Monday, October 5, 2009

nakakalula...

maraming pagkakataon na aking nakita at nasaksihan ang mga natural na kalamidad na nangyari dito sa pilipinas... maraming mga buhay at kabuhayan ang naibuwis at nasalanta! taun-taon ay may mga ganitong pangyayari! tama kayo hindi na ito bago sa mga pilipino!!! marami kaming mga magsasaka ang nakakaranas ng ganitong mga paglubog sa baha... pagkasira ng mga pananim na palay, mais at iba't-ibang uri ng halaman!!! actually mukhang nakasanayan na ito... maging ng mga local officials...

kapag umulan ng malakas... babaha... masisira ang mga pananim..... ang pamahalaan... mag-aallocate ng pondo para sa binhi... ang reason ay upang muling makapagtanim!!! ito ang karaniwang cycle na buhay ng mga magsasaka... the question is... paano ang mga ginastos? ang kapital ng mga magsasaka na nawala? karaniwan na, na ang mga perang ito ay inutang lamang ng mga magsasaka sa mga usurero... sa mataas na patubo!

kung hindi mababago ang trend na ito... saan pupulutin ang mga magsasaka, pagdating ng panahon? marami na sa mga ito ang iniwan ang kanilang mga bukirin at nakipagsapalaran sa lungsod ng maynila... karamihan sa kanila ay nakatira sa squatters area... sa mga tabing ilog... sa mga baybaying dagat... sa ilalim ng mga tulay... sa tabing riles ng tren... sa silong ng mga gusali... sa silong ng mga puno... nagbabakasasakali... hindi tiyak ang buhay na tinatahak... kadalasan dahil sa kagipitan, dala ng pangangailangan... nagiging problema ng lipunan!

balik tayo sa bukid... sa mga magsasaka... maraming kapital ang sinasabing para sa mga magsasaka... kaya lamang bakit napupunta lamang ang mga ito sa pansamantalang tulong??? subsidy sa binhi... subsidy sa fertilizer at ilang mga maliliit na mga pansamantalang tulong lamang?

milyun-milyon ang nagagastos ng gobyerno para dito... ito ang mas pinag-uukulan nila ng pansin at panahon... mahirap kasing i-trace ang mga ito kung naibigay ba talaga itong "lahat" sa mga magsasaka!!!

nakakalula... nakakalulang isipin ang mabilis na pagbulusok ng bilang mga magsasakang maralita...

kung hindi magkakaroon ng tunay na boses at tunay na lingkod ng bayan ang ating pamahalaan... patuloy na maghihikahos ang sinasabi nilang "backbone" ng ating lipunan!!!

6 comments:

mANGyan TRADEr said...

"Gulugod ng Lipunan" na dapat ay priority ng pamahalaan sa lahat ng programa at proyekto nito. kung! totoo? ang liderato ng gobyerno sa kanyang layunin ng paunlarin ang bayan. ang chain effect nito pag progresibo at maunlad ang Kabukiran uunlad din ang bayan at si Juan dela Cruz...

Alipin ng Lupa said...

sa akin nga pong point of view ay "mukhang sinasadya" ng "ibang pulitiko" na mapigil ang pag-unlad ng mga magsasaka. bakit? madali kasing maakit ng "pagkain" ang isang "asong" gutom!

Anonymous said...

aba, alipin ng lupa, marxistang pananaw yan -- ang tingnan ang lipunan sa perspektibo ng di matapos-tapos na tunggalian...

Alipin ng Lupa said...

mahirap kasing magbulag-bulagan... mahirap pasinungalingan... ang naghuhumindig na katotohanan!

sa pilipinas? hindi ganap na umiiral ang demokratikong lipunan!

Anonymous said...

kung di umiiral ang demokrasya, puwede nang isulong ang armadong pakikibakan upang panigan ang mga "disadvantage" sa lipunan?

Alipin ng Lupa said...

pinaniniwalaan ko pa rin na hindi kayang itama ng mali ang isang pagkakamali...

ang rebolusyon ay maraming antas... at napatunayan na rin na kayang magtagumpay ang paraang mapayapa...

mas madalas kaysa sa hindi... iba ang paniniwala ni juan kay pedro... kahit na pareho silang disipulo... o alagad ni KRISTO!