Wednesday, January 21, 2009

haaaay... ang buhay nga naman ng pulitiko...

sa aking radio hopping, narinig ko ang paghingi ng pasensya ni kon. allan ismael sa ating kagalang-galang na Obispo... inamin niya ang kanyang malaking pagkakamali (?).

dapat na maging aral kay ismael, na ang isang tulad nyang public figure (na kinaiinggitan, naging konsehal ka ba naman!) ay dapat maging handa/maingat sa bawat salitang mamumutawi sa kanilang mga labi... in short, umayos ka!

ang learning ko ngayon? sa pulitika pala, ang lahat ng tao ay hindi ligtas... kahit ano o kahit na sino ay pwedeng/gawing sangkalan/tuntungan...

ang pulitika ay sining ng pamamahala... hindi ito masama! ang nagpapasama lang dito ay ang mga taong may mga pansariling interes. isama na rin natin ang mga "langaw" na mas mataas pa... nung matuntong siya sa kalabaw.

nakakita na ba kayo ng mga pusang tumatahol??? ang akala kasi nila... sila ay aso... kasi naman nilagyan sila ng tali ng kanilang amo!

2 comments:

Alipin ng Langit said...

nakakita na ako ng mga pusang tumatahol harhar.. mga feeling hari at reyna sa ere. mga pusang inggit sa kapwa nila.. sayang ang mga relihiyosong istasyon kung ganito ang tagapag-salita. harhar...

alipin ng lupa said...

malayo ang putukan sa nagbabarilan... sadya yatang hindi magkakatagpo ang langit at ang lupa...