Wednesday, March 12, 2008

Ang Genetically Modified Organism o GMO

ang Genetically Modified Organism o GMO ay ang paglikha sa mga halaman o hayop sa laboratoryo sa pamamagitan ng hindi likas na pamamaraan. ito ay ang pagsasama ng genes ng isang species tungo sa isang species na hindi niya kauri upang makamit ang mga ninanais na katangian. halimbawa. ang soil bacterium na bacillus thuringensis na may likas na lason (bt toxin), ang genes nito ay inilagay sa mais (Bt corn) upang hindi mapinsala ng mga mapanirang kulisap tulad ng corn borer. gayundin ang genes ng isda ay inilipat sa kamatis upang mapatagal ang pagiging sariwa... nais kong itutok ang paglalahad na ito partikular sa Bt corn upang madali nating maunawaan.

ang Bt corn ay hindi mapinsala ng mga kulisap dahil sa taglay nitong lason sa katawan. kung sa anggulong ito natin titingnan ay madali tayong mahikayat na magtanim nito. sino nga bang magsasaka ang magnanais na sirain ng peste ang kanyang mga halaman? samantalang ang Bt corn ay ligtas sa peste at hindi ka pa gagamit ng pestisidyo...

palalimin natin ng konti ang isyung ito. kung may lason ang mais na ito samakatuwid hindi ligtas na kainin ang bunga nito! ang sinasabi ng mga transnational corporation ay para lamang daw ito sa animal consumption. ang tanong naman dito eh sino naman ba ang end user ng mga hayop at halamang ito? tao rin ang kakain at maaapektuhan nito. ang pamilyang ating pinag-aalayan ng lahat ng ating mga pangarap at paghihirap ang siyang tiyak na mapapahamak sa bunga ng GMO na ito...

No comments: