Wednesday, June 17, 2009

bunga ng tiyaga...

sa ginanap/ipinatawag na public consultation/forum ng sangguniang bayan ng sta cruz noong ika-15 ng hunyo 2009 ay binanggit ni sb genesis gatdula (facilitator) na mayroong 2 fending resolution, isang nagrerekomenda at isang tumututol sa panukalang pagtatayo ng High Pressure Acid Leach (HPAL) Plant sa bayan ng sta. cruz... isa ako sa libu-libong dumalo at nagmartsa sa kalsada upang tutulan ang pagtatayo ng nasabing planta. sa aking pagtaya... ang PRO-MINING ay less than 500 ang kontra mina naman ay less than 2,000...

noong june 16 sa kanilang session ay overwhelming ang boto ng sta cruz sangguniang bayan! OPPOSING the HPAL plant ng Intex... isa na namang maliit na tagumpay...

may mga plakard akong nabasa, at nais kong ibahagi ang ilan:
- H'WAG NATING IBOTO ANG MGA PULITIKONG SA MINA AY GUMUGUSTO!
- SAVE LIVES, SAVE MOTHER EARTH! NO TO INTEX!
- ANG NAIS SUMIRA NG BUNDOK, SIRA ANG TUKTOK!

utang ang tagumpay na ito sa mga taong nagpakahirap para maipakita ang lakas ng tao... wala pa ring tatalo sa lakas ng pagkakaisa...

7 comments:

Anonymous said...

whaT DO YOU THINK?mga pulitikong tutol sa mining,mga plastik kayo dahil ba malapit na ang eleksyon?

kung tapos na ang eleksyon or malayo pa ito,ganyan din kaya ang gagawin nyo?

maging totoo sana kau sa mga sarili nu...

mahirap magbalatkayo.

iisa lang ang kulay nung lahat.

anl said...

i am not a politician at hindi rin ako nagtatrabaho sa kanila... i am very sorry kung sadyang mapurol lang ang aking ulo kasi hindi kita maintindihan...

ano ang kaugnayan ng eleksiyon sa aking (aming) pagtutol sa pagmimina?

kaya nga ako sumasama sa mga rally kontra mina ay sapagkat nagpapakatotoo ako sa aking sarili!

hindi ko kayang ipakipagsapalaran ang kinabukasan ng aking mga anak sa kamay ng mga taong ang tanging tinitingnan ay ang pagkita/pagkamal ng salapi... kahit pa mangahulugan ito ng pagkasira/pagkawasak ng kalikasan...

paano mo titiyakin na matutupad ang kanilang (Intex) ipinangangalandakang responsableng pagmimina?... mr/ms anonymous... duda ka nga sa mga pulitikong nagpahayag ng kanilang pagtutol (kasi tinawag mong plastic), ang ipinagtataka ko lang bakit sa Intex hindi ka nagduda?...

ang buhay ng alipin ng lupa ay nakasalalay sa kalikasang ibinigay ng Diyos upang pamahalaan ng tao!

hangga't may binhi ng katarungan sa ibabaw ng lupa... muli at muling sisibol ang pag-asa...

dahil alam kong marami kaming alipin ng lupa!

katrina said...

i think the anonymous commenter was referring to the politicians na tutol sa mining, na they are against it because of the up and coming election not because they really are against it, not necessarily to you.

anl said...

ms katrina... thanks sa pagdalaw!
i see that point...

pwede naman talagang sinasakyan lamang ng mga pulitiko ang damdamin ng tao... but deep inside..................@#*!!!!!

kaya lang ang sabihing iisa ang kulay naming lahat, ay isang maling kaisipan para sa katulad kong alipin ng lupa!

Anonymous said...

easy lang, alipin ng lupa at langit... mas lalo kang nangingitim pag nagagalit ka,e ..

makapal said...

minsan sana magunaw na ang ilang parte ng mundo para wala ng away at turuan, batuhan ng mga tae sa mukha.

ang mga candidate locations ay: ilang plot ng lupa sa bayan ng san jose, malapit sa plaza.

area sa bubog malapit sa beach.

isang opisina sa munisipyo

naku, huwag kayong humiling pa ng iba...

Alipin ng Lupa said...

mr. makapal,

para nga "raw" mabago ang takbo ng pulitika sa pilipinas... ay dapat mawala ang lahat ng 7 years old pataas!

baka nga tama sila... kasi sa school council election pa lang... may mga guru na nakikialam!