmumula mismo sa lipunan. masyadong konserbatibo at makitid ang "horizon" ng lipunang pilipino (ang iyong kaisipan ang patunay dito), at di kami matanggap na mga normal ding tao na nagkataong may hindi normal (ayon sa kasalukuyang pamantayan ng sosyedad) na sexual orientation.
gusto ko lamang sabihin, na ayon sa siyensiya, ito ay inherent.
nagagalak akong sabihin sa iyo na sa isa o dalawang estado sa amerika ang pagsasama ng mga bakla at tomboy ay ginawa nang legal. at ang lipunan ay unti-unti nang nagbubukas ng pinto para sa kanila. halimbawa, sa terminolohiya: dahil di puwedeng bumuo ng konbensyonal na pamilya ang mga bakla at/o tomboy, sila ay sinasabing responsable sa pagsisimula at pagtataguyod ng tinatawag na domestic partnership.
------------------
pero, bakit ba tayo nagawi dito? ang unang tanong lang naman sa blog na ito ay king bakla talaga si (fr) roni omanio at mari boy isibido...
may karanasan ka ba sa kanila?

anl said...

kung kakitiran ng isip ang hindi ko pagka-unawa sa kabastusang ginagawa ng mga naglipanang bakla sa mga madidilim na lugar... may punto ka!

katulad ng hindi ko rin pagkaunawa sa mga lalaki/babaeng hindi nasisiyahan sa isang karelasyon!

hindi ko nais na saktan ka!

ang original na laman ng post na ito ay ang payo sa mga taong kasalukuyang alipores ni jtv... nagkataon na si roni at mariboy ang pumalit kay rod...

ang sagot ko sa tanong mo?

kung sabihin ko bang hindi maniniwala ka? kung sasabihin ko namang oo... bakit nakarelasyon ko ba?

paniwalaan mo na lang kung ano ang nasa isip mo... mas malamang na tama ka!

Anonymous said...

alipin ng lupa, sorry po kung nagalit kayo dahil sa aking kakulitan...

anl said...

mas malaki po ang aking natututunan sa inyo...

akin ang pasasalamat...

anl said...

syanga po pala... alam kong magkakilala tayo... at hindi ka bakla :-)

Anonymous said...

pero, nalihis na po tayo sa usapan: bakla nga po ba si (fr) omanio at mari boy isibido?

Anonymous said...

Mahirap maging bading. Galit ako sa kanila dati namin na ngayon. dati kasi nalaman ko na bading ang tatay ko pag balik niya sa saudi. Later on nalaman ko ako din pala. I'm an electrical engineer. Isipin niyo na lang gano kahirap yun di ba? pano ko i rerespeto ng mga tao. Pero ngayon tanggap ko na wag na lang sana ninyo kong husgahan.



---Engr. Micjael Capuno Santiago

Anonymous said...

Mahirap maging gay. Galit ako sa kanila dat. dati kasi nalaman ko na bading ang tatay ko pag balik niya sa saudi. Later on nalaman ko ako din pala. I'm an electrical engineer. Isipin niyo na lang gano kahirap yun di ba? pano ko i rerespeto ng mga tao. Pero ngayon tanggap ko na wag na lang sana ninyo kong husgahan.



---Engr. Micjael Capuno Santiago

Anonymous said...

Mahirap maging gay. Galit ako sa kanila dat. dati kasi nalaman ko na bading ang tatay ko pag balik niya sa saudi. Later on nalaman ko ako din pala. I'm an electrical engineer. Isipin niyo na lang gano kahirap yun di ba? pano ko i rerespeto ng mga tao. Pero ngayon tanggap ko na wag na lang sana ninyo kong husgahan.



---Engr. Michael Capuno Santiago

Anonymous said...

Mahirap maging gay. Galit ako sa kanila dati. dati kasi nalaman ko na bading ang tatay ko pag balik niya sa saudi. Later on nalaman ko ako din pala. I'm an electrical engineer. Isipin niyo na lang gano kahirap yun di ba? pano ko i rerespeto ng mga tao. Pero ngayon tanggap ko na wag na lang sana ninyo kong husgahan.



---Engr. Michael Capuno Santiago