Wednesday, October 17, 2012
Lupang Hinirang...
Ngayon ko lang naisipan na muling magsulat/magkwento/magsalaysay...basta!
Ang minamahal kong lupa, ay patuloy na nadudurog...
Patuloy na nilalason...
Patuloy na pinakakain ng mga kemikal...
Patuloy at unti-unting pinapatay...
Minsan sa aking paglalakad... pamamasyal sa isang bukirin...
Nakita at nakausap ko ang isang magsasakang nag-ispray ng insecticide sa halamang kanyang tanim. Dala ng aking pagiging usisero ay tinanong ko siya kung bakit niya ito ginagawa. Sinagot niya ako ng pasimple,"Syempre para ako umani!" Bakit naman gusto mong umani? "S'yempre para mayroon akong maibenta at magkaroon ng pera." Bakit naman gusto mong magkapera? " Para sa aking pamilya... para makapag-aral ang mga anak ko... para makakain sila ng tama at makatapos ng pag-aaral." Wow! mataas at maganda pala ang pangarap mo... "Oo naman! para sa kanila ang lahat ng aking pagsisikap!" Talagang mahal na mahal mo ang iyong pamilya? " S'yempre lahat ay gagawin ko para sa kanila!"
Madalas ay ganito ang tipikal na kwento ng buhay ng 80% ng mga mamamayan ng ating bansa, (nasabi ko ito kasi majority ng mga Pilipino ay magsasaka). Lahat ay gagawin para sa pamilya. At ito rin ang pinaniniwalaan ko. Kahit naman hindi magsasaka. Maliit lamang ang porsiyento ng mga hindi nag-iintindi ng kanilang pamilya.
Ang punto ko lamang ay ito... kung sadyang mahal natin ang ating pamilya, bakit kailangan nating lagyan ng lason (insecticide, pesticide at iba pang kauri nito) ang mga halaman na ating itinatanim?... sino ba ang pangunahing kumakain nito, hindi ba't ang minamahal nating pamilya?... na pinag-aalayan natin ng ating mga pinaghirapan?... kung sadyang mahal natin sila... hindi ba marapat lamang na ingatan natin ang kanilang buhay?... Alam naman ng mga magsasaka na lason ang inilalagay nila sa mga halaman pero bakit ginagamit o inilalagay pa rin nila?
Ang kwentong ito ay tulad din ng kwento ng ating lipunan, pulitika, ekonomiya, kultura, espiritwal at kalikasan... sa pulitika halimbawa. Alam na alam nating lahat ang kasaysayang pulitikal sa ating paligid... pero bakit sila pa rin ang panalo?... sila pa rin ang mga nakpwesto? ... mula noon hanggang ngayon... katulad sila ng mga insecticide, pesticide at iba pang mga kemikal na nakasasama sa lahat...
Sa kasalukuyan ay hindi na tinitingnan ng mas nakararami kung ano ang kahihinatnan sa dakong huli... ang mahalaga ay ang kasalukuyan... bahala na bukas!!!???
Ang lahat ng bagay ay nagmula sa lupa... walang anuman o sinuman na hindi nagmula sa lupa... sa bawat pagpatak ng kemikal sa mga halaman ay lason ding pumapatak sa lupa! Lupang mayroong angking buhay... lupa na siyang pinagmumulan ng lahat...
kailan kaya magmamalasakit ang mamamayan sa aking lupang hinirang?
Tuesday, January 18, 2011
ang aking kalumbayan...
punumpuno ako ng lumbay at hilahil sa aking kasalukuyang kinalalagyan...
narito ang aking kwento...
mayroong isang negosyanteng nakaupo sa kanyang silyang tumba-tumba sa rooftop ng isang anim na palapag na gusali na kanyang pag-aari... tangan sa isang kamay ang isang mamahaling sigarilyo na may sindi... pagkalipas ng ilang malalalim na hitit at buga ay ipinatong ito sa babasaging ashtray na nakapatong sa gilid ng pader ng kanyang gusali... sa pagkakataong iyon ay umihip ang hanging amihan na medyo may kalakasan at tinangay ang umuusok pang sigarilyo...
sigarilyong tumama naman sa mukha ng isang manggagawang nag-aayos ng billboard sa labas ng ikalimang palapag... dahil sa kanyang pagkagulat at pagkapaso ng mukha sa titis ng sigarilyo ay nabitiwan niya ang hawak na martilyo at bumulusok ito pababa...
walang kamalay-malay ang isang estudyanteng naglalakad sa bangketa... tumama sa kanyang ulo ang nahulog na martilyo... dahil sa tindi ng kanyang tama ay sumusuray at napahandusay sa gitna ng kalye...
nagkataon namang may paparating na isang bus na puno ng pasahero... dahil sa medyo may kabilisan ang takbo ng bus at bigla ang pagsulpot ng batang tinamaan ng martilyo... nabigla ang driver... kinabig ang manibela... ang bus ay tumakbo sa rampa at napasok sa isang bangko...
sambulat ang mga salamin sa pagbangga ng bus sa babasaging pinto... nagulat ang mga armadong guwardiya... agad na nagpaputok ng walang lubay dahil sa pag-aakalang holdaper ang laman ng bus... ilang saglit lamang walang buhay na naiwan sa mga pasahero...
dahil sa pangyayaring iyon... hindi na nawala ang aking pighati... sino ba ang may kasalanan?
sa kasalukuyan... ganito ang takbo ng ating lipunan... magulo, masalimuot... hindi mo malaman sino ang may kasalanan at sino ang nagsasabi ng tama...
kailan kaya tayo magigising sa katotohanan...

