Thursday, January 22, 2009

Isang Mapagkunwaring Lipunan...

nakatanggap ako ng imbitasyon mula sa isang pamantasan, ako ang napili nilang maging "keynote speaker"... (hindi ko alam kung bakit ako?) nais nilang ako ang magbigay ng inspirasyon sa mga batang magsisipagtapos... (kung paano? hindi ko alam) sapagkat nais nila na magkaroon ng inspirasyon ang mga bata... yun ang aking ginawa.

heto ang ilang bahagi ng aking "speech" (?) hindi kasali yung nasa loob ng()

ang pagkakatuto sa tunay na takbo ng buhay, ay hindi lamang nakukuha sa apat na sulok ng inyong paaralan (mas napapakinabangan ang karanasan kesa sa theory)...

iba ang laman ng aklat sa mga tunay na pangyayari (hindi ka matututong lumangoy kung hindi ka lulusong sa tubig)...

ang pagtatapos sa inyong paaralan ay simula lamang, nang tunay na pag-aaral sa larangan ng buhay sa ating mundong ginagalawan (doon pa lamang magsisimula ang gulong ng actual na paggawa)...

mas mapalad ang mga hindi nagsisipagtapos sapagkat hindi sila namimili ng mapapasukang trabaho(kakaunti ang opportunity sa white collar job)...

ang tagumpay ay hindi nasusukat sa taas ng marka sa card at sa kursong iyong tinapos (maraming napasok sa trabaho dahil sa impluwensiya)...

mas higit na dapat ninyong pagtuunan ng pansin ang tamang pag-unawa sa mga isyung nakaka-apekto sa inyong buhay at kabuhayan (aanhin mo ang trabaho kung kulang naman ang sweldo)...

para sa isang tama at maayos na pagdedesisyon...

more or less ganun ang laman ng aking mga sinabi... madalas kong nakikita sa aking pagsulyap sa mga tao sa aking paligid, estudyante lamang ang pumapalakpak... ang mga "guru"? hindeee... may mali ba sa ang aking mga sinabi?

ang aking learning? ako nga pala ay nabubuhay sa isang mapagkunwaring lipunan!

2 comments:

Anonymous said...

tol, hindi uubra ang mga discerning words na ganyan sa kanila. pam-buburaot lang style ng mga iyan. har, har, har...

alipin ng lupa said...

well, naniniwala naman ako (promise) na ang pagbabago ay nangyayari sa tao, anytime... anywhere... huwag lamang mamanhid ang kanyang konsensiya...

salamat... tol (?)