Wednesday, December 31, 2008

Aking Dalangin...

muli na namang sumapit ang isang panibagong taon...

ang pagsalubong sa hinaharap ay isinasagawa ng marami sa pamamagitan ng mga panalangin... paghahanda ng iba't-ibang kakanin at mga prutas na bilog... may mga "amulet" ... mga paputok pantanggal (daw) ng malas... at iba't-iba pang mga pamahiin na kung magkaminsan ay mas higit pa nating napag-uukulan ng pansin...

gagawin ang lahat ng pamamaraan para lang makasunod sa mga pamahiin o kasabihan...

ang aking dalangin sa taong ito... sana ang pagtugon ng bawat indibidwal sa tawag ng kanyang misyon, sa pag-aadbokasiya, para sa kagalingan ng nakararami ay maging parang binhi ng palay, na tumutubo at namumunga sa pagkatao ng mga mananampalataya...

matugunan nawa natin ang hamon ng panahon ngayong 2009... amen

Thursday, December 18, 2008

kayang paikutin...


bago sa aking pang-unawa ang nangyayari sa Occidental Mindoro Electric Cooperative (OMECO). nakapagdesisyon na ang mga BODs nito na P8,000.00 lamang na cash gift ang kayang ibigay ng kooperatiba sanhi ng katatayuang pinansiyal... nabuo ang desisyon noong december 9,2008...

sa hindi ko malamang kadahilanan... nagkaroon muli ng meeting na ginanap kahapon december 18,2008... ang agenda ay ang pagbibigay ng 14th month pay sa mga empleyado. tulad ng inaasahan... makakatanggap silang (mga empleyado) lahat nito. s'yempre pa ang pambayad sa NAPOCOR ang nabawasan sa pangyayaring ito...

nakakalungkot isipin na ang ating mga BODs ng OMECO ay sunud-sunuran sa kagustuhan ng kanilang general manager...

nakakahiya na kaya silang paikutin...

hindi kaya nahahamon ang kanilang kakayahang mag-isip?

ang kanilang kakayahang magpasya?

nasaan na ang kanilang prinsipyo?

ang lahat ba ng ito ay may katapat na salapi???

Wednesday, December 17, 2008

kaginhawahan at kahirapan, dapat pasalamatan...

sa panahon ng kasaganaan... halos wala tayong pagsidlan ng tuwa... maligaya at tunay na napakasarap ng buhay... sana ang panahong ito'y wala ng wakas!

sobrang kahirapan ang laging naisasangkalan (idinadahilan) sa maraming mga pagkakataon, kapag ang tao ay nakagagawa ng mga kamalian... mayroon pa ngang minumura at sinisisi ang Diyos... bakit Mo ako pinarurusahan ng ganito? ano ba ang kasalanan ko sa Iyo?

ganito rin ang naranasan at sinabi ni Job sa panahon ng mga pagsubok sa kanya... hindi siya sumuko... hindi nabawasan ang kanyang paniniwala at pananampalataya sa Ama... nalampasan n'ya ang lahat at nabalik muli sa kanya ang mga nawala ng mas higit pa sa dati... sinabi niya na ang kaginhawahan at kahirapan ay dapat pasalamatan.

pinili ni Job na magpakahirap upang sundin ang kalooban ng Diyos... tama 'yun!

pero kung kaya ikaw ay naghihirap dahil may mga taong umaagaw ng kabuhayang dapat ay para sa iyo... ibang usapan na 'yan!

kung ikaw ay nagpapakahirap para sa ikalulugod ng Diyos! ayos 'yan!

pero kung kaya ikaw ay nagpapakahirap dahil gusto mong malugod sa iyo ang dinidiyos mong TAO!!! ibang usapan na iyan...

Tuesday, December 16, 2008

OMECO 14th month pay...

kapag ang Occidental Mindoro Electric Cooperative ay nagbigay ng 14th month pay sa kanyang mga empleyado ang coop ay gagastos ng mahigit sa tatlong milyong piso... samantalang kung additional cash gift... ang gagastusin ng OMECO ay mahigit isang milyon lamang...

ayon sa special meeting ng OMECO BOD noong december 9,2008 sa NEA office,napagalaman ng mga BOD na under NEAs guideline... allowed ang coop na magbigay ng P5,000.00 pero P3,000.00 lang ang naibigay. kaya ang mga empleyado ay makakatanggap ng P8,000.00. additional P3,000.00 as per NEAs guideline at additional P5,000.00 as per resolution... hindi pwede ang 14th month pay kasi ang isinaalang-alang dito ay ang katatayuang pananalapi ng OMECO...

pero alam n'yo ba na may bagong info akong natanggap na nagtransfer na ng pondo si gm alex labrador mula sa mamburao para sa 14th month pay???

anak ng mga barakong bayawak!!! sana hindi ito magkatotoo...

alam kong hindi dapat na madamay ang mga empleyado sa mga nangyayari sa OMECO... pero hindi ba mayroon tayong kasabihan... "na habang maliit ang kumot magtiis munang mamaluktot?"

kunsabagay mayroon din namang kasabihan... " kung gusto mong magkaroon ng sariling pag-aari... manghiram ka at huwag mong isauli!!!"

Monday, December 15, 2008

me and my GOD...

december 16. unang araw ng simbang gabi. tradisyon na ng mga mananampalatayang katoliko ang dumalo sa siyam na araw na "misa de gallo". pansinin ang iba't-ibang religious organization sa bawat panig ng simbahan, pare-pareho kasi ang kanilang suot, depende sa kinaaniban.

minsan sa isang pagpupulong kami ay kinumbida upang magbigay ng paliwanag tungkol sa adbokasiya laban sa mina. nung sabihin sa akin na mahigit apatnapu ang bibigyan namin ng kamalayan sa masamang dulot ng pagmimina ay natuwa ako... religious organization ba naman eh... ibig sabihin mataas ang pagpapahalaga nila sa mga bagay na nilikha ng DIYOS... sa inregridad ng LUMIKHA...

kaya lang... maling-mali (yata) ako... sa umpisa pa lamang, halatang hindi interesado ang karamihan sa kanila... di pa kami nag-uumpisa marami na ang umalis! isinuot ko pa naman ang aking damit na pang-malakasan... sa ilang mga natira at nakinig sa amin... nakakadismaya pa ang ilang mga reaksyon, bibigyan ko kayo ng halimbawa. "napakaganda po ng pagkakagawa ng inyong presentasyon... kaya lang po parang "tono" ng makakaliwa"... isa pa, "mahirap pong makilahok d'yan kasi proyekto ng gobyerno yan!"...

sa aking pagmumuni-muni... ang mga mananampalataya ay hindi pa talaga mulat na ang mga bagay na nakakaapekto sa buhay at kabuhayan ng nakararami ay dapat na hindi ipinagwawalang bahala... ang ibig kong sabihin, ang kalakhan pa rin ng mga mananampalataya ay nakasentro lamang sa kanyang sarili at sa Diyos. walang pakialam sa iba... ang kailangan lamang mailigtas ay ang kanyang kaluluwa, bahala na yung iba. hindi na nila pakikialaman... hindi na sila makikisangkot sa mga pagkilos upang tutulan ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya ng mina... kahit pa sabihing banta ito sa ating agrikultura... banta ito sa ating kabundukan... banta ito sa ating likas na yaman... banta ito sa ating buhay at kabuhayan... banta ito sa kalikasang ibinigay sa atin ng Poong Maykapal...

Be Honest... even if others are not... even if others will not... or even if others cannot... napakaganda... kaya lang... ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay pananampalatayang patay...

para sa kabatiran ng lahat... FAITH IS AN ACTION WORD... amen

Sunday, December 14, 2008

Sana lang...

noong maliit pa akong bata... naiinggit ako sa mga binata, kasi pinapayagan na silang lumakad at mamasyal na mag-isa. ako ni hindi ako makalabas sa kalye... baka daw masagasaan at kung anu-ano pang mga dahilan na madalas na nakakapag-pairita sa aking batang isip. bawal sila ng bawal... napakaraming bawal sa bata kaya nakakainggit ang maging binata...

lumipas ang ilang panahon naging ganap din akong binata... napakasaya ko ng magdiwang ako ng aking debut... makapaggagala na rin ako ng mag-isa masusunod ko na ang gusto ko ng walang bawal... kaya lang bakit ganun... andami pa ring hindi pwedeng gawin... ayaw ko ng banggitin kung anu-ano... basta maraming-marami pa ring bawal... naisip ko nakakainggit ang mga matatanda... kasi sila ang nagsasabi kung ano ang mga bawal at mga hindi pwedeng gawin ng mga bata at mga binata... naisip ko tuloy ambagal ko namang tumanda...

hanggang ngayon naghihintay pa akong tumanda... naiinip na ako... tangay ng aking pagkainip, nakipag-usap na lang ako sa isang medyo may katandaang lolo na sa tingin ko ay talentado... bakas sa kanyang mukha ang pakikidigma sa kinamulatang lipunan. maputi na ang buhok at kita na rin sa mukha ang mga gatla ng mahabang karanasan... makikita ang tagumpay sa pakikibaka sa buhay sa pamamagitan ng mga singsing at relong sa tingin ko pa lamang ay pawang mamahalin... sa umpisa ng aming kwentuhan ay napatunayan ko na tama ako, siya ang nagdedesisyon kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin ng kanyang mga anak. marami siyang kwento ng kanyang buhay... hirap na naranasan... umiyak sa mga kabiguan... natuwa sa mga naging tagumpay.

at sa dakong huli hindi ko napigil na hindi ipahayag ang aking pagkainggit sa isang tulad n'yang matanda... isang simpleng ngiti ang kanyang binitiwan at sinabi sa akin... "huwag kang mag-apura darating din ang panahon mo! ako na kinaiinggitan mo ang nagsasabi sa iyo... sa edad kong ito na malapit ng lubugan ng araw alam mo bang naiinggit ako sa isang bata?" muntik na akong mabuwal sa aking upuan sa aking narinig!!! sa kanyang pagpapatuloy ay sinabi niya... napakasarap maging isang bata... mayroon ka lamang kalaro, isang laruan, konting pagkain... masaya na! hindi naghahangad ng sobra-sobra... madaling masiyahan... konti lang ang pangangailangan!!!

habang naglalakad ako pauwi... tama siya... sana ang lahat ng tao ay maging katulad ng isang bata... walang muwang... walang malay... sa mga katiwalian...

sana lang hindi na ako tumanda...

Thursday, December 11, 2008

bakal, edukasyon at pulitika...

ang paghuhubog, pagkokorte o pagmomolde ng bakal ay nagiging madali sa pamamagitan at sa paggamit ng apoy...

ang edukasyon ay nakukuha sa pagbabasa, panonood, karanasan at sa pagbabahagi mula sa iba, nagiging madali ito kung kumpleto ka sa materyales... (i.e. internet etc.)

ang pulitika ay sining ng pamamahala... pwede kang magkahubog o magkahugis base sa iyong kinasangkutan... pwede kang matuto... ng kabutihan... at ng kasamaan...

ang bakal ay nasisira ng kalawang... (tunay na kalawang!)

sa edukasyon ay mayroon ding naninirang kalawang... (mga "guru" na walang prinsipyo at paninindigan... sweldo lang ang habol... nagagamit pa sa pandaraya!)

sa pilitika??? kakaunti na (yata) ang may sariling paninindigan... nawala na ang prinsipyong dati ay ipinakikipaglaban... kinain na ng sistema... kinalimutan na ang dangal... malaki ang impluwensiya ng malalaking "kalawang!!!"

Wednesday, December 10, 2008

boksing at lipunan...

pinatunayan na ni manny pacquiao na pwedeng manalo sa isang todong dehadong laban... naipakita n'ya na kung talagang magkakaroon ng isang totoong pagsasanay... tunay na disiplina... susundin ang nabuong plano... presto!!! matitiyak ang tagumpay...

ang takbo ng ating lipunan ay katulad ng boksing... kapag hindi nasunod ang alinman sa mga dapat gawin, tiyak ang kabiguang makakamit...

marami na tayong mga mahuhusay na boksingerong sumikat... at lumaos kaagad... ang dahilan? nalunod ng kanilang sariling "ihi"... inakalang wala ng tatalo sa kanila... gayundin sa ating lipunan... nailagay lang sa kapangyarihan... umabuso na...

sa boksing at sa lipunan iisa lang ang tiyak... kaawa-awa ang talunan...

walang makaalala... hanggang hindi lumulubog ang araw...

Tuesday, December 9, 2008

Omeco Board of Directors... ano ba talaga?

nagkaroon na naman ng numbers game kahapon sa ginanap na pulong ng OMECO BODs sa NEA office kahapon. naghain ng motion si dir. samson para iterminate ang serbisyo ni alex labrador bilang general manager ng OMECO. three sa in favor at dalawa naman ang hindi favor sa termination ni labrador. marahil sa mga nakakaalam at nakakasubaybay sa isyu nakapagtataka ito... totoo yun kasi sa apat na BODs na kakampi ni labrador hindi nakarating si dela fuente (ewan ko kung sinadya o hindi), kung dumating kasi siya all three ang magiging score... tie breaker ang chairman of the board na si jerry villanada... pero dahil nga sa wala si dela fuente kaya nanalo sa division of the house ang tatlo at nai-move ang resolusyon 138 para maalis sa serbisyo si labrador.

kaya lang akalain n'yo ba na ang chairman na si jerry villananda ay hindi pumirma sa sa nasabing resolusyon? at sa halip nang dumating si dela fuente ay naghain pa sila na magkaroon ng panibagong resolusyon para mawalan ng bisa ang nauna ng napagdesisyunan...

sa tulong ng NEA lawyer ay ipinaliwanag sa kanila na ano ang pawawalang bisa gayong hindi naman siya naniniwala sa resolution 138, kasi nga hindi nya pinirmahan.

kaya para magkaroon ng silbi ang resolution 139, pinirmahan nya ang 138.

nagkaroon ng regular meeting dec.9 ng umaga, nabuo ang reso 138 (wala kasi si dela fuente). nagpatawag si villanada ng regular meeting dec.9 ng hapon (wala naman si servando, nasa clinic kasi na-high blood, binantayan sya ni samson) doon naman nabuo ang reso 139...

grabe nakakahiya talaga ang mga BODs na walang malasakit sa ating mga consumer...

Thursday, December 4, 2008

Panis na alak...

nagpunta ako sa isang karaniwang umpukan kasama ang mga katulad kong bugoy...
maganda at masaya ang mga kwentuhan... samut-sari... magagaling ang mga punchline... masaya talaga...

pagkatapos ng ilang bote ng brandy at gin... ang mga masasayang punchline ay napalitan na ng payabangan... mayroon ng mahirap paliwanagan... may hindi na makaintindi... mayroon ng dapat unawain... bunga kaya ito ng panis na alak???

sa isang simpleng inuman ito ay karaniwang nangyayari... naisip ko bakit sa ating lipunan ngayon, marami ring mayayabang... marami ring mahirap umintindi... marami ring dapat unawain... maraming mahirap pagpaliwanagan... hindi naman sila nakainom ng ... panis na alak...

Wednesday, December 3, 2008

Labanang Pacquiao at Dela Hoya…

Sa nalalapit na paghaharap ng dalawang pinakamagagaling na boksingero ng mundo… maraming mga opinyon, pala-palagay o mga kuru-kuro an gating mga maririnig sa mga umpukan at kwentuhang kanto. May mga die hard na taga-hanga si pacman… gayundin si dela hoya. Totoo namang lahat ang kanilang mga sinasabi… marami ng mga pagkakataon ang ipinakita ng dalawang manlalarong ito ang kanilang galling, walang duda… pareho silang batikan, beterano, sa larangang kanilang pinaghaharian...

Ang kanilang laban sa December 7 (sa Pilipinas) ay nakikita ko ang isang matinding sagupaan… sagupaan ng mga manunugal!!! Babaha ng limpak-limpak na salapi saan mang panig ng mundo… pustahan doon pustahan dito… pansamantalang makakalimutan ang mga problema at ang malalalim na mga panlipunang issue… pansamantalang magkakasundo ang mga tao… aabangan ang pinananabikang laban ng mga pandaigdigang boksingero…

Sa isang banda ang isang maliit na boksingerong tulad ni Pacquiao ay lalaban sa isang malaking tulad ni dela hoya… sagisag ito at kumakatawan sa kasalukuyang takbo ng buhay ng mga Pilipino… ang ating bansa ay nabibilang sa 3rd class… iyan si Pacquiao sa laban na ‘to. Ang estados Unidos ay malakas at makapangyarihan… iyan si dela hoya… nagmamay-ari ng golden boy promotion… nangingibababaw ang impluwensiya…

Nakakatakot na magkaroon ng isang masamang panaginip ang bansang Pilipinas dahil lamang sa sobrang kayabangan ng mga kampo ni Pacquiao… masyado kaya silang nasakim sa laki ng perang nakataya… totoo naman manalo at matalo marami silang pera.

Sana nga manaig ang puso… o ang tapang at galing ng pinoy… kahit pa nga mahirap lumaban ng banggaan ang bisikleta sa isang kotse…

Para sa akin…

Tuesday, December 2, 2008

Ang Kakapal…

Napadaan ako sa tulay ng pinamanaan… ang tulay na hindi na natapus-tapos…
Akalain n’yo bang marinig ko na ipinagmamalaki ng manager ng bambi fm, na si (fr.(?) roni omanio, na tapos na raw ang pinakapaborito kong tulay… at akalain n’yo rin ba nagkaroon na ito ng inauguration? Dinaluhan ito ni deputy speaker maria amelita “girlie” villaroza at ilan pang mga personalidad…
Anak ng baka!!! Fr. Roni… isa kang pari (kung utak pari ka pa nga)… sana tiningnan mo muna ang pinamanaan bridge bago ka nagsalita… tsk tsk tsk…
Sa amin ang tawag sa taong hindi totoo ang sinasabi ay… SINUNGALING!!!
Ang kakapal naman… isasahimpapawid pa at sasabihing yari na ang isang proyektong kitang-kita ng mga tao na hindi naman totoo… o baka naman YARI na ang pondong nakalaan dito??? Wow grabe talaga ang kakapal n’yo!!!