Wednesday, November 10, 2010
kaya pala...
matagal na panahon na hindi ko lubos maisip, kung bakit gumagastos ang mga kandidato ng malaking halaga sa tuwing magkakaroon ng halalan... halimbawa... ang isang karaniwang kagawad sa aming barangay ay gumagastos ng mula P40,000 hanggang mahigit P100,000 (depende sa kakayahan ng kandidato)... samantalang ang honorarium ay mahigit P7,000 lamang kada buwan! di ko talaga ito mai-magine before...
pero ngayon... medyo nakakarinig na ako ng mga balita, mula sa mga kaalyado mismo ni sir... at ni ma'am... 19-19 ang score ngayon ng kanilang mga kapitan na nanalo sa nakalipas na halalan... entonses... para makuha nila ang chairmanship sa association of bgry. captain... kailangan nilang manligaw para makakuha ng dagdag na boto pabor sa kanilang "manok"!!! mayroon pa nga na kapitan na ang asking price para sa kanyang boto ay P100,000...
kahit pala gumastos ka ng sariling pera... sa isang iglap... kakaupo mo pa lang bawi na!!!
kaya pala... malaki at madali ang pera sa pulitika... kailangan mo nga lang ng tapang ng hiya at kapal ng mukha!!!

Friday, June 18, 2010
bagong mga pinuno...bagong pag-asa...
non-working holiday sa june 30... muling maitatala sa dahon ng ating kasaysayan ang panunumpa ng mga bagong halal na nagwagi sa nakalipas na automated election...
syempre hindi lahat ng ating mga napili/ibinoto ay nanalo... sa totoo lang... sa local post... karamihan sa mga ibinoto ko talo!!! tsk tsk!
pero hindi ito ang motibo ng panulat ko ngayon... mas nais ko na ipokus ang usapin sa pangkalahatan... sa pagkakapanalo ni noynoy at ni binay, sa aking pagtingin ay mababanaag ang malaking pag-asa na sa pamamagitan ng 2 ito may pag-asa pa ang pinas... nakamarka kasi sa utak ng mga tao ang naging kampanya ni noynoy na "hindi siya magnanakaw"! kay binay naman, ay ang iniisip pa lang ng iba "ginagawa na namin sa makati"! very hopefull ang mga tao na may pag-asa pa tayo... may pag-asa pa tayong lumaya sa malawakang korapsyon na nagpapahirap sa ating bayan!!! pero naniniwala rin ako na kung hindi magbabantay ang sambayanan ay wala ring mangyayari anuman ang sidhi at tino ng isang namumuno... in short, nasa atin pa ring mga kamay ang ikatatagumpay ng paglaban sa korapsyon... patuloy tayong magmatyag at kumilos!!!
kahit na hindi natin kaalyado o kursunada ang mga nanalo sa ating mga lugar... bigyan natin sila ng tsansa... pagkakataon... iwasan muna ang sobrang pulitikahan... tulong-tulong muna... alang-alang sa bayan!!!
ang tuta ng mga pulitiko... sana lang bawasan ang masamang tahol... sumuporta muna tayo... pero sa matinong gawa lang!!! uulitin ko SA MATINONG GAWA LANG!!!
naniniwala ako na may uusbong na bagong pag-asa... sa ating mga bagong pinuno!!!

