Monday, April 12, 2010

virus sa computer...

whew!!! pinasok na naman ng virus ang luma kong computer... miss na miss ko ng magpahayag ng ilang mga kuntil butil na kaisipan tungkol sa halalan...

sa kasalukuyan ang mga pulitiko ay nag-aanimo mga virus na nais pumasok/makapasok sa kaisipan ng mga botante! syempre ito ay upang makuha nila ang tiwala at ang boto ng mga tao...

iba't-ibang mga pamamaraan at diskarte ang makikitang ginagawa ng mga pulitiko... may mga traditional... at karaniwan na rito ay ang bilihan sa iba't ibang antas... alam kong hindi ko na ito kailangang ikwento... talampakan at garapalan naman kasi!!!

ang malinaw na malinaw lang dito sa occidental mindoro... ang virus ng dream at performance ay talamak na talamak... ni hindi makaporma ang mga pulitikong walang pera...

kaya ako... susuporta at mangangampanya sa mga kandidato ng lakas ng pamayanang kristiyano... para sa sangguniang bayan ng rizal... NOEL CALLANTA... sa bayan ng san jose... ROGELIO FALLORINA at JOE VIDAL... sa magsaysay SORIANO, WAGAN, ARROZA, ROSETE at MENDES...

sana po tulungan n'yo kami... mangampanya tayo... para naman magkaroon ng tinig... totoong tinig ang mga mamamayan...

mula sila sa pamayanang kristiyano... doon sila nag-ugat... ang puso at isip nila ay hindi para sa mga partido... kundi para sa pamayanang kristiyano...

sana maging kasama namin kayo!!!

2 comments:

Anonymous said...

bakit di mo sinama sa mga binanggit mo si fr ronnie omanio?
siya ay pari ng pamayanang kristiyano, di ba?

Alipin ng Lupa said...

tama ka siya ay pari ng pamayanang kristiyano... na nag AWOL!!!

sa aking pagkakaalam sa bawat isang pari ay may average na 30 libong mga mananampalatayang katoliko na umaasa sa kanyang paggabay upang makilala at magkaroon ng paggalang sa dakilang Lumikha... iyon ang kanyang iniwan!

madalang at napakahirap ang pinagdadaanan bago magkaroon ng isang pari... papasok lamang pala sa pulitika... nakakalungkot...

ang tungkulin ng isang pari ay maghubog ng mananampalataya upang magkaroon ng isang payapa at maayos na lipunan...

lipunanag pinarurumi ng mga pulitiko...

alin ba ang tama... bigyan mo ng isda ang isang taong walang makain?... o turuan mo siyang manghuli ng isda para meron siyang pagkain...