Sunday, December 13, 2009

kapitan ng central virgilio salazar!!!

ini-announce kamakailan lamang ni salazar sa mga taga-central na hindi sila makapagtatanim ngayong summer crop 2009-2010!

sangkot dito ang mahigit na 500 ektarya ng lupang sakahan na nagagamit taun-taon tuwing tag-araw, mahigit 30 years na!

ang dahilan!!! wala o mahina (ayon kay salazar) ang daloy ng tubig sa ilog kaya't hindi pwedeng magtanim ang mga nasabing lugar...

sa ganitong pangyayari... maraming mga farmers ang nagkaroon ng iba't-ibang reaction... syempre karamihan sa mga ito ay nagpahayag ng galit!

hindi ko alam kung anong utak meron ang kapitan na ito!!! nagbigay kaagad ng pahayag ng hindi muna inaalam... baka may magagawa pang pamamaraan... o inalam muna sana kung ano ang mga dahilan ng paghina ng daloy ng tubig sa ilog ng busuanga!

sa kasalukuyan... nakikipag-ugnayan ang ilang mga lider sa lahat ng mga tao sa mga lugar na sangkot! napag-alaman natin na isinara pala ng husto ng mga taga-pitogo ang ilog sa lugar nila... nasa bandang itaas sila, hihina talaga ang daloy ng tubig sa ibaba.

napapahiya kasi si kapitan salazar... pinayagan niya ang pitkin petroleum limited na pumasok sa kaniyang barangay... tapos tinutulan naman ito ng karamihan!!!

ganti mo ba ito sa iyong mga kabarangay?

alalahanin mo lamang... baka maubusan ka ng swerte... ang karma kasi laging nasa huli!

No comments: