Friday, July 3, 2009

paano kaya?

paano kaya malalaman ng mga mamamayan kung alin ang tama at mali kung sila ay nakikinig/nagbabasa/nanonood lamang sa mga balita???

medyo kakaiba kasi ang laman ng tri-media sa ngayon... sari-sari ang mga balita at ayon sa mga nagsasalita ay pawang (parang) totoo ang kanilang mga ipinahahayag!

may mga nagsasalita pa nga na sila ang tunay na media at ang iba ay mga kolorum!!!

mayroon ding nagsasabi na wala silang kinikilingan at pinuprotektahan!!!

may nagpapahayag at nagbigay pa ng pangalan nang kanyang mga kakampi (daw), na nasa ibang himpilan... alam kaya ng mga ito na magkakampi nga sila? saan kaya sila magkakampi? o ano at sino kaya ang kanilang pinagkakampihan? ang kaaway/kalaban kaya niya ay kaaway/kalaban din ng mga taong binanggit niya?

kakaiba ang media... pwedeng maging sanhi ng pagbuo o pagwasak ng isang personalidad o maaaring maging nang isang samahan, kooperatiba, kompanya, organisasyon, institusyon....

matuto sana ang tao na maging mapanuri at mapagnilay... sa mga taong mapagkunwari at mapagpaimbabaw!

14 comments:

Anonymous said...

the exact word that Alex del Valle used is" Ang DZVT, hEART FM at RN..SPECIALLY "DZVT" NAGTUTULUNGAN dw kyo,kasama daw nia cna DAISY del VALLE LEANO, NORMAN NOVIO,at REY SAN JOSE nagpapakahirap dw kyo magresearch at magbigay ng time pra magbigay ng impormasyon.. ano yan? JOIN FORCES KYO? nsan ang sinasabing responsible Broadcasting? parang gustong palabasin ni Alex del Valle kaalyado ng himpilan nila ang istasyong kinabibilangan niong TATLO!! nccra credibility ng isang istasyon dhil sa ganyang tao.

Anonymous said...

kumpirmado po pala na ang DZVT ay kakampi talaga ng grupong sato, ayon po kay alex del valle. Hindi po marunong mag sinungaling c alex at pawang totoo lahat ang kanyang mga sinasabi. DZVT ay PRO-SATO po talaga hindi naman po siguro mag sisinungaling c alex napaka ingat nya mag broadcast.

Alipin ng Lupa said...

matatalino na (raw) ang mga tao ngayon!!! kaya alam na ng lahat kung ano at alin ang tama sa kanilang nakikita, nababasa at naririnig!

madali kasi ang magsalita at magtuturo... ang mahirap ay ang pag-determine ng tama at mali!

ang mga judge at guru nga na nagsunog ng kilay sa pag-aaral... magkaminsa'y nalalambungan pa ng ulap... sanhi ng artipisyal na unos na gawa ng mapanira at mga maimpluwensiyang tao... how much more ang mga alipin ng lupa?

as far as i know ang himpilan ng dzvt ay "tinig ng pamayanang kristiyano"... wala pa akong naririnig na iyon ay pag-aari ng partikular na pulitiko!

iisa ang tiyak ng alipin ng lupa si alex del valle ay nagtatrabaho kay sato!

hindi kailanman pupurihin ni satanas si Kristo!

Norman A. Novio said...

Kung ako ay bata (kampi) ni Sato bakit hindi ako magpapakilala at bakit itatago ko ito? Hindi ko kailanman itintago ang aking sarili sa harap ng aking mga kaibigan man o kaaway? Ang tunay na naninindigan ay walang ikinatatakot. Isa pa, hindi ako madaling maniwala kaninuman...

Anonymous said...

very well explained.. so, means to say that ALEX del VALLE is such a LIAR PERSON? the way he delivered that statement is like he's really telling the truth.. anyway, that's nice atleast di kayo nagpapagamit sa pulitiko?mahirap kc pag PROGRAM SUPERVISOR nio kapatid ng sinungaling eh db? magtatakipan yan.. pero dahil iba ka, ciempre d ka pwedeng diktahan db?

Alipin ng Lupa said...

mahirap paniwalain ang mga taong "subjective"... lagi na lamang naikukumpara ang kanyang sarili sa iba...

ang kasalanan ba ni pedro... ay dapat pagdusahan ni maria??

para sa alipin ng lupa... nasa malinis na pamumuhay pa rin ang tunay na kaligtasan!!!

kung hindi man nang katawan... nasa kaluluwa ang katiyakan...

Norman A. Novio said...

And to all loyal political propagandists and all partisan media men in Occidental Mindoro here's a quote from Graham Greene, my favorite writer: "(a journalist)stands for the victims and the victims change. Loyalty confides you to accepted opinions; loyalty forbids you to comprehend sympathetically you dissident fellows; but disloyalty encourages you to roam through any human mind : It gives the novelist (or journalist) an extra dimension of understanding"...

