Tuesday, January 12, 2010

sino nga ba ang tunay?

hindi pa man nagsisimula ang campaign period... ang mga pulitiko at ang kanilang mga alipores ay halos wala ng pahinga sa kanilang pangangampanya!!!

ang tinutukoy ko ay ang dalawang grupong political sa occidental mindoro, ang dream at performance team... ni sato at jtv! kanya-kanya na sila sa kanilang mga propaganda... tarpauline... organizing... at ang malungkot pa rin... gamit nila ang kanilang sariling mga radyo... siraan ng siraan... nagbabatuhan ng akusasyon...

kung magsipagsalita parang wala silang mga nagawang kasalanan!

naaawa lang ako kay jtv... bakit? kasi sa dami ng kanyang mga bayaran... mga tauhang binabayaran para (tumahol) purihin siya... ay kinakailangan pang siya ang tuwirang magsalita para sabihin "on air" ang sinasabi niyang mga kabulukan ni sato!

nag-iisip lang ako! bakit siya??? bakit hindi ang kanyang mga (tuta) tauhan? ang pumapasok tuloy sa kalahating kusing kong pang-unawa... na kaya siya ang gumagawa nito... kasi "untouchable" siya! napawalang sala nga siya sa hatol ng korte na double life di ba?

kaya nga lang hindi bagay sa isang matalino at mahusay (ayon na rin sa kanya) na tulad ni jtv ang bumaba at mag-asal kanto, para lamang siraan? o ilaglag ang kanyang mga kalaban!

haaaaay buhay! kailan kaya magkakaroon ng malusog at tamang pamumulitika dito sa occ. mindoro!

nakakapanghinayang ang mga matatalinong tao na sana'y umuugit at nakapagbibigay ng magagandang halimbawa ng kagandahang asal sa ating mga kabataang "listener", ay nagpaparinig ng tuwirang kabastusan!!!

nakakasawa na... wala na... kung hindi matututo ang tao... patuloy na mananaig ang lakas ng "dyablo"...

7 comments:

Anonymous said...

bakit si omanio parang walang ginagawa? si jtv na lang ang salita ng salita para sa kanya. wala bang masabi si omanio para malaman ng tao na kaya talaga niyang maging gobernador. kala ko nga kung minsan si jtv ang lalaban kay sato e.

anl said...

sad to say sir/madam... ang tingin ko talaga bilang isang karaniwang mamamayan... ginagamit lang ni jtv si omanio para sugatan/gantihan si sato...

remember tinalo siya ni sato ng dalawang beses sa pagka-gobernador... at iyon din (siguro) ang dahilan kaya kapitan siya ngayon...

nagtataka nga lang din ako... kasi kung totoong may katibayan si jtv sa kanyang mga sinasabi... hindi ba kaya ni omanio na magbunyag ng katotohanan?

just asking? baka mayroon din siyang alam na hindi niya kayang ibunyag!!!

more talk... more mistake!

so better...not...to...TAlk

DIDASKALOS said...

congratulations, anl, sa iyong bagong post! akala ko ang new year's resolution mo ay di ka na maglalagay ng bagong entry dito sa blog mo...

Alipin ng Lupa said...

pasensya na po... kaibigang didaskalos... dala ng kahirapan... kailangan pa ring kumayod para mabuhay!

nabasa ko nga... ang ulo at tiyan, parehong sumasakit kapag walang laman!

maligayang pagbabalik... idol!!!

Anonymous said...

Dapat ay pumasok na ang KBP MANILA,NTC, AT AHENSYA NA NAG REREGULATE SA MGA IPINAHAHAYAG NG MGA UNLISENCED BROADCASTERS SA LALAWIGAN NG OCCIDENTAL MINDORO. NALASON na ng pera at lakas ng loob sa mikropono ang mga batang brodkaster sa Occidental Mindoro. HINDI NA TAMA! Kung tao kayo ng mga politiko gawin nyo ng naayon sa moral mo ang mga salitang ginagamit nyo! Sagrado ang mikropono ang mga boss nyo kayang panindigan ang kabastusan dahil maimpluwensya tao IKAW na sumasawsaw kaya mong sumayaw? sa kahulihan pagkatao mo ang sinisira mo at dinudungisan mo. Galingan nyong makipaglaro baka kayo din ang masilo sa kabulukan!

Anonymous said...

ang tingin ko po... wala ng solusyon ang kabastusang iyan... hanggang nasa pwesto ang may-ari ng mga radio station na iyan!!!

'yun kasi ang talagang purpose kaya itinatag ang istasyon nila... si sato at villaroza ang tinutukoy ko...

ang apela ko lang sana sa "magagaling" na broadcaster nila... sila na ang mag-regulate ng kanilang mga sarili!

Anonymous said...

ang tingin ko po... wala ng solusyon ang kabastusang iyan... hanggang nasa pwesto ang may-ari ng mga radio station na iyan!!!

'yun kasi ang talagang purpose kaya itinatag ang istasyon nila... si sato at villaroza ang tinutukoy ko...

ang apela ko lang sana sa "magagaling" na broadcaster nila... sila na ang mag-regulate ng kanilang mga sarili!