Wednesday, March 24, 2010

pansamantalang tagumpay...?

nakinig ako kahapon ng chrism mass sa himpilan ng dzvt... narinig ko ang pahayag ng obispo (tony palang) tungkol sa pagsuspende ng oil exploration ng gobernadora(may sulat daw sa kanya)... ang dahilan? nagkakaroon na ng di pagkakasundo, pagkakasakitan at walang sapat o kaukulang papeles ang pitkin petroleum limited, para sa kanilang oil & gas exploration! sinungaling talaga itong mag-asawang aggravante!!! sabi nila noon meron.

matagal na itong hinaing ng mga pamayanang kristiyano... at sa wakas pinansin din ni sato!!!

maaaring isa lamang itong pansamantalang tagumpay ng mga kontra sa pagmimina. subalit ang mahalaga rito ay ang pagpapakita ng paninindigan at ang paggamit ng mga karapatan.

kalakip rin sa panawagan ng obispo na lalong pag-ibayuhin ang pagmamatyag ng mga mananampalataya, upang hindi tayo malusutang muli ng mga lilo at sinungaling na ating bayan ay nanghahaling...

ang free prior and inform consent na dapat ay hawak nila (pitkin) mula sa national commission on indigenous people (ncip) ay hindi nila naidadaan sa tamang proseso... sinabi kong hindi tama ang dinaanan nilang proseso sapagkat; una, gumamit sila ng impluwensiya mula sa matataas na lider; ikalawa, gumamit sila ng salapi na naging dahilan ng pagpayag ng ilan sa mga katutubo; ikatlo, may halong pananakot at pagbabanta ang ilan sa mga pro-pitkin na nagdulot ng pangamba sa mga mangyan!

ang ncip ang sinisisi ni aggravante sa kabagalan nitong magtrabaho... gayunpaman... wala pa rin silang clearance to explore... di naman pwede na verbal lamang na pagpayag papasok ka na... mabuti na lamang at marami pa ring mahuhusay na lider na patuloy at hindi isinuko ang kanilang prinsipyo... ipinagpatuloy ang pakikibaka para protektahan ang kanilang lupaing ninuno. mabuhay kayo!!!

sabi nila nabayaran daw ang ilang mga lider kaya pumayag sa mining... kaya tahimik sila kasi nabayaran na...

ang npa kaya nabayaran din? kasi tahimik lang sila... just asking!!

Thursday, March 18, 2010

walang katiyakan...

pumapasok na sa lupaing ninuno (ancestral domain) ang pitkin petrolium limited para sa kanilang 2dimentional seismic survey (drilling & blasting)...

litaw na litaw ang kasinungalingan na mag-asawang aggravante... bakit? nung bago pa lamang sila nagpapamalay (information education campaign) sa mga lugar na sasakupin/madadaanan ng oil and gas exploration ay hindi raw sila papasok sa nasasakupan ng lupaing ninuno... igagalang nila ang karapatan ng mga tao kung hindi ito papayag... hindi naman pala ito totoo... mga sinungaling!!!

nalulungkot ako sa mga nangyayari... gumamit na sila ng pera... binayaran ang ilang mga katutubo... sumama na sa kanila si fausto noveloso at eddie pelegrina... ito ang mga lider na ginagamit nila upang magbigay ng pera sa kanilang mga katribu... nakakalungkot... nahahati na ang tribu... dahil sa mga demonyong bumaba sa lupa... at nag-anyong banal!!!