Thursday, January 28, 2010

hindi naging welcome sa ipil ilin?

nagbrodkas na naman sa bambi fm si "kamandag" boy gardoza...

patungkol sa nangyari sa barangay ipil, isla ng ilin... binastos "daw" ng kapitana ang performance team?

for Diyos por Santo!!! napakagaling talaga ng mamang ito!!!

ayon lang sa aking kakatiting na pang-unawa... kung ang "affair" na iyon ay para sa dream team... at nag-gate crash ang performance team... sino ang nambastos???

pero sa aking narinig... ang tunay na bastos? si boy gardoza!!! magaling na taga-tahol... mana sa amo niyang si jose tapales villaroza!

pare-pareho na kayo!!!

Tuesday, January 19, 2010

maraming jayson at marlyn...

eksaktong 60 araw mula ng mapatay ang anak ni usec ebarle... nahuli si jayson ivler (suspek sa pagpatay) sa mismong bahay ng kanyang ina na si marlene aguilar... kung ating matatandaan itinanggi na noong una ni marlene na hindi niya alam kung nasaaan ang anak... dalawang beses na ring ni-raid ng nbi ang kanilang tahanan, subalit bigo ang otoridad. hanggang sa may isang malapit na kaibigan ng mga aguilar di-umano ang nagsumbong sa nbi na posibong naroon nga o doon nga nagtatago si jayson ivler.

kahanga-hanga talaga ang kadakilaan ng pagmamahal ng isang ina... walang limitasyon... batid ni marlene na kung ituturo niya si jayson ay huhulihin ito at ikukulong... malalayo ito sa kanyang piling! kahit pa nga alam niyang mali at labag sa batas ang kanyang ginagawa... hindi niya papayagan (hangga't maaari) ang kanyang anak na mawalay sa kanya!

si jayson naman... sa kabila ng matinding pagmamahal na iniukol ng kanyang ina ay hindi pa rin pinahalagahan... sariling kagustuhan pa rin ang ginagawa... ibang kaisipan ang naging pundasyon... kanya lamang ang tama! hindi naiisip kung makakasama ba ito o makapagdudulot ng sama ng loob sa kanyang ina...

sa ating kasalukuyang panahon ay maraming marlene... kahit na alam ng mali ang ang kanilang anak... ama... ina... kapatid... kamag-anak... lolo... lola... ninong... ninang... ay pikit mata pa rin itong pinagtatakpan! (mga botante silang sunud-sunuran sa kanilang mga among pulitiko... kahit batid nilang tiwali at masama ang naging pamamahala nito)

si jayson ay parang mga pulitikong nailuklok sa kapangyarihan, dahil sa boto ng pagmamahal na ipinagkatiwala ng kanyang inang si marlene... mas madalas na abusuhin ang kabaitan sa halip na palitan ng ganap na paglilingkod ang mamamayan...

pinagnanakawan ang bayan sa halip na ito ay paglingkuran!!!

Monday, January 18, 2010

pahayag... pagpuri... pananalita...

pahayag... isa itong salaysay na sinasabi ng tagapagsalita ayon sa kanyang pagkaunawa sa mga pangyayari o sa mga bagay na kanyang nakita...

papuri... sinasabi ito ng tagapagsalita upang ipahayag o iparating ang kasiyahan sa mga nagawang maganda o mahusay...

pananalita... ginagawa ito upang maunawaan ang tagapagsalita sa kanyang nais ihayag...

pahayag, pagpuri, pananalita! sandata ng mga pulitiko! ginagamit upang buuin o wasakin ang kakampi o kalaban!

madalas na inaabuso ng mga bayarang "media person"... ang kanilang pahayag, papuri at pananalita... ay ayon sa kagustuhan ng kapitalista... na kalimitan ay mga pulitiko! mas maganda mas mahal... mas malaki ang kikitain o kinikita...

edge ito ng mga may pera!

panlinlang sa mga kapos sa kaalaman... matuto sana tayo, mga kababayan! upang hindi tayo maging bulag at maging sunud-sunura...

Sunday, January 17, 2010

issue ng omeco... at iba pa!

nagkaroon ng omeco summit noong biyernes... tulad ng aking inaasahan sinisisi na naman ang kontrata sa pagitan ng omeco at ipc...

noong nakaraang annual general membership assembly (agma) ay nagkaroon na ng motion para ipawalang bisa ang kontratang ito... pero hanggang sa kasalukuyan... meron pa pala!

pilit na pinagbubuntunan ng sisi ang ipc... ang mga villaroza!!!

naiisip ko... bakit ba sa ipc o sa mga villaroza lang nabubunton ang sala? bakit hindi ko naririnig ang pangalan ng mga taong (bod) nakipagtransaksiyon para pasukin ang kontratang ito?

ibig bang sabihin nito... ipc lang ang may sala?

kung may sala ang mga bod noon para sa kontratang ito na nagkukulong o nakakahadlang para sa pagpasok ng panibagong independent power producer (ipp)... para sa akin simple lang... bod ang nagkasala... bod rin ang makapag-aayos!

kung... gusto may paraan... kung ayaw maraming dahilan!

negosyo ito ng ipc... ang pagprotekta ng presidente (jtv) sa interes ng kanyang kompanya ay inaasahan!

pero por Diyos por santo naman kapitan jose tapales villaroza... kung tunay kang lingkod ng bayan... kusa mo ng alisin ang kontrata sa ipc na wala namang pakinabang!

Tuesday, January 12, 2010

sino nga ba ang tunay?

hindi pa man nagsisimula ang campaign period... ang mga pulitiko at ang kanilang mga alipores ay halos wala ng pahinga sa kanilang pangangampanya!!!

ang tinutukoy ko ay ang dalawang grupong political sa occidental mindoro, ang dream at performance team... ni sato at jtv! kanya-kanya na sila sa kanilang mga propaganda... tarpauline... organizing... at ang malungkot pa rin... gamit nila ang kanilang sariling mga radyo... siraan ng siraan... nagbabatuhan ng akusasyon...

kung magsipagsalita parang wala silang mga nagawang kasalanan!

naaawa lang ako kay jtv... bakit? kasi sa dami ng kanyang mga bayaran... mga tauhang binabayaran para (tumahol) purihin siya... ay kinakailangan pang siya ang tuwirang magsalita para sabihin "on air" ang sinasabi niyang mga kabulukan ni sato!

nag-iisip lang ako! bakit siya??? bakit hindi ang kanyang mga (tuta) tauhan? ang pumapasok tuloy sa kalahating kusing kong pang-unawa... na kaya siya ang gumagawa nito... kasi "untouchable" siya! napawalang sala nga siya sa hatol ng korte na double life di ba?

kaya nga lang hindi bagay sa isang matalino at mahusay (ayon na rin sa kanya) na tulad ni jtv ang bumaba at mag-asal kanto, para lamang siraan? o ilaglag ang kanyang mga kalaban!

haaaaay buhay! kailan kaya magkakaroon ng malusog at tamang pamumulitika dito sa occ. mindoro!

nakakapanghinayang ang mga matatalinong tao na sana'y umuugit at nakapagbibigay ng magagandang halimbawa ng kagandahang asal sa ating mga kabataang "listener", ay nagpaparinig ng tuwirang kabastusan!!!

nakakasawa na... wala na... kung hindi matututo ang tao... patuloy na mananaig ang lakas ng "dyablo"...