Thursday, July 2, 2009

salarin ni atty crispin perez, pinangalanan na ng kanyang biyuda...

shocked ang alipin ng lupa sa pangalang binanggit ni ms. irene perez ang naiwang asawa ni atty. crispin perez... sinabi niya on-air sa dzvt- pintig ng bayan na nakaharap na niya ang taong bumaril sa kanyang asawa!!!

positibo niyang itinuro at pinangalanan si PO2 Darwin Quimuyog... na siyang bumaril kay atty. perez... ayon kay ms perez 4 na dangkal lang ang layo niya kay quimuyog noong kausapin nito si perez... at halos 1 dipa lang ng barilin ni quimuyog si atty perez, kaya 100% sure umano siya na ito talaga ang pumatay sa kanyang asawa... at wala daw saksak si perez... bala ng baril ang tumapos sa buhay n'ya...

sana nga matapos na at magkaroon na ng katarungan ang pagkamatay ni perez...

sa calapan city pala naka-detain si quimuyog...

si quimuyog kaya ay manika?... kung manika s'ya... sabihin o aminin kaya niya ang nagsusi sa kanya?... sana hindi magkatotoo ang itinatakbo ng kalahating kusing kong pang-unawa... kasi pulis si darwin quimuyog... PO2... tapos manika palang de-susi???

nakakarimarim!!! sana mali na lang si ms. perez!

7 comments:

Anonymous said...

sana tama si ms perez para mabigyang justice si attorney...

Anonymous said...

sana nga tutuo na c Quimuyog kung cia nga talaga.. pero__________ hay,malalaman yan sa cross examination kay Mrs. Perez, sana hindi minadali lang ang pagtuturo pra may maiharap na pumatay.. bkit paiba-iba ang statement? bakit wla ng saksak? eh ayon sa mga unang reports sinaksak muna db? from pulang motor naging itim? ano ba talaga Mrs. Perez? di kaya sa pagod mo sa pag-eexercise noong oras na yun nagkaroon kn ng HALLUCICINATION?Kawawang QUIMUYOG kung cia gumawa talaga.. TANGA pla! kc gagawa lng my iniwan pang mga ebidensiya, parang hindi pulis!!

Anonymous said...

madami namang pulis na tanga, a...
so, kung sakali, di nakakapagtaka...

anl said...

my point here is that... napakahirap ng situwasyon ng imbestigasyon... hindi mo maialis na magkaroon ng kulay ang lahat ng bagay... kasi yun naman ang totoong kaganapan!

kapag maka-sato ang nagsalita... si jtv ang mastermind ng pagpaslang kay perez!

kapag maka-jtv naman... si sato mismo ang nasa likod ng lahat!

mga puntong hindi mo kayang ipag-walang bahala... for me... may punto ang bawat panig!!!

sa katotohanang ito ng labanang pulitika... kawawa ang mga nasasagasaan... maliit na tuldok lang si quimuyog! ang totoong napagsasamantalahan ay ang taong bayan!!!

kung totoo lang sana ang kwento ni pinocchio... mahaba pa siguro sa tulay ng "pinamanaan" ang ilong ng maraming pulitiko!!!

Anonymous said...

Para kay anonymous.Ung tungkol sa pagbanggit na pula ang motor,Kulay pula naman ang tapalodo ng motor at kulay itim ang body.
Para naman kay ANL. ung tungkol sa kung kaninong kakampi iniu-ugnay si Atty. Perez, hindi natin dapat sa ganun punto tinitingnan ang krimen bagkus suriin natin kung ano ang mga issues na tinitalakay ni Atty.Perez.Maaaring ang kampo ni Sato ang nagbe-benifit sa pambabatikos ni Atty.Dapat natin isa-alang-alang kung wasto ba o hindi ang mga isiniwalat ni Atty sa kanyang programa.Maging mapanuri sana ang mamamayan ng Occ.Mindoro at sana sa darating na halalan.maging matalas at mapanuri na tayo kung sino ang tunay na naglilingkod sa mga tga Occ.Mindoro at hindi ung puro pagpatay ang ina-atupag pra lang patahimikin ang mga kumukundena sa mga patakaran at polisiya na magpapalubog sa mga mamamayan ng Occ.Mindoro sa kumunoy.Maninidigan at Labanan ang pagiging ganid at gahaman sa posisyon pra lang protektahan ang pan-sariling Interes at Negosyo!

Alipin ng Lupa said...

hindi naman kayang pasinungalingan ninuman na si sato ang nakikinabang sa mga komentaryo ni perez... considering na nagtrabaho dati kay jtv si perez...

at hindi mo rin maiaalis sa mga tao na mag-isip na si jtv nga ang "kapural" ng lahat...

pero hindi mo pa rin maipagwawalang-bahala na pwede ring mangyari na tirahin mo ang iyong kakampi para makakuha ka ng atensiyon at simpatiya sa mas marami!!! (battle cry ito ng mga pro-jtv, at sa aking tingin ay posible rin).

anyway, opinion at komento lang talaga... habang wala pang final na resulta ang imbestigasyon...

paano naman kung hindi si jtv o si sato! paano kung may naiinggit kay perez (dahil malapit siya kay sato) at siya ang nagpatumba? ang reason? palitan si perez...

what i mean is... ang krimen ay pwedeng mangyari, sa loob man o sa labas ng bahay ni lolo o ni lola...

Dino said...

let us leave the matter to the forensics, scienfific investigations pero hindi ko alam kung may kakayahan ang Police force tulad ng CSI na TV show. Pero equip naman sana ang SOCO.

It's unfair to assume.
It's not right to judge.

Let's leave it to the police.
Kung may alam kayo sa nangyaring pagpatay, share it to the authorities.

God bless.

Nga pala, bisitahin niyo naman ang :

http://sanjose.ph/features/an-open-letter-june-2009