Anonymous said...

hindi mo naman talaga aaminin yan norman. Pro- SATO ang DZVT. Sinasabi nyo lang na tinig ng pamayanang kristiyano kuno. Pero tinig ni SATO at mga kaalyado nito ay nadidinig sa DZVT. At ang tinig ng kalabang pulitiko ay indi madinig sa DZVT. Kahit yung tumakbong pari ay sinira. Yan ba ang tinig ng pamayanang kristyano?

Alipin ng Lupa said...

"kahit yung tumakbong pari ay sinira. Yan ba ang tinig na pamayanang kristiyano?"

i want to say this mr. anonymous! si (fr) ronilo omanio ay tumakbo sa pagka-gobernador ng hindi man lamang nagpaalam sa kanyang superior! meaning... iniwan niya ang parokya ng banal na krus (siya ang parish priest dati), si bishop tony palang ang nagsabi niyan in public!, kung hindi ito totoo... maaari ngang siniraan siya ng dzvt...

as far as i know... as of now si mr omanio ay wala pang ginagawang anumang hakbang o pahayag man lamang kung ano ba ang kanyang (mga) malinaw na dahilan sa pagbakante n'ya sa kanyang pwesto bilang kura paroko ng parokya ng banal na krus...

mahirap kasi ang mamangka sa dalawang ilog... hindi ba mr anonymous?

mr. novio... mukhang sa tono ni anonymous... identified niya kayo na alipores ni sato!!! ;-)

Anonymous said...

kailangan ba na ipaalam sa publiko ang internal arrangement ng simbahan? alam nyo ba lahat ng napag uusapan sa loob ng simbahan at nasabi mo na wala naging hakbang si omanio?

Alipin ng Lupa said...

if i were in that position... or let us see it this way... naniniwala ako na mayroong mga bagay na dapat "internal" lang... lalo na at personal choice mo ang iyong desisyon... igagalang ko yan!
pero hindi ka na dapat pang mag-claim o magtuturo kung sino ang may problema...

ang usapin ba ay alin ang kanyang gusto... manatili ba sa pagiging pari? (patuloy na maglingkod sa simbahan bilang pari) o maglingkod bilang pulitiko! (hindi kasi siya umaalis sa kampo ni villaroza)

dapat magdesisyon/mamili siya ng isa... para makakuha ng maayos na suporta sa masa!

Anonymous said...

"ang usapin ba ay alin ang kanyang gusto... manatili ba sa pagiging pari? (patuloy na maglingkod sa simbahan bilang pari) o maglingkod bilang pulitiko! (hindi kasi siya umaalis sa kampo ni villaroza)"

ibig sabihin ba makakabalik xa sa pagkapari kung aalis sya sa mga villarosa o hindi na muling tatakbo?

villarosa ang nagmalasakit sa kanya.. whatever his choice, it is both for the people.

Ikaw alipin ng lupa at ang inyong himpilan ay sumuporta kay Sato,ano ngyari sa lalawigan? pareho pa din 15yrs ago!

Anonymous said...

("villarosa ang nagmalasakit sa kanya.. whatever his choice, it is both for the people.")

hindi lingid sa lahat kung gaano kabait si bishop... at naririnig ko sa kanyang mga pahayag kung gaano niya kamahal ang kanyang mga pari... halos lahat ng "chrism mass" ay ipinapahayag niya ito.

ang mga parokyano... ang mga masisipag na lider ng pamayanan, na walang sawa sa pagsuporta sa mga pari... (nakita ko kung paano minahal ng tao si (fr) roni) 'nung kura paroko pa siya...

nalulungkot ako sa ganyang pahayag... isa akong katoliko at isa sa "mga" nagmamalasakit at nagmamahal sa mga pari... isa sa "mga" nagtatanggol sa kanila... alam ko kung gaano kahalaga at kung gaano kahirap ang pinagdaraanan bago maging isang ganap na pari... after all those sacrifices... magpupulitiko pa?

mas kailangan nang bayan ang pag-gabay ng isang pari tungo sa isang lipunang namumuhay na may takot sa kasalanan...

correct me if im wrong... katungkulan nang isang pari na gabayan at pukawin ang konsiyensiya ng mananampalataya upang lumakad sa matuwid na landas...

kumbaga... dapat niyang gabayan/hubugin ang tao upang maging mabuti... anuman ang pasukin niyang larangan... pulitika man o kahit anong gawain...

hindi nangangahulugan na kapag nalihis ng landas ang mga pulitiko... ang pari na ang gagawa nito!!!

im just asking... hindi kaya... kaya siya pinagmamalasakitan ay sapagkat lumalakas na ang pagkilos ng simbahan, at hindi ito pumapabor sa mga villaroza?
...just asking...

Anonymous said...

maganda ding suriin ang "pari" mismo... di ba at sila ay nag-aral sa seminaryo? di ba at sila ang nakakaalam sa tinatawag na canon law?
malinaw sa batas ng simbahan na ang pari ay di maaring pumasok sa partisanong pamumulitika. that's plain and simple.
sa mga panahong ito na may isang pari na mukhang nakalimot sa kaniyang pinag-aralan sa seminaryo, sisisihin ba ang simbahan o ang -- sa kaso ni omanio -- pulitikong tumatangkilik sa kaniya ngayon?