Tuesday, June 2, 2009

simula na naman...

maririnig na naman sa mga himpilan ng radyo ang walang kamatayang batuhan ng putik ng mga "tuta(?)" ng pulitiko sa mga himpilan ng radyo na kanilang pag-aari... lumalabas na naman ang mga maaanghang na salita sa kanilang mga labi...

sa heart fm, walang pangimi at walang takot si alex del valle, si crispin perez plus uly javier! mga dating alipores ni jose tapales villaroza (jtv)... specific kung magsalita ang tatlo... bagama't kung minsan ay pasaring lamang... na maiintindihan mong ikaw ang may gawa kung nakikinig ka.

sa bambi fm naman, kumakana din si mariboy ysibido, marife villar, ronilo omanio at jojo villamar (?). pilit na inaalisan ng kredibilidad ang mga personaheng aking nabanggit na pawang mga taga-heart fm...

tauhan ni nene sato... pilit na hinuhubaran ang mga villaroza...

tauhan ni jtv... hinuhubaran ang mga kampon ni sato...

ang kaibahan lang ng dalawang grupong pulitikal? (ito ay ayon lamang sa naabot ng aking kalahating kusing na pang-unawa)... si jtv ang personal na tumitira kay sato! hindi ko pa narinig na nagsalita ng diretso ang mga taga-tahol ni jtv!!! samantalang si sato... hindi na kailangang magsalita... kasi ginagawa na nung tatlo!

para sa akin? kawawa si jtv kasi nagbabayad siya ng guwardiya tapos siya rin naman ang nagbabantay!!!

malapit na ang eleksiyon sa 2010... simula na naman ito ng walang katapusang public scandal...

advantage ng mga electorate... ang salitang kanilang bibitiwan ay pwede nating pagnilayan! at sa 2010 doon natin husgahan!!!

1 comment:

dino said...

Each of us have a personal discernment re: issues around us.

I respect each of your views.

Here's mine:

Huwag na kayong makinig sa radyo.

Tell your friends to turn off their radios when such program starts.

Ipaalam niyo sa tao na walang makikinig ng radyo sa ganoong oras at araw, that way, ang mga nagsasalita ay magmumukhang mga bibi na putak ng putak (oo, bibi na pumuputak)

Mag enjoy na lang kayo sa mga iba pang gawain na mas kaiga igaya.

They do not deserve your time.