Tuesday, September 22, 2009

endorsement na hinihingi ng pitkin...

sa regular session na ginanap sa sangguniang bayan ng san jose, mindoro occidental ngayong araw na ito 22 september 2009, ay tinalakay ang paghingi ng pitkin ng endorsement sa kanila upang makapagsagawa ng 2 dimensional seismic survey...

base sa talakayan ng mga sb members, malinaw na sinabi umano ni mr. pangilinan ng department of energy at ni mrs. aggravante ng pitkin(sa committee hearing) na hindi naman talaga required na magpaalam pa sila or hindi naman talaga kailangan ang sb endorsement para sila makapag-operate... kaya iyon ang naging tuntungan ng mga sb upang hindi magbigay ng endorsement...

mababaw na tuntungan... pero sapat na upang ang mga advocates ng kontra mina ay muling magsampa ng kaukulang dokumento/papeles... upang impluwensiyahan ang local government unit (lgu) ng san jose na magpasa ng 25 years moratorium ordinance kontra mina... (large scale, including oil and gas) upang matahimik na ang pamayanang kristiyano...

sana ay magpatuloy ang pakikisangkot at pakikiisa ng lahat ng nagmamalasakit sa kalikasan... mawala sana ang takot... mawala na sana ang divisive na pamumulitika!

makapagpalutang sana ang mga pamayanang kristiyano ng tunay na mga lider mula sa kanilang hanay... upang makamit naman ang kinasasabikang tunay na pagkalinga mula sa pamahalaan!!!

para kang naglagay ng kakawate sa iyong bukid, upang solusyunan ang problema sa caseworm... hindi ka dapat tumigil at maging kampante... kailangan mo pa ring maging mapanuri at muling kumilos

<

No comments: