Monday, February 15, 2010

isa na namang pagkilos...

naging bahagi na ng aking linggo ang magpunta sa simbahan... may pari man o wala!

narinig ko na mayroon palang mga lider na pinili ang mga pamayanang kristiyano, mula sa kanilang hanay... partikular sa parokya ng mabuting pastol sa magsaysay, lima ang kanilang napili, dalawa san jose central at isa sa san pedro rizal...

ang hakbang na ito para mag-field ng mga kandidato, para maging kagawad ng sangguniang bayan ang mga pamayanang kristiyano leaders, ay bunga ng kawalan ng pagkalinga ng mga kasalukuyang mga nanunungkulan sa ating pamayanang kristiyano... lalo na sa issue ng mina...

hindi ko ito kaagad narinig... kasi sakop ako ng parokya ng san jose (cathedral)... wala namang sinabi si fr. rey...

natutuwa ako sa hakbang na ito... mukhang unti-unti ng natututo ang mga mananampalataya... na hindi lamang kaluluwa ang dapat na pinangangalagaan...

mangangampanya ako sa mga kakilala ko sa tatlong parokya... kapag pwede na!!!

si noel callanta ang napili nila sa san pedro, rizal...

si boy fallorina at joe vidal naman sa san jose...

soriano, wagan, arroza, mendez at patawarin nyo ako... nakalimutan ko yung isa...

panginoon ko... kung lahat ng katoliko ay katulad ko... paano mananalo ang mga kandidato ng pamayanang kristiyano???

hamon sa akin... hamon sa inyo... para sa isang malaking pagbabago... kailangang magkaisa ang pamayanang kristiyano...

kasi naman tinatanga na tayo... inaalis ang kabanalan ng ating mga boto!!!

ROSETE po pala yung isa.....

3 comments:

Anonymous said...

sino po ang presidenteng iboboto nyo?

Anonymous said...

iboboto po ninyo si omanio?

Alipin ng Lupa said...

aaminin ko sa inyo, hanggang ngayon magulo pa ang aking utak kung sino sa mga presidentiable ang aking iboboto...

gusto ko ang walang takot at may political will na tandem ni gordon at fernando... sa klase ng pulitika sa pilipinas na nasasaisantabi ang sariling prinsipyo... "party stand" ang tawag nila at karaniwang "alibi", ng karamihan upang maiwasan o makaiwas at matugunan ang mga issue.

hindi ko rin maipwera sa usapin ang sustainable development ni perlas... malinaw at matagal na itong isinusulong nung mama, kahit di pa siya aspirante bilang presidente...

mas madali akong makakasagot sa iyo sir/madam kung pamimiliin mo ako kay aquino o kay villar!

aquino ako!!! tiyak yun... bakit? dahil malakas ang pressure ng kanyang namayapang mga magulang... tiningnan ito at kinilala ng mga tao bilang mabubuti at mararangal na tao... hndi isusugal ni noynoy (para sa akin lang po kasi anak din ako) ang dangal na ito ng kanyang mga magulang... mahihiya siyang magwalanghiya... at higit sa lahat... hindi siya o wala akong nabalitaang nasangkot siya sa corruption!!!

di ko na kailangang sabihin pa kung ano ang ayaw ko kay villar!!! natatakot lang ako sa laki ng kanyang ginagastos... sa aming mga negosyante kasi... paglaki ng kapital... pagganda ng tubo!!! hindi kami nagbibitiw ng kapital ng hindi tiyak ang babalik na tubo!!!

kay omanio? mas gusto ko sana na pari siya... marami ng pulitiko... kakaunti ang pari... mas magiging kapakipakinabang ang kanyang buhay (para sa akin) kung pari siya...