Tuesday, August 11, 2009

isa na namang pakikipagtunggali...

muli na namang nagparamdam ang pitkin petroleum limited sa mga pamayanan ng katutubo... ito ay para sa free and prior inform consent (fpic) na kailangan nila para makahakbang ng tuloy-tuloy sa oil exploration dito sa occ. mindoro.

nakakalungkot isipin na ang ncip na siyang dapat na nangangalaga sa kapakanan ng mga mangyan ang siya pang ginagamit upang linlangin, dayain, lituhin, bulabugin at pag-hiwalayin ang maayos na relasyon ng mga katutubo...

noong una pa man na nagsagawa ng pagpapamalay ang mag-asawang agravante sa mga pamayanan na dadaanan ng magneto-telluric (mt) survey ay kasama na ang mga katutubo sa masidhing nagpapahayag ng pagtutol sa proyektong ito... pero, katulad ng nangyari sa kabila ng lahat naisagawa pa rin ang mt survey sa 85% ng kanilang target area...

ngayon muli na namang nagtakda ang ncip ng mga araw ng pagdinig sa mga katutubo... subalit mukhang isa na naman itong moro-moro... magtatakda subalit hindi itutuloy upang lituhin ang mga lider na tutol sa proyekto... kung puro alipores nila ang present... makatitiyak sila na papabor sa kanila ang ihip ng hangin...

matuto sana ang sambayanan sa mga pangyayaring ito... ang mga lider na pinagkatiwalaan natin nang ating banal na boto... ang siyang nagsilbing hudas sa sambayanang mindoreƱo...

No comments: