Tuesday, August 25, 2009

changes...

totoo talaga ang kasabihan na walang permanente dito sa mundo... exept... changes!

kilala si vice mayor ed gadiano ng bayan ng sablayan na isang matatag na leader ng dream team na pinamumunuan ni gov. sato...

sa kasalukuyan ay nagpahayag na si vice ed gadiano na siya ang official na kandidato ng perpormance team sa mayorial race sa bayan ng sablayan sa election 2010 alam naman natin na pinamumunuan ito ng mag-asawang villaroza... in short sumakabilang bakod na si gadiano!

iisa ang pumasok sa aking isip... tapos na ang term of office ni mayor mintu at vice gadiano! so, walang pagpipilian ang dalawang ito kundi ang umakyat ng pwesto! or magpalitan sila katulad ng ibang mga pulitiko sa ibang bayan... hindi nila ginawa!

matunog din kasi na tatakbo rin bilang mayor ang asawa ni mayor godofredo mintu.

matagal na magka-tandem ang dalawang ito (mintu-gadiano), at laging sinasabi ni mintu na kapag naroon si gadiano parang naroon na rin siya...

sa pangyayaring ito... narito ang aking sapantaha...

mas pinili ni sato si edna mintu bilang mayor... inilaglag niya si gadiano!

sa sama ng loob ng mama??? ayun lumipat kay kabila!!!

pulitiko... pulitika... hindi mahalaga ang pagpapahalaga sa salita...

ang mahalaga? kung kanino ka mas higit na mananagana...

mas mayaman kasi si mintu kaysa kay gadiano!!!

sa takbo ng ating lipunang puno ng mga taong nasisilaw sa salapi, mas lamang ka kapag may pera ka!

nasa kay gadiano ngayon ang aking simpatiya... sana lang huwag masayang ang matagal na niyang pakikipaglaban kontra mina!

huwag sana siyang mahawa sa mga alipores ni gloria!

3 comments:

Anonymous said...

alipin ng lupa, merong isang bagay ang hindi nagbabago. O hindi halos magbago.
alam mo kung ano ito?
itong mga postings mo sa iyong blog...
ang tagal masundan!!!!

Anonymous said...

wala ng maisip ang alipin ni sato

Alipin ng Lupa said...

sir/madam anonymous,
nasira kasi ang computer ko... pinasok ng virus... ayaw mag-open... nahirapan pati ang computer tech... saka busy talaga sa bukid... ng palay... at ng pakikibaka!

parang si anonymous din na nagsabing alipin ako ni sato... ayaw mag-open sa totoong issue ng lipunan... mahirap din talaga itong maunawaan!