Wednesday, May 12, 2010
magkaiba nga ba talaga...?
talo ang lahat ng kandidato ng lakas ng pamayanang kristiyano... maliban kay benjamin arroza ng magsaysay... actually sumabit lang... lamang lang ng 7 sa pangsiyam... tama po kayo pang 8 siya...
i am personally very very sad... sabi nila wala kasi silang pera, kaya natalo...
ang sagot ko naman... eh bakit si manny villar!!! hanep ang dami ng perang ginastos... pero ayun talo!
hindi daw sila nadala (inindorso) ng iglesia ni cristo, kaya natalo...
eh bakit si mhar roxas... dala nila, tinalo ni binay... anong nangyari???
sasabihin n'yo sa akin eh national yan tol!!! sa lokal di pwede yan!
si mayor sonia pablo ng rizal... lumaban sa pagka vice-mayor... andaming perang pinakawalan/ginastos... incumbent pa!!! bakit tinalo ni ferdinand arca... kapitan ng adela... kaya para sa akin hindi totoo yun!!!
hindi pa lamang talaga mulat o gising ang kamalayan ng mga mananampalataya... sa kahalagahan ng tamang pagpili ng mamumuno sa ating bayan... mas mahalaga pa rin para sa nakararami ang pansariling kapakinabangan na nakukuha...
wheeew! gaano na ba ang itatagal ng mga naibigay sa inyo?... kapalit ng hagupit na mararanasan ng buong bayan???
omg! magkaiba nga talaga siguro ang lider... may pang-simbahan at may para sa pulitika!!! o baka naman mas namamayani na ngayon ang mga mamamayang nais na sumunod sa nilalaman ng itim na aklat?!?!
mas higit na mararamdaman ngayon... ang totoong hagupit ng latigo ng mga taksil na balimbing!!!
ang bigat ng pasanin ng mga hindi kaanib... grasya para sa kaalyado... disgrasya naman sa mga kalaban!!!
buti na lang ako ang aking ibinoto... ay ang aking minamahal na lolo!!!

Thursday, May 6, 2010
inc endorsement...
inilabas na ng iglesia ni cristo ang kanilang listahan... ng mga kandidatong kanilang sinusuportahan sa halalan sa mayo 10...
paano kaya ito pinipili?
just asking!!!
kasi if i remember right... limang beses na akong nanonood/nakikinig ng provincial board member session... at ni minsan sa aking panonood/pakikinig ay ni hindi ko narinig/nakita na tumayo at nagsalita o sumali sa deliberasyon ng mga usapin/isyu si bokal nathan cruz at si bokal sonny pablo... ang nasa isip ko nga noon parang sayang naman ang honorarium na ibinibigay sa mga ito...
tapos ngayon ini-endorse ng iglesia ni cristo??? por Diyos por santo naman... ano po ba ang inyong pinagbasehan???
pakiusap pwede po bang malaman???
kung kapanipaniwala... iboboto ko rin sila...

Thursday, April 29, 2010
dahil nga ba sa paglilingkod???
nais kong iparating ang aking malalim na pagtataka sa ilang mga aspiranteng kumakandidato sa kasalukuyan... totoo nga ba talagang nais nilang maglingkod???
nais kong magbigay ng ilang mga pangalan bilang halimbawa...
nathan garcia, aspirante bilang board member ng district 2... as far as i know this gentleman... isa lamang siyang karaniwang tao na nagtrabaho bilang driver(?)... ng mga heavy equipment... napangasawa ni engr. lacap... naging sub-contractor ng jomarias international corporation (jic)... at balita ko kumita ng maganda at nagkapera...
mariboy ysibido, una siyang tumakbo sa pulitika ang tinarget ay sangguniang bayan member ng san jose (natalo nga lang), sa kasalukuyan kagawad siya ng barangay bubog... host ng programang "tapatan" sa bambi fm... aspirante rin bilang board member ng district 2...
kaya ako nagtatanong kung totoo nga ba na... nais nilang maglingkod?
ano ang pumasok sa kanilang kukote at pinasok nila (kaagad) ang pwesto bilang board member???
for me, meron lamang isang p'wersa... na nagbibigay ng atas... nagmomonopolya... kung sino at saan ka tatakbo...
ang dalawa kasing ito na aking binanggit ay kapwa kumita sa tulong... ng mag-asawang villarosa...
alam ko na mabuti silang tao... ang tanong ko nga lang... kaya ba sila kumakandidato ay dahil sa nais nilang maglingkod???
o sila ay mga tapat lamang na taga-sunod!!!

Subscribe to:
Posts (Atom)