Wednesday, May 12, 2010

magkaiba nga ba talaga...?

talo ang lahat ng kandidato ng lakas ng pamayanang kristiyano... maliban kay benjamin arroza ng magsaysay... actually sumabit lang... lamang lang ng 7 sa pangsiyam... tama po kayo pang 8 siya...

i am personally very very sad... sabi nila wala kasi silang pera, kaya natalo...

ang sagot ko naman... eh bakit si manny villar!!! hanep ang dami ng perang ginastos... pero ayun talo!

hindi daw sila nadala (inindorso) ng iglesia ni cristo, kaya natalo...

eh bakit si mhar roxas... dala nila, tinalo ni binay... anong nangyari???

sasabihin n'yo sa akin eh national yan tol!!! sa lokal di pwede yan!

si mayor sonia pablo ng rizal... lumaban sa pagka vice-mayor... andaming perang pinakawalan/ginastos... incumbent pa!!! bakit tinalo ni ferdinand arca... kapitan ng adela... kaya para sa akin hindi totoo yun!!!

hindi pa lamang talaga mulat o gising ang kamalayan ng mga mananampalataya... sa kahalagahan ng tamang pagpili ng mamumuno sa ating bayan... mas mahalaga pa rin para sa nakararami ang pansariling kapakinabangan na nakukuha...

wheeew! gaano na ba ang itatagal ng mga naibigay sa inyo?... kapalit ng hagupit na mararanasan ng buong bayan???

omg! magkaiba nga talaga siguro ang lider... may pang-simbahan at may para sa pulitika!!! o baka naman mas namamayani na ngayon ang mga mamamayang nais na sumunod sa nilalaman ng itim na aklat?!?!

mas higit na mararamdaman ngayon... ang totoong hagupit ng latigo ng mga taksil na balimbing!!!

ang bigat ng pasanin ng mga hindi kaanib... grasya para sa kaalyado... disgrasya naman sa mga kalaban!!!

buti na lang ako ang aking ibinoto... ay ang aking minamahal na lolo!!!

3 comments:

Anonymous said...

well, ganyan tlaga.. d matalino ang tao inuuna ang kalam ng sikmura at balewala na ang prinsipyo.. well, respeto nlng desisyon ng taong bayan kasi d mo nmn maibibigay ang kailangan ng kanilang pamilya, sasabihin pa sayo nasasabi mo yan kc hndi mo nranasang sumala ang pagkain ng iyong mga anak at sumakit ang tiyan sa gutom...sa mga balimbing humanda nlng sa balik ng karma.. maghanda ang mga taong nagpapagamit sa impluwensiya at mga taong mapagpasama ng kapwa spagkat hindi kayo magtatagumpay!!

Anonymous said...

yun ngang inindorso ng obispo mo, kulelat sa presidential race...

Alipin ng Lupa said...

kunsabagay, totoo nga siguro ang kasabihan, "na ang taong nagigipit kahit sa patalim kumakapit"... pero ang nakikita ko naman, ang mga taong nagagamit (mas madalas) ay yaong mga mahilig kumita ng pera, pero ayaw namang magpagal...

kakaunti naman yaong talagang biktima ng kanilang kahirapan...

ang mas higit na marami ay ang mga swapang!!!

kulelat nga si jc delos reyes... suntok sa buwan ang kanyang laban!!! mukhang hindi naman talaga totoo na mayroong milagro!!!