Thursday, May 22, 2008

Bakit hindi mapigil ang mga tao sa paghuli ng mga endangered species kahit ipinagbabawal na ito?

Narito ang ilang mga halimbawa ng endangered species:
Sa Karagatan
· Butanding o whale shark
· Pawikan at iba pa
· Dugong
Sa Kagubatan
· Tamaraw
· Mga halamang ligaw (dapo at iba pang kauri nito) mga puno at mga organismo
· Baboydamo
Sa Kapatagan
· Native na hito
· Native na kuhol
· Native na Igat
· Native na gulay
Sa Himpapawid
· Agila
· Kilyawan
· Lawin

Mga ugat ng kawalan ng pakialam ng mga tao:
· Laganap na kahirapan
· Walang mapagkakitaan
· Walang opurtinidad

Mas binibigyang pansin ng mga mahihirap ang pagkaing dadalhin sa kanilang hapag, kaysa sa mga epektong maidudulot ng pagkawala ng mga Likas na yaman.

Mas mahalaga na mapunuan nila ang kumakalam na sikmura ng minamahal niyang pamilya kaysa sa pagkatakot na baka wala ng bukas na naghihintay sa kanilang mga apo

Papaano makapag-iisip ang isang taong naririndi sa iyak ng mga batang nagugutom?

Paano mo aalagaan ang isang kapaligiran o kalikasan kung ang iyong mismong tinitirhan ay butas-butas at nakagiray?

Bakit ba nagpapatuloy ang kahirapan?

Ang mga mamamayan ay napasok sa isang mapanlinlang na modernisasyong ang namamayani ay ang mga kapitalista.

Saan at paaano ba ito nagsimula?
Sa Agrikultura: ang mga kinagisnang pamamaraan ay napalitan ng makabagong sistema ng pagsasaka na sumira sa mga Likas na yaman. Pumatay sa mga katutubong lahi ng mga ng mga hayop at halaman siyang naging salalayan ng buhay sa matagal na panahon ng ating mga ninuno.

Pinalitan ng mismong pamahalaan natin ng mga programang naging dahilan ng kasalukuyang kahirapan.

Ano ang naging bunga ng paghihirap ng ito?
Ang mga tao ay natutong makipagsapalaran sa pamamagitan ng mga numbers game katulad ng jueteng, at iba pang mga sugal at ang pinakahuli ay ang STL

Paano ba pinalalala ng mga sugal na ito ang kahirapan?
Sa pamilya. P10 piso lang. kung ang barangay ay may 2,000 mananaya x P10.00 = P20,000 sa bawat barangay, kung tayo ay may 11 barangay x 2,000 mananaya x P10.00= P220,000.00 sa isang bayan pa lamang. Ang mga perang ito na dapat ay pinakikinabangan ng ating pamilya… ng ating barangay … ng ating bayan.
Ang perang ito na mula sa bulsa ng mga mananaya ay pwedeng magamit sa pulitika, o mas tamang sabihin na ginagamit talaga itong pondo sa pulitika!

Sa kabila ng nakikitang mga kahirapan at kawalan ng hanapbuhay, ang pamahalaan ay walang mga kongkretong hakbang na ginagawa upang matugunan ang problema ng mga maralita...

No comments: