Sunday, January 17, 2010

issue ng omeco... at iba pa!

nagkaroon ng omeco summit noong biyernes... tulad ng aking inaasahan sinisisi na naman ang kontrata sa pagitan ng omeco at ipc...

noong nakaraang annual general membership assembly (agma) ay nagkaroon na ng motion para ipawalang bisa ang kontratang ito... pero hanggang sa kasalukuyan... meron pa pala!

pilit na pinagbubuntunan ng sisi ang ipc... ang mga villaroza!!!

naiisip ko... bakit ba sa ipc o sa mga villaroza lang nabubunton ang sala? bakit hindi ko naririnig ang pangalan ng mga taong (bod) nakipagtransaksiyon para pasukin ang kontratang ito?

ibig bang sabihin nito... ipc lang ang may sala?

kung may sala ang mga bod noon para sa kontratang ito na nagkukulong o nakakahadlang para sa pagpasok ng panibagong independent power producer (ipp)... para sa akin simple lang... bod ang nagkasala... bod rin ang makapag-aayos!

kung... gusto may paraan... kung ayaw maraming dahilan!

negosyo ito ng ipc... ang pagprotekta ng presidente (jtv) sa interes ng kanyang kompanya ay inaasahan!

pero por Diyos por santo naman kapitan jose tapales villaroza... kung tunay kang lingkod ng bayan... kusa mo ng alisin ang kontrata sa ipc na wala namang pakinabang!

No comments: