Tuesday, March 3, 2009

Barangay Council...

inimbitahan ako ng isang kakulay sa isang sesyon ng barangay council ng purnaga upang magbigay ng kamalayan sa nakabantang oil exploration sa lalawigan ng mindoro (oksi)...

matingkad na lumutang sa pagbabahaginan ang kawalang malay ng council sa kanilang mga karapatan bilang mga lokal opisyal...

una: sinasabi nila na kapag ang atas (may memo) ay mula sa taas (higher official) wala na silang magagawa kundi ang sumunod...

sa aking pagtingin... kababawan ito o kawalang malay sa kanilang mga tungkulin! common sense na lamang... bakit pa magpapaalam ang mga ito kung walang karapatan ang mga mamamayan sa barangay??? e di sana'y iniutos na lamang ito ng walang pagsangguni sa kanila??? mapurol yata si kap. decena o talagang tuta lang siya ni gov. sato!!!

ikalawa: sinasabi nilang hindi sapat ang kanilang kaalaman paano sila mangangatwiran?

nakakapika ang ganitong mga pananalita ng isang opisyal... mababaw pala ang iyong kamalayan eh bakit hahayaan mong makapasok sa lugar mo ang isang proyektong hindi mo ganap na batid kung ano iyan!!! hindi ba't mas marapat na mangumbida ka ng mga taong may alam? yung neutral... hindi nagmula sa kumpanyang nag-aalok ng proyekto... o kaya naman ay magpatawag ka ng isang public consultation (yung tunay) para sa iyong sapat na kaalaman sa tamang pagdedesisyon... para di ka masisi ng iyong mga constituents...

hindi sapat sa iyong mga kababayan ang ganyan kababaw na katuwiran...

lutang na lutang tuloy na (mukhang) ikaw ay nabibigyan!!!

alalahanin n'yo sana na sa level ng barangay dapat ay apolitical!

1 comment:

edgiboy said...

hehe..

nice one sir..
mrami dn saming ganyan...
tumanda na't lahat sa pwesto pero nananatiling bobo o kung di naman puppet ng mga asong balbon.